Borj's POV
Sabi sa akin ni Lola babalik na daw si Tom sa Italy. Hindi ko maintindihan bakit biglaan. Wala naman din siyang nababanggit sa akin. Ano kayang dahilan niya? Alam na kaya yun ni Roni? Kailangan makausap ko si Tom.
Past 9pm nasa veranda ako, nagsosolo ako at tamang inom lang, iniisip ko lang kung paano na si Roni kung bigla na lang aalis si Tom. Hindi ba't pabor naman sa akin kung magkaganun man pero bakit hindi ko makuhang magpakasaya. Si Tom ang naging sandalan niya ng hindi ko yun magawa para sa kanya. Ayoko man aminin pero sa ngayon si Tom na sarili kong pinsan ang greatest rival ko sa puso ni Roni. Alam kong espesyal ang pagtingin ni Roni sa kanya. At ako din naman ang may kasalanan kung bakit nasa ganto akong sitwasyon na hindi ko alam kung nasaan at sino ba ako sa buhay ni Roni ngayon. Masakit isipin na ako ang naging dahilan kung bakit nawala sa akin si Roni. Pero mas masakit na makitang nasasaktan siya at wala naman akong magawa.
"Can I join you?" - si Tom.
"Sure." - and I handed him a bottle of beer.
Tahimik lang kami, mukhang malalim din ang iniisip niya. Humugot siya ng malalim na buntong hininga bago niya sabihing....
"Borj babalik na ako sa Italy. Ikaw na ang bahala kina Lolo at Lola at sa business na binuo nating dalawa."
"Ikaw na ang bahala kay Roni." - si Tom.
Napatingin ako sa kanya. Totoo nga pala ang sinasabi ni Lola na aalis na siya.
"Ano bang sinasabi mo pinsan? Aalis ka na nga? Paano si Roni? Alam na ba niya?"
"She don't deserve someone like me Borj. May pananagutan na ako. Mahal na mahal ko si Roni pero iba na ang sitwasyon ngayon."
"Anong ibig mong sabihin?" - takang tanong ko. At buong katapatan niyang pinaliwanag sa akin ang sitwasyon na kinalalagyan niya.
"Are you saying that you're dumping Roni for Sofia?! Akala ko ba mahal na mahal mo?! Bakit parang ang dali para sayo ang magdesisyon ng ganyan?!"
"Pinsan matagal ko 'tong pinag-isipan at nauubusan na ako ng panahon. Kailangan ko ng magdesisyon. Intindihin mo naman sana ang sitwasyon ko. Mahal ko si Roni pero hindi ko kayang ipangako sa kanya ang pagmamahal na yun lalo kung malalayo ako sa kanya at mapapalapit naman sa mag-ina ko. Ayokong maghintay siya sa akin ng walang kasiguraduhan kung babalik pa ba ako. Nagpapaka-realistic lang ako Borj. Ayokong in the long run kung kelan mas lumalim ang feelings ni Roni para sa akin ay dun ko siya bibitawan."
I get his point. Tulad ko naipit lang din siya sa sitwasyon pero nagpupuyos pa din ang damdamin ko sa ideyang hindi niya kayang panindigan ang pagmamahal niya para kay Roni. Yes I love Roni, no doubt about it. Matagal ko ng napatunayan sa sarili ko na si Roni lang ang nag-iisang nagmamay-ari ng puso ko, gaano man katagal, gaano man kalayo at kahit na sino pa ang dumating sa buhay ko, kay Roni ko lang naramdaman 'to. Mahal na mahal ko si Roni na kaya kong magsakripisyo kung yung bagay na yun ang magpapaligaya sa kanya.
Imbes na sumagot pa ay minabuti ko na lang na umalis at pumasok sa kwarto ko. Ayokong may masabi pa akong hindi maganda at pagsisisihan ko sa huli.
Nakahiga ako sa kama at nakatingin sa kisame. Iniimagine ko pa lang na masasaktan si Roni ay parang sasabog na din ang puso ko. Lalo pa ngayon wala sila Tita Marithe at Tito Charlie. I wonder if she's okay.
Ilang araw ko din hindi kinakausap si Tom until this day na araw ng flight niya. Bago siya umalis ng bahay ay humingi ako ng pasensya sa kanya sa inasal ko. At tinanggap naman niya yun.
"Salamat pinsan. Akala ko aalis ako ng hindi natin naaayos 'to. Ikaw na ang bahala sa lahat dito ha. Alam ko naman na kung anuman ang nagawa ko ay mas kaya mo pa yun higitan. Ikaw na ang bahala kay Roni, alam ko naman kahit hindi mo pa aminin sa akin na mahal na mahal mo pa din siya kaya nga nagalit ka ng ganun sa akin. Sa dami ng pinagsamahan natin, ngayon mo lang ako hindi kinausap ng matagal. Panatag akong aalis dahil alam kong hindi mo siya pababayaan."
"Pasensya ka na pinsan. Hindi ko naman piniling mahalin si Roni at hindi ko kayang turuan ang puso ko na hindi siya mahalin pero Tom wala akong ginawa para agawin siya sayo, nirespeto ko ang nararamdaman mo para sa kanya dahil mahalaga kayo parehas sa akin."
"I know naman pinsan, and I admire you for that. Salamat pinsan."
Dinaanan namin si Roni sa bahay nila dahil kasama siyang maghahatid kay Tom sa airport. Hindi naman na sumama sa amin sila Lolo at Lola dahil masama ang pakiramdam ni Lola.
Tahimik lang si Roni habang pabalik kami sa village pagkatapos namin maihatid si Tom. Nakita ko kung paano tumulo ang luha niya habang nagpapaalam kay Tom. Nakatanaw lang siya sa car window. Hindi ko alam kung paano siya i-aapproach.
"Roni.... Are you okay?"
She just gave me a frugal smile.
Niyaya ko siya kumain bago umuwi para sana magpapahinga na lang siya pagdating niya sa bahay pero she refused. Busog pa naman daw siya kaya dineretso ko na siya sa bahay nila para makapagpahinga na din siya. Bago ako umalis...
"Roni if you need someone to talk to, I'm just here."
"Thank you Borj." - ang tangi lamang na naisagot niya sa akin bago tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay nila.
Gusto ko pa sana siyang samahan pero siguro kailangan pa din muna niyang mapag-isa.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanficIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...