Borj's POV
Thanks God ligtas na si Roni. Normal naman ang findings sa mga test na ginawa sa kanya. Halos mag-iisang buong araw na siyang natutulog. Sabi ng doktor hindi naman daw dapat mag-alala, marahil ay nagccompensate lang ang katawan niya dahil sa traumang nangyari. Hindi ako umalis sa tabi niya. Gusto kong akong unang makita niya pagdilat ng mga mata niya. Kaaalis lamang nila Jelai, habang papunta naman sila Yuan dito. Si Jane hindi ko alam if nagstay pa siya kila Tonsi, at wala din akong pakelam kung saan lupalop siya nandun.
Hawak-hawak ko ang kamay ni Roni at taimtim akong nagdarasal na tuluyan na ang pagrecover niya.
Maya-maya pa ay dumating na sila Yuan. Alam kong hinihintay niya ang paliwanag ko kaya niyaya ko siya sa labas para magpaliwanag. Naiwan si Missy sa loob ng room.
"Pare I'm sorry hindi ko naprotektahan si Roni at ako pa ang naging dahilan kung bakit nandito siya ngayon."
"Anong ibig mong sabihin Borj?" - takang-tanong nito.
Doon ko na ipinaliwanag kay Yuan ang mga nangyari. Inaasahan ko na ang galit niya pero nagkamali ako ng pag-aakala sa kanya dahil kung meron man malaking pagbabago kay Yuan ay yun yung pagiging mature na niya mag-isip at malawak na ang pang-unawa niya sa mga bagay-bagay.
"Hindi ko talaga sinasadya pare. I'm sorry. Alam mo kung gaano ko kamahal ang kapatid mo, hindi ko kayang gawin yun intentionally. Naging pabaya ako. Nasaktan ko si Roni. Ako ang may kasalanan ng lahat." - muli kong paghingi ng tawad sa kanya.
"Wag mo na sisihin ang sarili mo Borj. Wala naman may kagustuhan ng lahat. Pero sana wag na lang maulit. Hindi mo man sinasadya ang mga nangyari, nasaktan pa din si Roni. Ipagdasal na lang din natin na maging maayos na ang kalagayan niya."
"Hindi ko alam pare kung mapapatawad pa ako ni Roni sa mga nangyari pero isa lang ang hinihiling ko ngayon sa itaas, na sana bumuti na ang kalagayan niya. Kahit pa sinabi na ng doktor na ligtas na siya, hindi pa din ako mapanatag hangga't di siya nagigising."
After mag-usap ay pumasok na kami sa loob. Maya-maya pa ay unti-unting nagmumulat na ng mata si Roni. Hawak ko ang mga kamay niya. Pagtataka ang ekspresyon na nabasa ko sa mukha niya.
"Babe how are you?" - pagkuwa'y tanong ko sa kanya.
Roni's POV
"Nasaan ako?! Bakit nandito ako?!" - litong-lito ako. Nasa hospital ba ako? Pilit kong inaalala ang mga nangyari.
"Roni nandito ka sa Westlake Hospital sa Laguna, naaksidente ka. Please wag ka muna mag-isip. Magpahinga ka na lang muna." - paliwanag ni Kuya.
Tama ang huling naaalala ko ay may malakas na liwanag na sumilaw sa akin. Biglang may bumangga sa sasakyang minamaneho ko. Naaksidente pala ako kaya pala napakasakit ng ulo at katawan ko. Pero sino yung lalakeng kasama ko kanina? That couldn't be Borj. I was running away from him. He's kissing her passionately, si Jane at Borj, he's half-naked. Kung hindi pa ako dumating, siguro ay.... ayaw ko ng isipin. Napahawak ako sa ulo ko. Masakit ang sugat niyon na lalong pinapasakit pa ng mga iniisip ko. Hindi ko makalimutan. Hindi ko napigil ang luha ko, kusa etong tumulo kasabay ng mga hikbi ko.
"Babe I'm sorry. Please wag ka ng umiyak." - at niyakap ako ni Borj. Napaiyak na din siya pero hindi ko matanggap. Hindi... hindi ko kayang harapin siya ngayon. Kailangan kong mapag-isa.
"Please leave Borj! I don't want to see you! Wag mo akong yakapin, nandidiri ako sayo! Please get out!" - sigaw ko sa kanya habang pilit na kumakawala sa pagkakayakap niya. Patuloy pa din ang pag-iyak ko. Hindi nababawasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon kahit pa siguro maubos na ang luha ko.
"Borj sige na mas makabubuti siguro kung umalis ka muna. I hope you understand pare." - pagsingit ni Kuya.
Borj's POV
Mabigat man sa loob kong umalis, ay ginawa ko. Tama si Yuan baka mapano pa lalo si Roni kung ipagpipilitan ko ang sarili ko sa kanya.
"Babalik ako Roni hanggang sa mapatawad mo ako. Mahal na mahal kita, hindi ko magagawa ang iniisip mo." - muling paalala ko sa kanya. Hindi ko din kayang tagalan marinig ang pag-iyak niya habang yakap-yakap ni Missy dahil alam ko ako ang dahilan ng mga luhang yun.
After five days ay pinayagan ng lumabas ng hospital si Roni. Sa loob ng limang araw na yon ay pabalik-balik ako sa hospital, umaasang isang araw ay mapapatawad niya din ako.
Roni's POV
Finally I'm home. Sinamahan muna ako ni Kuya sa bahay, hiniling ko din sa kanya na wag ng sabihin pa ang mga nangyari kila Mommy dahil physically alam kong maayos na ako para hindi na din sila mag-alala pa.
After few more days of rest, nakabawi na din ang katawan ko but emotionally I know I am not. Haven't seen Borj since then, pumupunta siya lagi sa bahay but I refused to see him. Haven't answered his calls and texts.
"Sure ka ba Roni kaya mo na?"
"Yes Kuya, wag ka na mag-alala sa akin, mas kailangan ka ng mag-ina mo ngayon."
"Sige Roni basta give me a call, kung di lang din may sakit ang pamangkin mo ay gusto pa sana kitang samahan."
"Okay na ako Kuya, magaling ka kasi mag-alaga. Salamat Kuya ko, swerte ko ikaw ang kapatid ko." - at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Tama na ang bola sis. Ayusin niyo na din yung sa inyo ni Borj." - nagbilin pa siya bago umalis.
"Ako na bahala dun. Wag mo na intindihin yun brother. Salamat sa pagbebaby seat mo sa akin."
Kuya explained to me everything. Pero ang hirap paniwalaan lalo't kitang-kita ko ang mga nangyari. Paulit-ulit ang senaryong yun sa isip ko. Paulit-ulit na parang may sumasaksak sa puso ko.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...