Seven

499 30 0
                                    

Roni's POV

Ano kayang pinag-uusapan nila Kuya at Borj? Mabuti pa si kuya, kahit 5 years silang hindi nagkasama ni Borj, walang gap, hindi katulad namin, why he seems so cold to me? Galit ka ba sa akin Borj?

Nakatanaw lang ako mula sa bintana ng room ko, hindi ko pa kaya makihalubilo sa kanila after ng nangyari. I better stay here inside baka pag nagkita lang kami ulit ni Borj, I'll feel awkward again.

Toktoktok

"Roni, Jelai here, can I come in?" - Jelai

"Pasok Jelai" - sagot ko.

"Musta ka na sis? Bakit hindi ka lumabas? Masama pa ba pakiramdam mo?" - pag-aalala sa akin ni Jelai.

"Okay naman na ako sis, hindi ko kasi alam kung paano haharap sa inio eh, para akong nahihiya, basta.. hindi ko ma-explain yung feeling eh" - paliwanag ko kay Jelai.

"Alam mo Roni, hindi ka naman dapat mahiya sa amin eh, wala ka namang ginawang masama, yung manyak na yun ang may ginawang masama, mabuti na lang talaga dumating si Borj mo" - panunukso sa akin ni Jelai.

"So anong feeling na iligtas ng knight in shining armor mo?" - parang mas kinikilig pa sa akin si Jelai sa sobrang saya niya.

"Ano ba Jelai? Hinaan mo nga ang boses mo baka mamaya may makarinig pa sayo eh.. Actually, nahihiya nga ako sa kanya, napahamak pa siya ng dahil sa akin, kaya ayoko din lumabas eh" - sagot ko naman sa kanya.

"Nahihiya ka pa? Eh magkayakap nga kayo kanina eh, uuuyyy.. so masarap ba yakapin ang hunky body ni Mr. Benjamin Jimenez" - pangangantiyaw pa niya.

"Halika nga dito Angelica Rivera, masasabunutan na talaga kita eh" - at nagpahabol-habol naman sa akin si Jelai hangang papalabas ng kwarto.

Napatingin naman ang barkada sa akin at nandon na din sila Kuya at Borj. Bigla tuloy ako nahiya.

"Ano Roni kamusta ka na? Mabuti naman mukhang ok ka na ha, ang bilis-bilis mo na tumakbo" - pangangantiyaw ni Kuya Yuan sa akin. Nakita ko on my peripheral vision na nakatingin din sa akin si Borj.

"Kuya naman eh..." - hiyang-hiya naman ako.

"Halika ka na sis tabi na tayo" - at hinatak ako ni Jelai para umupo sa tabi niya, beside Borj. Nanadya talaga tong bruha na 'to eh.. pero namiss ko yun sa kanya.. nakakatuwa talagang pagmasdan na kumpleto kami at sa tabi ko ang lalakeng pinakamamahal ko.. Haysssst..

"Hoy Roni! Ano na naman iniisip mo diyan ha? Natutulala ka na naman, iba na yang pinapakita mo ha, baka madala ka na sa Mandaluyong niyan" - pang-iinis na naman ni Kuya Yuan sa akin.

"Grabe ka naman sa akin Kuya, natutuwa lang talaga ko kasi kahit na may mga hindi magandang nangyari in the past nandito pa din tayo ngayon, masaya at kumpleto just like when we were young" - nakasmile na din ako ng totoo, medyo nakaka-adjust na din ako sa presence ni Borj. Ang gwapo-gwapo naman kasi niya ngayon, nalalaglag ang puso ko lalo na pag lumilitaw ang dimples niya. I really miss this man beside me. Sana lang kung hindi man maibalik ang dating pagmamahal niya sa akin, maibalik naman yung pagkakaibigan namin. Buhat ng magkaroon ako ng muwang sa mundo nandiyan na si Borj, I can't really imagine my life without Borj in it. Hayyy Borj... sa isip isip ko.

"Kaya nga let's cherish this moment together, hindi natin alam kung kailan ulit mauulit to" - Tonsi

"For our love and friendship" - at itinaas ni Kuya ang isang boteng beer.

"Cheers!" - sabay-sabay namin itinaas ang bote ng beer, nagcheers at uminom. Napainom na din ako kahit hindi naman talaga ako umiinom. We spent the night having fun. Feeling ko tinatamaan na ako ng alak. Lasing na din silang lahat dahil kanina pa sila umiinom. Ang sarap pala ng pakiramdam ng lasing, pakiramdam ko ang lakas ng loob ko.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon