Fifteen

424 29 0
                                    

Borj's POV

Dumating na naman ang asungot. Bakit kaya maaga din siya kila Roni? Manliligaw kaya ulit siya? At sino naman kaya ang nagustuhan ni Roni na wala na? Sabi naman nila wala ng naging boyfriend si Roni after her break-up with Basti.

"Oh iho mukhang malalim na naman ang iniisip mo ha?" - si Lolo na kanina pa pala ako tinitingnan.

"Ay Lo wala po, sa trabaho lang po"

"Ah kayang-kaya mo yun apo.. O hindi ba't galing ka kila Roni? Kamusta na nga pala kayong dalawa?" - tanong ni Lolo.

"Kaming dalawa? Ano naman po ang sa aming dalawa? Magkaibigan pa rin po kami ni Roni" - sagot ko naman sa kanya.

"Sigurado ka ba iho? Parang iba ang nakikita ko sayo eh.. Alam mo apo kahit hindi mo sabihin sa akin, alam ko na pag ganyan ang mga galaw mo, si Roni yan" - si Lolo.

"Si Lolo talaga oh, tsismis po yan, magkaibigan lang po kami ni Roni" - pagtanggi ko dahil ayokong may ipag-alala na naman sila sa akin kung sakaling malaman nila yung feelings ko for Roni.

"O sige na nga apo, sabi mo eh, basta nandito lang kami kung kailangan mo ng payo ha" - si Lolo.

"Opo Lo, salamat po"

Alas-3 ng hapon ng tumawag sa akin si Yuan, nagyayaya sa bahay nila, pupunta din daw sila Jelai dun. Parang ayoko pumunta kung nandun pa din si Basti. Hindi lang ako komportable pero kung hindi naman ako pupunta, ako lang ang wala. Bahala na nga.

Pumunta na din ako pagkatapos ng isang oras kong pag-iisip kung pupunta ba ako o hindi. Nadatnan ko sila sa garden.

"Buti naman dumating ka pare, akala ko iindianin mo na kami eh, kami na sana pupunta sa inyo para wala ka ng kawala" - si Yuan

"Pasensya na pare may inutos lang kasi sila Lola kaya ngayon lang ako" - palusot ko.

"Halika na, nagbake si Roni ng cake, kain ka na, bukas may bayad na to.. haha.." - si Jelai.

"Masarap 'to pare, the best, try mo.." - si Junjun.

"Ano ka ba Junjun hindi mo na kailangan sabihin yan kasi kahit naman anong i-bake ni Roni, masarap para kay Borj? Di ba Borj?" - si Jelai na nanunukso na naman.

"Ano ka ba Jelai? Tigilan mo na nga yan.. oh Borj try mo" - at inabot sa akin ni Roni ang isang slice ng cake. At nakita naman kagad ni Jelai ang bracelet na binigay ko kay Roni.

"Uyy teka sis, kanino galing yang bracelet mo ha? Ngayon ko lang nakita yan ha, gandara ha.. elegant.." - at tiningnan pa niya itong mabuti.

"Oo nga little sister, mukhang may nabulag ka na naman ha" - pang-aalaska pa ni Yuan.

"Kuya ang rude mo naman. Bigay lang to sa akin ng kaibigan ko, okay.. wag kayong ano ha.." - si Roni. Napalunok na lang ako.

"Ano Borj what can you say?" - pag-iiba niya ng usapan.

"Masarap Roni, the best talaga gawa mo.. Tama si Junjun pangmalakasan talaga" - walang halong bola pero masarap talaga ang binake niyang cake.

"Thank you." - and then she smiled at me, na mas matamis pa kesa sa kinakain kong cake.

Nagulat ako ng biglang lumitaw si Basti, galing pala siya sa loob ng bahay at kausap si Tito Charlie. Iba na ang kutob ko kung bakit until now nandito pa siya.

"Hi guys, may I join you?" - tanong niya at umupo pa talaga siya sa tabi ni Roni. Roni seems uncomfortable pero hindi ko masabi kung gusto niya ba ang nangyayari o hindi dahil walang pag-aalinlangan kung titigan at magpa-sweet sa kanya si Basti. Tiniis kong deadmahin ang lahat para hindi naman maging awkward sa barkada, kahit papaano naman naging parte din ng barkada si Basti.

Nasa kwarto na ako, hindi pa din dalawin ng antok. Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin sa feelings ko para kay Roni. Lumalakas na sana ang loob ko pero pumasok na naman sa eksena si Basti. Gusto ko sanang sumugal ulit pero takot akong matalo sa pangalawang pagkakataon. Hindi pa din ba ako natuto sa lahat ng nangyari sa akin pero si Roni lang ang minahal ko ng ganito at sigurado ako sa sarili ko na siya ang gusto kong makasama sa habang buhay.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon