Twelve

482 31 0
                                        

Borj's POV

Palihim kong sinusulyapan si Roni, may gusto lang akong masiguro. Bakit ganon siya magreact sa presence ni Basti? Is she still in to him?

"Hi guys.. long time no see.. Hi Roni.." - at lumapit na siya sa table namin.

Naalala ko tuloy yung time na nilalakad si Basti ng dad niya kay Roni. I felt helpless and hopeless. Para akong mamamatay everytime nagbibiruan si Tito Ric and Tito Charlie. Bakit ganun parang naaalala ko pa din yung sakit at nasasaktan ako ulit.

"Oh h-hi Basti.. have a seat.. Siya nga pala Basti, si Leslie, Leslie si Basti" - Roni.

"Borj's girlfriend? Oh hi I'm Basti, nice to meet you" - at inabot niya ang kamay niya kay Leslie.

"No.. Borj and I are just friends, magkatrabaho din kami" - Leslie just smiles.

Basti joined us on our table at kitang-kita ko kung pano niya titigan si Roni. Nakakainis pero hindi ako nagpahalata.

Lumalalim na ang gabi ng magpaalaman ang lahat. I offered na ihatid si Leslie but Tonsi insist na siya na lang dahil on the way naman daw ang bahay ni Leslie sa kanila pero kinausap ko muna si Leslie.

"Sure ka okay lang si Tonsi na maghatid sayo?" - paniniguro ko na okay lang si Leslie.

Hindi pa man kami masyadong magkakilala ni Leslie, I feel comfortable with her, she's a good listener, sweet, thoughtful, in short girlfriend material talaga. Actually nagkakilala na kami before through a common friend sabi niya way back in college at snob daw ako kasi hindi ko siya pinapansin everytime na magkakasalubong kami. I really can't recall or maybe na kay Roni lang kasi ang buong atensyon ko. Nahiya tuloy ako nung knwento niya yun.

"Yes Borj, wag ka mag-alala okay lang 'no.. ang lapit na ng bahay mo dito tapos lalayo ka pa.. I'll be okay, sige na bye na Borj" - at hinalikan niya ako sa pisngi, nagulat ako sa ginawa niya kahit hindi naman ito ang first time na ginawa niya yun, kundi dahil Roni is just around.

"Bye guys. I really enjoyed your company." - Leslie.

"Bye Les, ingat kayo ni Tonsi" - paalam ko.

"Bye Tonsi.. Ingat sa pagddrive ha.." - at inihatid pa siya ni Roni ng tingin.

"Paano we're leaving na din guys, bye Roni" - isa pa tong kupal na Basti na 'to.

Umalis na din sila Jelai at Junjun. Nagpaalam na din sila Yuan, same village pa din sila nakatira ni Missy kaya lang medyo malayo na din sa dati nilang bahay.

Uuwi na din sana ako ng mapansin kong nagliligpit si Roni ng mga ginamit namin.

"Roni iha magpahinga na kami ng daddy mo ha, bukas mo na ligpitin yan" - si Tita Marithe.

"Yes Mommy, sleep na po kayo, ligpit lang po ng konti." - hindi niya napansin na nasa may gate pa ako.

Pumasok ako ulit para tulungan siya.

"Oh Borj nandito ka pa pala" - Roni

Nakiligpit-ligpit na ako.

"Iwan mo na yan Borj, ako na diyan, kayang-kaya ko yan" - Roni.

"Ok lang Roni, ganto naman din ang ginagawa ko dati diba?" - at matapos namin ligpitin ang kalat at nahugasan ang mga pinggan..

"Thank you Borj ha, napagod ka pa tuloy, sabi ko kasi sayo ako na lang" - Roni.

"Okay lang Roni, gusto ko lang kasi maging komportable ka ulit sa akin" - sabi ko.

Nasa may gate na kami dahil papauwi na din ako. Naaalala ko pa yung mga sincere talks namin dito. At dito ko din siya laging inaabangan. Paano ko ba ibbalik ang pagkakaibigan namin kung traydor tong puso ko na nagmamahal pa din sa kanya..

"Borj may problema ba? Bakit natulala ka diyan?" - tanong sa akin ni Roni.

"Wala naman Roni. Ikaw yata ang dapat tanungin ko niyan eh, may problema ka ba?"

"Ha? Ako? Bakit mo naman naisip na may problema ako?" - pagtataka ni Roni.

"Nabanggit lang sa akin ni Tonsi, nung nandun tayo sa shop niyo.. sabi niya ikaw na lang daw ang tanungin ko"

"Ah yun ba? Si Tonsi talaga oh.. wala yun, wag mo na isipin yun." - sagot niya sa akin.

"Roni 5 years akong nawala, alam ko maraming nagbago sa atin, pero sana kung may problema ka, nandito lang naman ako kung kailangan mo ng kausap. Makabawi naman ako sayo."

"Opo.. sasabihin ko po.. salamat Borj nandito ka na ulit.. pati sila Mommy hinanap ka din nila kasi halos tumira ka na din sa bahay eh, alam mo naman member ka na din ng family namin" - Roni

"Oo nga eh.. muntik na din talaga maging official member kundi lang" - bulong ko.

"May sinasabi ka ba Borj?"

"Ah... wala Roni.. hindi na ba ako welcome sa bahay niyo?" - tanong ko.

"Syempre welcome ka pa din naman kahit hindi na dito nakatira si Kuya, parang anak ka na din nila Mommy eh"

"Eh di parang magkapatid na din tayo Ate?" - biro ko.

"Ate ka diyan, matanda ka sa akin noh, kaya Kuya Borj uwi ka na, pahinga ka na" - pagsakay niya sa biro ko.

"Ang sakit naman sa tenga nun, sige Roni uwi na din ako.. basta pag may kailangan ka I'm just one call a way, same pa din ba number niyo?" - tanong ko ulit.

"Yes Borj.. tawag ka lang din pag may kailangan ka, salamat ulit ha, bye.." - at nginitian niya ko na halos mahulog na naman ang puso ko.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon