Borj's POV
Buong araw walang paramdam si Roni. Wala na din ang kotse niya nung dumaan ako sa kanila. Hindi ko na nagawa pang dumaan sa coffee shop nila dahil tinanghali na ako ng gising, may client appointment pa naman ako ngayon. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi knowing na may tampo na naman siya sa akin. Nakailang tawag at messages din ang sinend ko sa kanya pero wala ni isang sagot. No wonder galit pa din siya sa akin. Hindi ko na din siya inabot sa shop nila. Sabi ng staff niya ay nagpaalam eto na maagang uuwi dahil masama ang pakiramdam. Dali-dali naman akong dumiretso sa kanila dala ang isang boquet ng flower bilang peace offering. Namili na din ako ng dinner namin.
Pagdating ko sa bahay nila ay inabutan ko siya na nakatulog sa sofa. Mukhang hindi niya namalayan na nakatulog siya at hindi naisara ang pinto. Nakakapag-alala tuloy kahit pa sabihing mahigpit ang security dito sa village.
Hinaplos ko siya sa noo, to check kung may lagnat ba siya. Mabuti naman at wala pero naalimpungatan naman siya sa ginawa kong iyon.
"Baby I'm sorry... Bati na tayo please." - sabay abot sa bulaklak na binili ko para sa kanya.
"I'm sorry too Babe kung hindi kita pinakinggan last night, pagod lang talaga ako. Thank you for these beautiful flowers." - at niyakap niya ako katunayan na okay na kami.
"Nakaready na din ang dinner sa dining table baka gutom ka na."
"Wow sweet naman ng boyfriend ko. Thanks Babe." - ang sarap pakinggan pag sinasabi niya yun, na boyfriend niya ako, ang tagal na panahon ko kasing inasam ang estado ng relasyon namin ngayon kaya hinding-hindi ako papayag na masira yun dahil sa mga simpleng tampuhan lang. Pinaalam ko na din sa kanya na gusto ni Mommy na sunduin ko si Jane sa airport sa darating na Sabado. Hindi naman siya nagprotesta at napagkasunduan naming dalawa kaming susundo sa kanya.
Sabado, sa airport...
Roni's POV
Maaga kaming dumating ni Borj sa airport para naman hindi nakakahiya sa bisita nila. Nagprisinta na din akong samahan siya to see if my basis ba ang selos na nararamdaman ko kahit hindi ko pa man namimeet si Jane. Pabalik na ako galing CR ng datnan kong may kayakap si Borj na babae. Nabigla ako sa nakita ko, kitang-kita sa kilos ng babae na sabik na sabik siya ng makita niya si Borj.
Pasimple na lang akong lumapit sa kanila at agad naman yung napansin ni Borj.
"Ahhhmmm.. Jane by the way this is my girlfriend Roni, Roni this is Jane, kinakapatid ko." - habang kumakalas siya mula sa pagkakayakap nito.
"Girlfriend? You didn't tell me that you already have a girlfriend Borj, nakakapagtampo naman" - hinarap niya ako at nilahad ang kanyang kamay at makahulugan ang itinapon niyang tingin sa akin.
Iniabot ko ang kamay ko sa kanya at tipid na ngumiti.
"Nice meeting you Jane."
Sinakay na ni Borj ang mga gamit niya sa trunk ng kotse. Akma kong pupunta sa passenger seat at ipagbubukas na ako ng pinto ni Borj ng biglang sumingit ito at...
"Roni if you wouldn't mind, can I sit here? Namiss ko lang 'tong kinakapatid ko eh.. Ok lang ba?"
"Oh sure, sige dito na lang ako sa back seat" - at pinilit ko na lang din ngumiti dahil ayokong maging awkward lalo kay Borj ang sitwasyon kahit sa loob ko eh pakiramdam ko ay nagdeklara na ng silent war ang kinakapatid kuno ng boyfriend ko.
Hindi ko alam kung nanadya ba talaga ang babaeng hitad na eto at humilig pa sa balikat ni Borj at doon ay nakatulog. Patawarin mo po ako Papa God pero tila nagtutulog-tulugan lang naman ito. Mula sa rearview mirror ay napansin kong sumusulyap-sulyap sa akin si Borj na tila nangungusap ang mga mata at nagsasabing pasensya na. Tipid lang ang ngiting isinagot ko sa kanya. Ayoko naman din mag-isip pa siya ng kung ano-ano habang nagddrive. Mabuti na lamang at inabot lang kami ng dalawang oras sa byahe, mas maiksi sana kung walang trapik.
Pagdating sa bahay nila Borj ay agad sumalubong si Jane kina Lolo at Lola na tila ba close na close siya sa mga ito at inabot kagad ang mga pasalubong niya sa mga eto. Habang iniistima nila Lola si Jane ay iniakyat naman ni Borj ang mga maleta nito sa guest room.
"Babe pakitulungan mo naman ako sandali dito." - mula sa taas ay tinawag ako ni Borj kaya nagpaalam ako pasumandali para tulungan siya. Nasa taas na ako at papunta sana sa guest room sa pag-aakalang nandun si Borj ngunit nagulat ako ng mula sa likod ay hinatak niya ako sa braso papasok sa kwarto niya.
"Kanina ko pa gusto gawin 'to Babe..."
Isang mariin na halik ang iginawad niya sa akin at nagsimula ko namang tugunin ang mga maiinit na halik na yon. Kahit siguro magdamag pa namin gawin yun ay hinding-hindi ako sasawaan. Ramdam ko ang nag-uumapaw na pagmamahal ni Borj sa bawat halik na binibigay niya sa akin.
Bigla namang may kumatok sa bahagyang nakaawang na pinto ng kanyang kwarto na parehas naming ikinagulat.
"A-ahmm Borj san ba dito ang magiging room ko?" - si Jane. Tila nanadya ang babaeng 'to dahil saglit pa lang nawawala sa paningin niya si Borj ay eto at nakasunod na sa amin.
Pilit kong kinalma ang kalooban ko at hinabaan pa ang pasensya alang-alang kay Borj at kay Tita Kristine.
![](https://img.wattpad.com/cover/268301910-288-k985050.jpg)
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
أدب الهواةIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...