Roni's POV
"And what was that all about Roni?! Mabuti na lang at nakita ka nila Borj kung hindi baka napahamak ka na" - maagang sermon sa akin ni Jelai.
"Sorry na sis.. wag ka na lang maingay ha.. Gusto ko lang naman maging masaya kaya ko nagawa yun"
"Maging masaya? Tell me what's the problem. Bakit hindi mo ako tinawagan kung my problema ka? Or si Tonsi? You know we'll make time for you. Nandito lang kami."
"Alam ko naman yun sis eh. Ayoko lang makaabala pa sa inyo and gusto ko lang muna mapag-isa para mag-isip-isip."
"Nakapag-isip-isip ka ba nun? Eh hindi mo na nga madala ang sarili mo eh."
"Sorry na sis. Wag mo na ako pagalitan please. Promise last na yun. Hindi ko na uulitin. Hindi na ako iinom..... ng marami.." - biro ko at niyakap ko siya.
"Ok sige na. Sorry din nag-alala lang ako sayo. So ano ngang problema?"
"Wala na sis. Okay na ang problema ko. Wala ka ng dapat ipag-alala. Okay na ako, maayos na ako." - kahit na ang totoo kinukumbinse ko pa rin ang sarili ko ng mga oras na yun na okay na ang lahat.
Maya-maya may bumusina sa harap ng bahay nila Jelai. Ang kotse ko dala-dala ni Tom.
"Thank you Tom. Sorry about last night." - nahihiya kong sabi.
Ngumiti lang siya sa akin.
"Siguro naturn-off ka na sa akin" - biro ko.
"Of course not Roni, lahat naman tayo may pinagdaraanang ganyan pero sana daanan mo lang wag mong tambayan, nandito naman ako para samahan ka sa paglalakad mo, hindi mo kailangang lumakad ng mag-isa"
"Uuuuyyy.." - kantiyaw ni Jelai.
"Pumasok na nga kayo baka langgamin pa kayo diyan, breakfast muna tayo." - biro pa niya.
I guess that night was the turning point of my life, marami akong narealized. I was so careless that I almost take a young innocent life. Ilang araw din akong hindi lumabas hanggang sa nagpasya akong magbakasyon somewhere, malayo sa lahat, I need time for soul-searching. Sumali ako sa mga voluntary organizations na nagtuturo sa mga batang katutubo at nag-assist sa mga medical missions. Malayo sa kursong kinuha ko pero hindi naman kailangan ng pormal na edukasyon kung nanaisin mo talagang tumulong. That was me, that was what I used to be. I was happy doing charity works and other humanitarian activities. Mga bagay na nakalimutan ko ng kinulong ko ang sarili ko sa sarili kong mundo after loosing Borj 5 years ago. Then I felt that I gained my life again. I realized na hindi ko pala kailangan ng bubuo sa akin, that I, alone, can be happy on my own way.
After that night, mas minahal ko na ang sarili ko at ang mga taong nagmamahal sa akin.
After ng kasal ni Jelai, umalis si Borj kasama si Leslie and her family papunta sa Amerika. Doon niya pinagpatuloy ang pagpapagamot.
Nagpaalam si Borj sa akin. Hindi tulad ng dati na bigla na lang siyang umalis. Nagpaalam siya bilang isang kaibigan. Ipokrita ako kung sasabihin kong wala na akong pagmamahal sa lalakeng yun, mahal na mahal ko siya pero maluwag sa puso kong isuko siya. Tinanggap ko na na hanggang doon na lang kami at nagpatuloy ako sa buhay ko.
Ibinenta na sa akin ni Tonsi ang shares niya sa coffeeshop namin. Actually, binibigay na lang niya ang shares niya sa akin dahil at a young age multi-millionaire na si Tonsi. Pero I insist na bayaran siya kahit in installment. Maganda ang tinatakbo ng coffeeshop, after 3 years nakapagtayo na ako ng isa pang branch sa QC.
Borj's POV
Mahusay si Tom. Napatakbo niya ng maayos ang business namin na naiwan ko sa Pinas. Isa na kami sa kilalang dealer ng mga sasakyan sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. 3 years na ako sa Amerika. Leslie once again survived a near-death experience at ilang sessions na lang ng therapy ang kailangan niyang bunuin para mabawi ulit ang normal na buhay. Excited na ako dahil ilang oras na lang at lalapag na ang eroplanong sinasakyan ko. Miss na miss ko na ang Pinas, si Lolo at Lola, ang barkada at higit sa lahat... si Roni.
Paglapag na paglapag ng eroplanong sinasakyan ko sa Pilipinas, ay wala na akong inaksaya pang panahon. Sorpresa ang pag-uwi ko, tiyak na magugulat sila. Papasok na sa village ang kotseng nirentahan ko, at bawat lugar na dinadaanan namin ay nagpapaalala sa akin kung gano kasaya ang kabataan ko.
Nadaanan ko ang kanto ng bahay nila Roni, halos mabali ang leeg ko nagbabakasakaling matatanaw ko siya pero bigo ako. Paghinto ng kotse sa harap ng bahay ay agad-agad akong bumaba dala ang mga maleta ko.
"Tamang-tama ang dating ko. Dinner is served."
Napatingin sila Lolo at Lola sa akin at naiyak na lang sa labis na tuwa. Ang sarap ng mainit na pagtanggap nila sa akin.
"I miss you Lo, La..."
"Miss na miss ka na din namin apo, bakit hindi ka nagpasabing uuwi ka? Hindi tuloy kami nakapaghanda" - si Lola.
"Gusto ko kasi kayo isurprise eh, di ba nasurprise naman po kayo?"
"Oh siya-siya kumain na tayo.." - si Lolo
"Teka nasaan po si Tom?"
"Nagpaalam ang pinsan mo na lalabas kasama mga kaibigan niya kaya baka gabi na makauwi yun." - Lolo
"Tara na't kumain na tayo, masamang pinaghihintay ang grasya ng Diyos." - Lola
![](https://img.wattpad.com/cover/268301910-288-k985050.jpg)
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfikceIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...