I took a fast shower, baka tumawag si Borj. Naghintay ako sa tawag niya kahit alam ko naman na sa lapit ng bahay niya sa amin ay nakauwi na siya. Pero 30 minutes na ang lumipas, wala pa din. Nagpasya akong tawagan siya kahit mag-aalauna na ng madaling araw, pero hindi ko din pala siya makakausap. Busy ang line niya. Alam kong siya ang may gamit ng phone nila, imposible namang sila Lolo. Siguro nga may girlfriend na si Borj.
Borj's OPV
Tatawagan ko sana si Roni pero biglang tumawag si Leslie. Kanina pa pala siya tumatawag sa cellphone ko, hindi ko napapansin because all my attention is on Roni. I felt guilty. Pero kinuwento ko sa kanya ang nangyari kung bakit hindi ako kagad nakatawag. Mabait si Leslie, she understands kaya swerte talaga ako sa kanya. Isinantabi ko muna ang pag-aalala ko kay Roni. Pero after namin mag-usap ni Leslie, I texted her. Matagal ko ng nahingi ang number niya kay Yuan and makailang beses ng pinigilan ang sarili na itext or tawagan siya. Pero ngayon, hindi ko kayang sawayin ang bilin niya.
Roni I got home safe. Sorry hindi na ako nakatawag. Goodnight.
Madami pa sana ako gusto sabihin pero I chose to make it short. May girlfriend na ako at kung meron mang dapat kumuha ng atensyon ko si Leslie lang yun.
Maaga ako gumising at tinawagan ko ang kaibigan kong mekaniko para icheck ang sasakyan ni Roni. Kanina pa ako hindi mapakali. Wala pang sagot ang text ko sa kanya buhat kagabi. Ano na kayang nangyari kay Roni? Nagkasakit kaya siya? Hindi naman imposible, sa lakas ba naman ng ulan kagabi at basang-basa siya. Gusto ko na siyang puntahan pero ano naman ang dahilan ko para pumunta sa kanila ng ganto kaaga.
Psycho nasa bahay ka ba? Puntahan kita. - Yuan
Ako na lang punta diyan pare, na kila Tita ka ba?
Yes nandito ko, tamang-tama kaluluto lang ni Mommy ng breakfast, dito ka na kumain. - Yuan
Sige pare, I'll be there.
Mabuti na lang nagtext si Yuan. May dahilan na ako pero tama ba 'tong ginagawa ko pero gusto ko lang naman malaman kung maayos ang kalagayan ni Roni.
Sa Salcedo's residence..
"Good morning po Tito Charlie, Tita Marithe.. Pare good morning"
"Uy Borj, halika salo ka na sa amin magbreakfast. Thank you nga pala sa paghatid mo kay Roni kagabi. Buti na lang nakita mo siya kung hindi baka kung napano na yun." - si Tita Marithe.
"Wala po yun Tita, mabuti nga po na-spotan ko siya, pinaayos ko na din po yung kotse niya sa kaibigan kong mekaniko."
"Ganun ba, salamat pareng Borj ha, ikaw ang hero ng unica hija namin" - biro ni Tito Charlie.
"Bakit mommy napano po si Roni?" - si Yuan
"Basang-basa kagabi sa ulan, nasiraan ng kotse eh" - si Tita Marithe
"Mommy nilalagnat po si Roni eh, wala daw po siya ganang kumain" - si Missy na pababa ng hagdan, galing sa kwarto ni Roni.
Sabi ko na nga ba magkakasakit siya, mukhang nababad na siya sa ulan eh bago pa ako dumating. Hindi ako mapakali, gusto ko siyang makita.
After breakfast, nagkkwentuhan kami ni Yuan pero ang isip ko ay na kay Roni. Mukhang nahalata naman ni Yuan kaya nagpasama wari sa akin ng iakyat niya ang nilutong sopas ni Tita Marithe.
"Roni magbreakfast ka na" - papasok pa lang kami sa kwarto niya.
"Kuya lapag mo na lang diyan, hindi pa ako nagugutom" - si Roni na nakatalikod sa amin. Nakapamaluktot siya at balot na balot ng kumot, at paubo-ubo.
"Kumain ka na Roni para makainom ka na ng gamot"
Roni's POV
Teka si Borj ba yung narinig ko? Dahan-dahan ako dumiretso ng higa. Inalalayan naman ako ni Kuya. Ang sakit ng ulo at buong katawan ko. Ang sama ng pagkakabasa ng ulan sa akin kagabi.
"Ang init-init mo Roni, dapat yata dalhin ka na namin sa hospital eh" - si Kuya Yuan.
"No, kuya I'll be okay, pahinga lang kailangan ko"
"Ikaw naman kasi matigas ang ulo mo, hindi ka dapat inaabot ng late sa coffeeshop niyo, tingnan mo tuloy nangyari sayo, kakausapin ko sila Mommy. Borj ikaw na muna nga bahala kay Roni ha. Pilitin mo kumain" - si Kuya na halatang-halata ang pag-aalala.
"Umupo ka muna Roni" - at inalalayan niya ako makaupo. Hinipan niya ang isang kutsarang sopas para subuan ako.
"Roni eto o kumain ka na" - si Borj.
"Ako na lang Borj. Kaya ko naman." - masama pa din ang loob ko sa kanya dahil hindi siya tumawag sa akin kagabi. Alam ko naman wala siya obligasyon sa akin pero nakakainis bakit kailangan niya pa magpakita sa akin ngayon dito.
"Borj bakit nandito ka?" - diretsong tanong ko sa kanya.
"Ah eh.. wala kasi nagtext si Yuan kanina, namiss ata ako eh kaya sinadya ko na nung sinabi niya na nandito siya"
"Ah okei" - maikling sagot ko.
"Pero ang totoo, gusto ko malaman if ok ka lang, hindi ka kasi sumagot sa text ko sau kagabi eh"
Pasimple kong tiningnan ang cellphone ko, my text message nga mula sa kanya.
"Borj pwede bang wag kang maging masyadong nice sa akin?"
"Bakit naman Roni? Magkaibigan naman tayo diba?"
Tiningnan ko siya ng mata sa mata. Hindi ko na yata kaya pang itago ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Borj magkaibigan tayo kaya ayoko lang mamisinterpret ang mga ginagawa mo, don't make me feel special"
"You know you are special, we grew up together, we're like family hindi ba? Bakit ayaw mong itreat kitang special? Nagagalit ba si Basti?"
"Basti? Ano naman kinalaman ni Basti sa usapan natin?"
"Hindi ba boyfriend mo na siya?"
"Boyfriend?!" - magsasalita pa sana ako ng biglang pumasok si Kuya. And we just pretend na wala kaming pinag-usapan.

BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...