Fourteen

426 31 1
                                    

Roni's POV

After breakfast, naligo muna ako. Hindi ko kinaya si Daddy kanina. Pero siguro nag-aalala lang din siya sa akin kasi after Basti wala na ako inentertain. Nasa baba pa kaya si Borj? Makababa na nga..

Nasa sala si Borj kausap na naman si Dad. Ano na naman kaya sinasabi ni Daddy sa kanya. Etong si Daddy binebenta na ata ako eh.

"Oh hi Borj, nandito ka pa pala.." - bati ko.

"Ah bakit gusto mo ba umalis na ako?" - biro niya.

"Hindi 'no, ano ka ba? Maya-maya din baka nandiyan din sila Kuya, pumupunta dito yun every Sunday." - sabi ko.

"Roni ikaw muna bahala dito kay pareng Borj ha, pasok muna ako sa kwarto.." - nagpaalam muna si Daddy. Buti naman baka kung ano-ano na naman sabihin niya.

"Pasensya ka na kay Dad ha, kung ano-ano pinagsasasabi"

"Okay lang Roni, worried lang siguro siya sayo. Bakit nga ba kasi after ng relationship niyo ni Basti eh hindi ka na nagboyfriend?" - tanong ni borj sa akin.

"Ah eh.. ano kasi.. at first ayaw ko muna talaga ng commitment.. eh now...."

"Now?" - si Borj

"Now, wala na siya eh, o baka wala naman talaga.." - dugtong ko.

"Wala na siya? Sinong siya? Kilala ko ba yun? - pag-uusisa ni Borj.

"Kilalang-kilala" - bulong ko.

"May sinasabi ka ba Roni?" - si Borj.

"Ah wala, wala, wag na lang natin siya pag-usapan, may ibang mahal na siguro siya ngayon"

"Paano mo naman nasabi? May nakita ka ba?" - tanong ni Borj.

"Wala.. pero ako naman kasi ang may kasalanan ng lahat kung bakit wala na siya at ngayon nakikita ko naman na kuntento na siya, masaya na, ayoko magulo na naman siya ng dahil lang sa akin... wag na lang natin pag-usapan Borj.. hindi ko kaya pag siya na ang pinag-uusapan.." - nalulungkot lang ako, gustung-gusto kong aminin sa kanya ang nararamdaman ko pero wala akong lakas ng loob.

Okay I'm sorry if natanong ko pa.. basta tandaan mo Roni nandito lang ako palagi for you if kailangan mo ng karamay, anytime, let me know.. nga pala hinintay talaga kita bumaba para dito.. for you Roni.." - at inabot niya sa akin ang isang maliit na box.

"Ano 'to Borj? Para saan 'to?" - tanong ko.

"Open it." - maikli niyang sagot. Nang binuksan ko isang golden bracelet with heart shape designs ang tumambad sa akin. Napaka-elegante nito tingnan.

"Ano ibigsabihin nito Borj?" - baling ko sa kanya.

"Matagal na yan nasa akin Roni, long due na pero para kasi sayo talaga yan. Kahit wala na sa panahon, para sayo talaga yan Roni. Wala naman ako ibigsabihin diyan, don't worry. Sana this time wag mo naman ireject for our friendship. Hindi din naman acceptable kung ibibigay ko yan sa iba kung para talaga naman yan sayo. Please accept it, isipin mo na lang ilang birthdays mo na wala akong gift sayo kaya diyan man lang makabawi ako. Sana this time wag mo naman ireject ang gift ko for you." - si Borj.

Ngumiti ako kay Borj, eto ang first pricy gift na binigay niya sa akin at tinanggap ko. Kinuha niya ang bracelet at isinuot sa akin.

"Thank you Borj for this special gift." - I smiled at him.

"Yung mga sinabi pala sayo ni Daddy kanina, pasensya ka na ha. Nagwworry lang siguro siya sa akin."

"Okay lang Roni. Wala yun. Pero sana wag mo isarado ang puso mo, after what happened with you and Basti, you deserved to be happy.. Wala na ako ibang hihilingin pa kung hindi ang maging masaya ka.." - seryoso si Borj, i can see that in his eyes. Kung alam mo lang Borj, ikaw ang happiness ko.

"Salamat Borj, kahit may mga di magandang nangyari in the past, nandito ka pa rin para sa akin, I'm sorry for all the hurts that I have caused you" - and I hold his hand pero sa totoo lang gusto ko siyang yakapin na mahigpit.

"Roni wag mo na isipin yun, tapos na yun, alam ko naman kung saan ako lulugar sa buhay mo" - si Borj

"Borj..." - gusto ko na tapatin siya pero bigla namang may dumating.

"Good morning Roni.." - si Basti.

"A-ahm Basti ano ginagawa mo dito?"

"Ah sige Roni, mauna na ako ha.. pero favor if dumating si Yuan, pakitawagan mo naman ako. Thanks.. Pare una na ako" - si Borj.

"Sige pare ingat." - si Basti.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon