Borj's POV
Ang saya-saya ko dahil finally kasama ko na ang mga taong mahalaga sa akin lalong-lalo na ang prinsesa ng buhay ko. But that look on her face kanina, hindi ko mabasa, well siguro nasurprise talaga siya sa pagdating ko. Ni minsan hindi niya ako kinausap pag kinakamusta ko siya pag ka-video call ko ang barkada, nginingitian niya lang ako, hindi man lang siya diretso makatingin sa akin. Ano kayang iniisip ni Roni? Sabi ni Yuan hindi din niya daw alam ang status ng dalawa, pero alam niya they are going out consistently. So at this point, hindi ko alam kung tama bang ipaglaban ko ang feelings ko for her lalo at ang sarili kong pinsan ang magiging karibal ko. It's my mind versus my heart.
Enjoy the moment na lang muna. Ang importante, nandito ako kung nasaan si Roni. Just the sight of her makes my heart beat faster.
"Baka matunaw. Kanina mo pa tinitingnan, bakit di mo lapitan?" - si Yuan na tumabi sa akin.
"Hindi ko alam kung paano pare, hindi ko kasi alam if nasaan na ako sa buhay ng kapatid mo"
"Uy lalim nun ah.. eh paano mo naman malalaman kung di mo siya kakausapin? Tama nga ako mahal mo pa din utol ko noh?"
"Hindi naman nawala pare, alam mo naman nag-iisa lang si Roni sa buhay ko. Naipit lang ako sa sitwasyon dahil na din sa pagkakamali ko 3 years ago. Pagbalik ko gusto ko sana ayusin ang lahat pero ikaw ba pare anong gagawin mo, ipaglalaban mo ba yung pagmamahal mo kung ang makakalaban mo ay mahalaga din sayo?" - diretsang tanong ko kay Yuan.
"Mahirap nga sitwasyon mo pare, kailangan mong timbangin mabuti ang mga bagay-bagay pero pare mas mahirap kalabanin ang sarili."
"Hay pare.. bakit ba hindi ko na lang pwede mahalin si Roni? Palagi na lang komplikado ang sitwasyon. Akala ko magiging okay na ang lahat dahil maayos naman kaming naghiwalay ni Leslie, at nasiguro ko naman na nasa mabuti na siyang kalagayan bago ako bumalik ng Pinas para sa babaeng mahal ko."
"Alam mo pare take it lightly na lang, wala kang dapat gawin, ipaubaya mo lang sa tadhana ang lahat. Naniniwala naman ako na meant kau for each other"
"Talaga ba bayaw? Sa tingin mo?" - biro ko. Masyado ng nagiging seryoso ang usapan namin. Tama naman ang psycho na 'to, I should take it lightly.
"Oo naman bayaw" - sakay naman niya sa pagbibiro ko.
Maya-maya nama'y dumating si Tom.
"Pinsan nandito pala kayo" - si Tom.
"Ah oo pinsan bigla nagkayayaan ang barkada eh, tara na join us" - yaya ko naman.
"Ah sige, pakita lang ako kay Roni"
Sinundan ko na lang ng tingin si Tom habang papalapit siya kay Roni. Agad naman siyang nginitian ni Roni, panay ang bulungan nila sa isa't isa at tatawa. What-a-sight! Makadurog-puso. Pano ko ittake lightly kung para na naman akong nahihirapang huminga sa nakikita ko.
Roni's POV
Nasulyapan ko na nakatingin sa direction namin si Borj. Hindi maipinta ang mukha niya, hindi kaya dahil kausap ko si Tom. Hello Roni, wag kang assumera okay! Tsaka bakit ba ako macoconscious, wala naman akong ginagawang masama and may girlfriend naman na din siya. So ano kayang problema ng Benjamin Jimenez na 'to? Sama tumingin.
Lumipat naman na din ang iba sa pwesto namin sa sala para sama-sama namang magkwentuhan. It is nice to catch-up with friends. Buti na lang we still find time for this kahit may kanya-kanya na din kaming mga pinagkakaabalahan.
"Sis gising ka pa?"
"Hindi sis, tulog na ako, nanaginip lang ako ngayon kaya nakakausap mo ako" - pagbibiro ni Jelai.
"Sis naman eh"
"Wag ka na magsalita, alam ko na kung bakit ka tumawag.. about Borj? Right?"
"You knew me well talaga sis. I'm kinda confuse right now."
"Bakit ka naman nacconfuse?"
"Alam mo kasi sis last week nakapagdecide na ako na sagutin si Tom, it's been 3 years na din kasi and he's consistent naman sa pag-aalaga at pagmamahal sa akin."
"Talaga ba sis? Buti naman you came into that realization na 3 years ng nandiyan si Tom para sayo."
"Actually sis, parang kami naman na din eh wala lang label talaga ung relationship namin. Kami na lang ang nagkakaintindihan doon kung anong meron kami."
"Ayun naman pala eh, so anong problema? Wag mo sabihin nagbabago ang isip mo dahil kay Borj. Naku sis! Sakit sa ulo nian."
"I know sis. Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin?"
"Alam mo Roni ikaw lang naman makakasagot niyan eh. Nag-usap na ba kayo ni Borj?"
"Hindi pa naman. Ano bang dapat naming pag-usapan?"
"Well advise lang sis ha, siguro dapat muna magkausap kayo ni Borj, ung heart to heart talk, yung walang kailangang uminom para lang masabi ang nararamdaman. Hindi na rin naman kayo mga bata. At kahit pa siguro hindi naman naging kayo dati, alam niyo sa isa't isa kung anong tunay na namamagitan sa inio, you have mutual feelings but both unexpressed. Ayusin niyo muna yang sa inio bago ka pumasok sa isang relasyon"
"I guess you're right Jelai pero I don't have the guts to make the first move, 3 years ago ginawa ko na yun, pero parang napahiya lang ako. I leave it to fate na lang."
"I understand sis. Pero let me bless you na lang na sana makagawa ka ng desisyon na hindi mo pagsisihan at tunay na makakapagpasaya sayo."
"Thank you sis."
![](https://img.wattpad.com/cover/268301910-288-k985050.jpg)
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...