Borj's POV
Mag one week na din mula ng dumating ako. Pumasok na ako sa car shop namin para naman matulungan na din si Tom. Roni and I haven't got the chance to talk or to see each other again after we met sa bahay nila. Pero one of these days kailangan ko ng harapin ang issue namin to fix things sa pagitan namin and para ma-i-save kung ano man ang meron pa sa amin. Hindi naman pwedeng mag-iwasan na lang kami habang buhay, it's a torture for me. Nasa shop kami ni Tom, reviewing our sales last month. Nakakabilib kung paano niya napatakbo ang business namin alone. Nakakapressure.
Tok tok tok..
"Sir Tom someone is looking for you, Ma'am Sofia Milano daw po." - one of our staff.
Napatingin ako kay Tom. Tumayo naman siya para labasin ang naghahanap sa kanya ng walang lingon-lingon sa akin.
Hindi ba't si Sofia ang long-time girlfriend ni Tom in Italy, ang alam ko eto din ang babaeng dapat ay papakasalan niya 5 years ago pero with not knowing her reasons bigla na lang tong umatras sa kasal nila. Ano naman kaya ang pakay niya kay Tom? Napapaisip ako ng malalim sa dahilan ng pagpunta niya dito.
Sumilip ako sa glass window. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Ano ba tong ginagawa ko? Napapisik na lang ako. Pero kailangan kong gawin 'to, eh paano kung niloloko ni Tom si Roni? Kailangan kong malaman ang totoo on what's going on between the two of them.
After office hours, nagpaalam si Tom na may imi-meet na kaibigan. Naisipan kong sundan ang kotse niya. Huminto ang sasakyan niya sa isang Italian Resto, pagkababa niya pasimple ko siyang sinundan. Nagsuot ako ng black leather jacket at shades para hindi naman ako masyadong mapansin, umupo ako sa isang table sa sulok. After 15 minutes of waiting, umupo ang isang babae sa harap niya, sure ako si Sofia yun, nameet ko na din kasi siya before sa Italy. Halos isang oras na din sila nag uusap. And there's a point ng pag-uusap nila na umiyak si Sofia at hinawakan naman ni Tom ang kamay niya.
Mali yatang pumunta pa ako dito. Maling pagdudahan ko ang sarili kong pinsan, hindi ko na hinintay pang matapos ang pag-uusap nila at nagpasya na akong umuwi. Kung anuman ang pinapasok ni Tom, I trust him enough na alam niya ang tama sa mali.
Nasa harap ako ng bahay nila Roni, sinadya ko ng maghintay sa kanya. Wala naman siguro masamang bisitahin ang kaibigan. Past 7 ng dumating ang kotse niya. Nagulat siya ng makita ako. I opened the gate for her.
"Thank you Borj. Ahhmmm.. Bakit ka nga pala nandito? May kailangan ka ba sa akin?" - kaswal niyang tanong.
"Wala naman Roni, naglalakad-lakad lang ako ng mapadaan sa bahay niyo. Alam mo kasi eto yung street na hindi ppwedeng hindi ako tumigil sa paglalakad, kahit anong iwas ko babalik at babalik ako sa bahay na 'to. Minsan na din kasi akong naging myembro ng pamilya ng mga taong nakatira dito. Where did the days go? Why all of a sudden I felt like I was a stranger to you Roni?"
Nasa gate kami ng bahay nila. I miss her so much. I'm longing for this girl more than half of my life.
"You know Borj, honestly I am so happy that you are here again. Ilang beses ka na din bang nawala sa buhay ko pero ang mahalaga lang sa akin ngayon nandito ka, bumalik ka. Siguro parehas lang tayo ng nararamdaman, nakikiramdam tayo sa bawat isa, nakikiramdam tayo sa nararamdaman natin para sa isa't isa. Once upon a time we became good friends, true friends but as we grew older kasabay din nagbago ang pagtingin natin sa isa't isa, and we came to a point that we both knew how special we are to each other upto now pero maraming bagay ang kailangan natin i-consider. Pero kahit ano pa man Borj I just wish we will still have the best happy ending. Hindi man ngayon, but in God's perfect time. I will always be here for you Borj. And you will always be special to me."
"Talaga Roni? Hindi ka na galit sa akin?"
"Saan naman galing na galit ako sayo?"
"Eh bakit parang may allergy ka sa akin? Tsaka wala naman akong alipunga para iwasan mo ako gaya ng sinabi mo kay Sunshine dati"
Natawa naman siya.
"Tawa-tawa ka diyan naalala mo siguro ung kalokohang ginawa mo sa akin." - natawa na lang din ako.
"Nagdinner ka na ba? Tara sabayan mo na ako kumain sa loob."
Wow ang saya, first time na kakain kami na kaming dalawa lang. Kinikilig ako ng sobra.
"Hoy Mr. Benjamin Jimenez tara na sa loob, ano pang nginingiti-ngiti mo dyan? Halika na sa loob baka magbago pa isip ko."
"Ano Roni halikan na sa loob? Ang bilis mo naman Roni, hindi ako prepared. Wag po!" - biro ko sa kanya. Hampas naman sa braso ang inabot ko sa kanya. Bahagya ko naman hinawakan ang kamay niya at tinitigan ko siya ng seryoso. Napatitig naman din siya sa akin sabay tapik sa pisngi ko.
"Tara na sa loob."
Hay hulog na hulog na naman ako.

BINABASA MO ANG
My Happy Ending
Fiksi PenggemarIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...