Roni's POV
Anniversary na nila Mommy, maaga ako umalis sa shop to prepare, may usapan na kami nila Kuya. Tiyak matutuwa sila Mommy sa surprise namin pagdating nila, nakaplano ang lahat.
All set na, isa-isa ng dumating ang aming mga bisita, Junjun at sila Tita Elsie, Jelai with Tito Cesar and Tita Marla, nandito na din sila Lolo at Lola, Tonsi just arrived pero yung bisitang hinihintay ko wala pa, darating kaya siya? Napapa-isip ako.
"Roni ikaw na ba yan? Mas lalo kang gumaganda ha, kaya hindi nakapagtataka Seling kung bakit nabaliw ang apo mo dito kay Roni eh" - panunukso ni Lolo Miyong.
"Wag ka naman magbiro ng ganyan at baka ma-offend si Roni." - pagsaway ni Lola.
"Hindi po La, wala po yun, kamusta na po kayo? Namiss ko na po kayo, pasensya na po hindi nakakadalaw lately" - naging busy ako lately, siguro mga 2 months din ako di nakadalaw sa kanila. Sa loob ng 5 years na wala si Borj, I made sure to check on Lolo and Lola occasionally pero hindi man lang nila nabanggit sa akin na uuwi na pala si Borj. Come to think of it, baka nung last visit ko sa kanila, nandun na din si Borj, at sinadya niyang hindi magpakita sa akin.
"It's ok iha, dumating naman din si Borj kaya may nakakasama na kami, teka nasan na nga ba ang apo mo na yun, baka mauna pa sila Marithe sa kanya. Nakakahiya naman." - Lola Seling.
"Ah sige po Lo, La puntahan ko lang po sila Jelai." - pagpapaalam ko. Maya-maya naman ay dumating na din si Borj, he came along with Leslie.
"Ah guys, sinama ko na si Leslie medyo late na natapos ang meeting namin eh. Ok lang ba Yuan, Roni?" - Borj
"Of course naman pare, diba nga ininvite na din namin siya nung nasa coffeeshop tayo, welcome, welcome, pasok kayo" - sagot ni Kuya, pasimple lang naman akong ngumiti. Ipinakilala ni Borj si Leslie sa barkada, mukhang okay naman pala tong Leslie, hindi siya mahirap pakisamahan kaya hindi na ako magtataka if she and Borj got along very well.
"Okay lang yan" - binulungan ako ni Tonsi. Nginitian ko lang din siya.
"Guys tumawag na sila Daddy, malapit na daw sila, pasok na tayo lahat sa loob" - yaya ni Kuya sa aming mga friends turned family. Pinatay namin ang lahat ng ilaw para isipin nilang walang tao, at sinadya naming sa iba ipark ang mga sasakyan.
"Tingnan mo nga 'tong sila Yuan, kung kailan binilinan mong samahan muna ang kapatid sa bahay dahil wala tayo, tingnan mo wala pati si Roni alam namang dadating tayo wala din" - Daddy.
"Relax lang love, oh eto na yung susi, do the honor" - si Mommy.
Pagbukas ng pinto at ilaw...
"Surprise! Happy Anniversary" - bati naming lahat at legit! nasurprise talaga sila Mommy and Daddy. Naging mahaba ang gabi dahil sa naging reunion na din 'to ng barkada at ng mga pamilya namin.
"Nakakatuwa naman ang barkada niyo guys, pati mga pami-pamilya niyo parang magbabarkada din" - si Leslie.
"No Leslie, we are one big family here, dito nabuo ang pagkakaibigan at pagkaka-ibig-an namin sa neighborhood na 'to" - si Junjun.
"Oo dito na love at first sight sa akin si Junjun, at nabuo ang love story ni Borj at..." -at tiningnan naman ako ng makahulugan ni Jelai.
"Love story ni Borj at nino?"-nacucurious na tanong ni Leslie.
"Secret! Sa kanya mo na lang itanong" - pambibitin ni Jelai.
Maya-maya pa may humabol na bisita.
Oh no si Tito Ric, and he's with Basti. Matagal na din nung huli kaming nagkita. I don't know what to feel or how to face him. Maayos naman ang hiwalayan namin pero ganto pala ang pakiramdam na makita mo ang ex mo after niyo maghiwalay. Para akong naconscious, parang gusto ko na lang magtago.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...