Sixteen

399 31 0
                                    

Hindi ako makafocus sa pinag-uusapan namin ni Leslie about sa work at agad naman niyang napansin yun.

"Borj may problema ka ba?" - si Leslie.

"Ah wala Les, pasensya ka na may iniisip lang ako"

"With that kind of look? Babae yan no?" - kantiyaw niya sa akin.

"Hindi 'no, mabuti pa let's have a snack, my treat para makabawi naman ako sa pagiging absent-minded ko.. san mo gusto?"

"Gusto ko sana sa Beanery, yung shop nila Roni, okay lang ba? Nagustuhan ko kasi food nila dun eh"

"Dun mo ba talaga gusto? Baka naman napipilitan ka lang, pwede naman tayo magtry sa iba" - gusto ko muna sana umiwas kay Roni.

"Bakit naman ako mapipilitan? I know friend mo sila Roni pero hindi naman yun ang reason bakit gusto ko sa coffeeshop na yun, relaxing kasi ang ambiance and the food is great. Sige na pleaseeee.." - pakiusap sa akin ni Leslie, at hindi ko naman yun kaya iturn down.

In just few minutes, dumating kami sa shop nila Roni. Thank God wala siya. Umorder na kami.

"Borj so tell me sino ang gumugulo sa isipan mo?" - walang ligoy na tanong ni Leslie. Hindi tulad ng ibang babae, very vocal si Leslie and transparent.

Tumingin ako sa kanyaat sinenyasan kong lumapit siya ng konti at bumulong ako sa kanya.

"Ikaw talaga ang kulet mo," - sabay tawa ko dahil akala niya seryoso ang sasabihin ko.

"Kainis ka, nauto mo na naman ako, pero seriously ano ba kasing iniisip mo? Share mo naman, kapag ako ang may problema shineshare ko sayo tapos ikaw ganyan ka" - may himig pagtatampo sa boses niya.

Siguro nga yung pagiging open namin sa isa't isa ang dahilan kung bakit parang matagal ko na siyang kilala. Minsan naikwento niya sa akin na this is her second life, dahil 5 years ago nagkaroon siya ng brain surgery dahil nagkaroon siya ng brain tumor kaya din siguro very vocal and expressive siya sa mga bagay na gusto niya. Bilib din talaga ko sa kanya, sa tapang at tatag niya.

"Huy ano Borj? Hindi mo talaga sasabihin? Ganyanan na?" - muling pangungulit nito.

Luminga-linga muna ako sa paligid bago ko sinimulang mag-open sa kanya.

"I know Leslie almost everything naikwento ko na sayo and ganun ka din naman sa akin, hesitant man ako sabihin sayo tong problema kasi dyahe eh baka sabihin mo ang corny ko pero ang hirap pala magpanggap"

Lumipat siya ng upuan malapit sa akin, magsisimula pa lang ako pero biglang may pumasok sa shop.. si Roni.. maya-maya pa ay kasunod naman niyang pumasok si Basti. Ngayon siguradong-sigurado na ako na kasabay ng pagbabalik ko ay ang pagbabalik din ni Basti sa buhay niya. Napayuko na lang ako.

"Borj... Borj... are you okay?" - tanong sa akin ni Leslie.

"Tara na Les, let's talk about this some other time." - yaya ko sa kanya. Siyang pagtayo ko ay pagharap ni Roni at Basti sa direksyon namin. Syempre kaswal lang akong ngumiti.

"Borj pare nandito pala kayo ni Leslie, tara merienda tayo" - alok ni Basti. Nag-hi lang din sa amin si Roni, hindi ko mabasa kung anong reaksyon merun siya.

"Hindi na pare, katatapos lang, paalis na din kami ni Leslie eh"

"Yup we're leaving na din, my mga kailangan pa kaming tapusin sa office eh" - sang-ayon ni Leslie sa akin at nagpaalam na kami sa kanila.

Alas 9:30 na ng gabi ng matapos kami ni Leslie. Overtime dahil bukas na ang presentation namin para sa isang mabigat na kliyente. Niyaya ko siya magdinner pero sarado na ang mga resto around the area kaya nauwi kami sa isang convenient store.

"Daya mo Borj, hindi mo na natuloy yung kinukwento mo kanina" - at hindi pa din pala nakalimutan ni Leslie yun kahit sobra kaming napagod para sa presentation namin bukas.

"Okay, okay sige bukas after the presentation, let's have dinner" - yaya ko sa kanya.

"Okay sige asahan ko yan ha."

After kumain, hinatid ko na siya sa kanila.

Malapit na ako sa bahay ng matanaw ko ang kanto ng bahay nila Roni. Sandali akong tumigil tulad ng pag-aabang ko sa kanya dati at pagbabakasakali na lumabas siya sa may gate. Pero napagpasyahan ko na ding putulin ang pagbabakasakaling iyon at pilit ibinaling ang atensyon sa pagmamaneho.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon