Roni's POV
I thought may ibigsabihin kung bakit niya ako binigyan ng bracelet pero ano yung nakita ko kanina, gaano ba sila kadalas lumalabas ni Leslie? At kailangan ba na magkasabay sila lagi magmerienda dahil magkasama sila sa trabaho, meron bang batas na dapat lagi sila magkasama? Paghihimutok ng butsi ko. Ano ka ba Borj? Hindi kita mabasa.. Meron pa ba akong halaga sayo o wala na? Nasa ganong pag-iisip ako nung magring ang telepono ko. Napabalikwas ako dahil naisip ko na baka si Borj ang nasa kabilang linya.
"Aahhmm.. Hello?" - masigla kong sagot.
"Hi Roni..." - sa kabilang linya. Napawi ang mga ngiti ko dahil hindi boses ni Borj ang narinig ko... boses yun ni Basti.
"Nandiyan ka pa ba Roni?" - si Basti.
"Oh Basti napatawag ka?" - kaswal kong sagot.
"Wala naman, namiss lang kita.. hindi pa kasi tayo nakakapag-usap ng maayos buhat nung nagkita tayo ulit, kamusta ka na ba Roni?" - si Basti.
"Okay lang ako Basti" - tipid kong sagot.
"Okay ka ba niyan? Eh bakit parang matamlay ka? Tapos kanina nung nakita kita sa mall parang iniiwasan mo ako kaya nga sinundan kita."
"Hindi naman.. pasensya ka na nagmamadali kasi ako nun dahil may binili lang ako na mga kulang sa shop, kailangan-kailangan kasi yun eh.. Sorry.." - palusot ko pero sa totoo lang ayoko lang ulit mapalapit sa kanya dahil baka mamisinterpret niya, pinipilit ko pa ding maging nice sa kasi may guilt pa din ako nararamdaman dahil bigla na lang ako nakipaghiwalay sa kanya.
"Sorry? Why not go out with me tomorrow night?"
"Ah Basti kasi ano eh.." - wala ako maisip na dahilan para tumanggi sa kanya.
"Please Roni... go out with me.." - muling pakiusap pa nito.
Hindi ko na natanggihan pa si Basti, naisip ko din na kausapin siya kung bakit nagpaparamdam siyang muli sa akin.
Borj POV
Busy ang landline nila, siguro magkausap sila ni Basti. Muli kong dinial ang number ng telepono nila, nagriring na eto at ng sumagot na siya at agad ko naman 'tong binaba. Para akong nagbibinata pa lang sa ginawa kong yun, bakit ba kung anong tapang ko dati na ipagsigawan kahit kanino na mahal ko siya ay siya namang pagkaduwag at pagkahina ng loob ko ngayon lalo pa at muling umeeksena na naman tong si Basti. Siguro dapat ibaling ko na lang sa iba ang atensyon ko. Parang hindi talaga kami ang para sa isa't isa.
Pinilit kong matulog ng maaga, dapat paghandaang mabuti ang presentation namin.
Hindi ko na namalayan kung anong oras ako nakatulog kagabi pero ang weird ng panaginip ko, may yakap akong babae, pero hindi si Roni. Is it a sign na merong iba para sa akin? Ano ba 'tong naiisip ko? Hindi dapat eto ang iniisip ko ngayon.
"Ready ka na ba Borj?" - tanong ni Leslie sa akin. Tensyonado ako, siguro nahalata niya. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Relax lang, you've got me.. magkasama tayo dito" - and she smiled at me at napangiti na lang din ako sa kanya. Nakakabilib how she handles herself and kung paano niya ako suportahan at palakasin ang loob ko.
"Thank you Les, nandiyan ka na sa simula pa lang."
"Congrats Mr. Jimenez and Ms. Valdez, talagang pinag-isipan at pinaghirapan ang proposal niyo, let's close the deal." - Mr. Clavel
"Thank you sir for giving us the opportunity to do business with you. You'll surely won't regret this."
Nang mapirmahan ni Mr. Clavel ang contract nagcelebrate ang buong office pero as promise, may sarili kaming celebration ni Leslie. Maaga kami umuwi after the closed deal.
"I'll pick you up at 7pm?"
"Ok Borj, I'll see you then." - si Leslie nung hinatid ko siya sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/268301910-288-k985050.jpg)
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...