Nine

473 29 0
                                    

Roni's POV

Mabuti naman okay na kami ni Borj kung hindi pa ginawa yun nila Kuya baka hindi pa din kami nag-uusap. Minsan awkward pa din pero at least mas okay na kami ngayon. Siguro nga we're better of as friends.

Masaya ang naging vacation namin, 1 week pa lang ang lumilipas pero parang ang tagal na nung huli ko siyang makita. Mabuti na rin ang pitong araw kesa sa limang taon.

Ring! ring! ring!

Tumunog ang celfone ko, si Kuya..

"Yes Kuya napatawag ka?" - nasa shop ako nun.

"Roni diyan kami magmerienda ha, sagot mo" - sabi ni Kuya.

"Yun lang pala eh, kala ko naman kung ano, sige just come over" - sagot ko.

3pm dumating sila Kuya at Missy..

"Paready ng table for four" - Kuya.

"Eh dalawa lang kayo ah" - maya-maya pumasok ang isang maputi, maganda at may pagkamestisang babae kasunod nito si Borj at lumapit sa kinaroroonan namin.

Borj's POV

Ano ba 'tong si Yuan? Bakit hindi niya sinabi na dito pala sa coffee shop nila Roni kami magmemerienda. Kasi naman bakit niyaya din nila Yuan si Leslie. Dumaan lang sila sa office and niyaya ako, i was with Leslie that time may mga dinidiscuss lang kami tungkol sa new project namin together.

"Nga pala Roni, this is Leslie, officemate ko, Leslie this is Roni, my friend, kapatid ni Yuan" - muntik ko ng malunok ang dila ko sa kaba at iniabot naman ni Leslie ang kamay niya kay Roni.

Para akong pinagpapawisan ng malamig. Ano ba 'tong pakiramdam ko nagffeeling boyfriend na naman ako ni Roni na nagguilty pag may kasamang ibang babae when she's around. Akala ko ba Borj nagbago ka na. Chill lang.

"Have a seat" - at hinila ko ang upuan para maayos na mkaupo si Leslie. Roni just look at us lalo akong pinagpapawisan.

"Borj umupo ka na din, bakit pinapawisan ka eh malamig naman dito sa place nila Roni" - panunukso pa sa akin ni Yuan, kilalang-kilala na niya ako.

Lumapit sa amin ang staff para kuhanin ang order namin. Nagpaalam na si Roni.

"Teka Roni, why don't you join us? Para ka namang iba" - Kuya.

Roni's POV

Nakakainis talaga 'tong Juanito Salcedo na 'to, nanadya talaga eh, kung hindi ko lang kapatid 'to, matagal ko na siyang nasakal.

Wala na akong nagawa kung hindi maupo kasama nila. Ang awkward ng feeling.

"Nga pala Borj are you free on Saturday? Kasi anniversary nila Mommy at Daddy, me and Roni are planning to give them surprise, mas magiging masaya siguro yun if present kayo, sama mo si Lolo at Lola ha.. just like the good old days pare" - Yuan.

"Saturday? Check ko na lang schedule ko pare, parang may appointment kmi ni Leslie nun eh"-Borj.

"Yes Borj, meron tayong meeting with Mr. Clavel pero around 2pm naman so I think makaka-attend ka naman" - Leslie.

Tahimik lang akong nakikinig, mukhang close sila ni Leslie to address him in his childhood nickname. Napa-ismid lang ako.

"Yun naman pala eh, dinner naman yung peprepare namin, you can also come over Leslie if you're free"-yaya ni Kuya, napatingin lang ako sa kanya.

"Okay, I'll try but I can't promise." - nangingiting sabi ni Leslie

They enjoyed chitchatting, tawanan ng tawanan at ang nakakainis nagbubulungan pa si Borj at Leslie. Mabuti na lang at dumating si Tonsi. Akala ko naman nakahanap na ako ng dahilan para makaalis pero niyaya din nila si Tonsi. Maya-maya pa nagyaya na si Leslie.

"Borj I think we have to go na, mayroon pa tayong kailangang i-discuss eh," - Leslie

"Ah sige mga pare, Missy, Roni until next time na lang" - at umalis na nga sila ni Leslie. Why I feel that there is something going on between the two of them? Pero sino ba ako para magselos, wala naman akong karapatan.

"Uy Roni natulala ka dyan, selos ka 'no?" - pang-aasar na naman ni Kuya.

"Weh! Sino nagsabi sayo?!" - pagmamaang-maangan kong sagot.

"Ayaw pa umamin halata naman" - Yuan

"Pwede ba Kuya? Tara na nga Tonsi, sa office na tayo" - pag-iwas ko.

"O siya aalis na din kami Roni, pagpasensyahan mo na 'tong Kuya mong alaskador" - Missy

"Ok bye sis, sanay na din ako dyan kay Kuya eversince naman ganyan na siya" - natatawa kong sabi.

"Bye Yuan, Missy" - Tonsi

"Bye Tonsi, ikaw na bahala dyan sa utol kong masungit" - Yuan

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon