Sixty

386 29 0
                                    

Roni's POV

Magdadalawang linggo na din ng huli kaming magkita ni Borj. Buhat non ay wala siyang paramdam. Kagabi nakareceive ako ng chat mula kay Nelia, nakita niya daw si Borj at Jane na magkasama, at sinendan niya pa ako ng stolen pic ng dalawa. At tinanong niya pa ako kung hiwalay na daw kami. Hindi na lang ako sumagot. Seen-zone lang. Ayoko muna makipag-usap kahit kanino. Mukhang masayang-masaya silang magkasama. Mukhang kinalimutan na talaga niya ako at pinili na niya si Jane. Hindi ba Roni yun naman ang gusto mo??? Ang maghiwalay na kayo ni Borj.. Eh anong iniiyak-iyak mo diyan?! Anong minumukmok mo diyan?! Dapat nga maging masaya ka dahil sa wakas malaya ka na. Hindi ka na masasaktan pa ng manlolokong lalakeng yun. Pero bakit ganun bakit nasasaktan pa din ako?

Hindi pa halos ako nakakagawa ng tulog ng dumating si Jelai. Hinawi niya kagad ang kurtina sa madilim kong kwarto.

"Jelai ano ba?! Isarado mo nga yan!" - pagsusungit ko.

"Sis hanggang kailan mo planong magmukmok, halos dalawang linggo ka ng hindi pumapasok. Look at you, ang bilis ng binagsak ng katawan mo." - si Jelai.

"Wala pa talaga ako sa kondisyon Jelai. I just want my peace and my freedom."

"Nag-aalala na ang barkada sayo. Hindi ka dumating nung birthday mismo ng hipag mo. Hanggang kailan ka  magtatago dito sa kwarto mo? Tingnan mo nga napakakalat na dito."

"Jelai kung sesermonan mo lang naman din ako, pwede ba iwan m na lang ako? Gusto ko lang matulog please."

"Ang sungit ha.. Hoy Ms. Ronalisa Salcedo hindi uubra sa akin yang ganyan mo. Tirik na tirik na ang araw, hapon na nga eh, bumangon ka na diyan. Aalis tayo." - at pilit niya akong hinatak sa banyo upang maligo.

"Kung nung mga unang araw pinapabayaan lang kita, hindi na pwede yang ganyan. Alam mo ba nag-aalala na ang Kuya mo sayo? Panay ako kinukulit na puntahan ka. Ngayon hindi na pwedeng ganyan. Lalabas tayo ng barkada." - patuloy ang sermon ni Jelai habang nasa labas ng banyom

Nakakatulig man, natutuwa akong may isang Jelai na labis ang pagmamalasakit sa 'kin. Napilitan na lang din akong sumunod kay Jelai. Tama siya. May buhay pa ako na dapat harapin.

Hinintay muna namin sila Kuya at Missy sa family resto namin. Maaga silang nagclose kesa sa karaniwan dahil daw hindi ako nakarating nung birthday ni Missy kaya ngayon daw kami magpaparty-party.

Pumunta kami sa isang restobar na hindi naman kalayuan. Doon ay dinatnan na namin si Junjun. Nakapagpareserved na siya ng place namin. Looks like naayos na ng mag-asawa ang problema nila. Ang sweet nila tingnan. Masaya ako para sa kanila. Napangiti na lang din ako sa isiping yun.

"Jun san si Tonsi? Bakit hindi mo kasama?" - tanong ni Kuya.

"Naku alam niyo naman ang kaibigan nating yun, nagpapayaman ng husto. May business conference daw sa Singapore, bukas pa ang uwi."

Tahimik lang akong nakikinig sa kwentuhan nila. Pero pagtataka ko walang nagkkwento o nagtatanong tungkol kay Borj. Siguro dahil nga nandun ako. Pero sabi ni Jelai matagal na din daw hindi nagpapakita si Borj kahit kanino sa kanila. Baka busy sa bago niyang girlfriend sa isip isip ko. Medyo tipsy na ako pero nasa ulirat pa naman. Pero si Kuya iba ang kulit ngayon. Nakarami na kagad ng nainom niya. Marahil nasstress na din si Kuya dahil sa akin. Kahit pa nung bata kami madalas kami mag-away pero hindi naman nagkulang si Kuya sa pag-aalaga at pagmamahal sa akin.

"Teka guys hindi ba't si Borj yun?" - sabay turo ni Junjun sa kabilang lamesa.

"Borj!" - tawag pa niya dito pero mukhang hindi naman siya narinig ng manlolokong lalake na yun. Napatingin na lang din ako.

Kitang-kita ng mata ko ng lumapit siya sa kabilang table. Ganundin ng buong barkada.

"Guys tama ba ang nakikita ko??? Borj is with Jane??? Sila na ba???" - taklesang tanong ni Junjun, pasimple siyang siniko ni Jelai. Yumuko na lang ako at patuloy na ininom ang vodka na hawak ko. Pinili ko na lang wag silang tingnan kahit sa loob ko sobrang sakit pala pag nasa harap mo na ang lalakeng minahal mo ng buong-buo kasama ang ipinalit sayo. Pasimple kong pinahid ang mga luha ko bago pa mapansin yun ng barkada lalo na ni Kuya pero mukhang huli na ang lahat.

"Yuan tama na!" - narinig kong sigaw ni Missy at Jelai kaya napatingin ako sa kanila. Patuloy ang pagsigaw ni Missy habang umaawat naman si Junjun kay Kuya. Nasa kabilang table na pala ang mga 'to. Nakita kong nakaupo si Borj sa sahig at hawak-hawak ang panga niya na may dugo, habang sa tabi niya umaalalay naman si Jane.

"Tarantado ka pala eh! Sabi mo aayusin mo ang problema niyo kaya hinayaan lang kita. Nagtiwala ako sayo pare pero ano tong inaatupag mo!" - sigaw ni Kuya na nagpupuyos na sa galit. Sa sobrang lakas niya ay halos hindi na siya mapigilan nila Junjun. Umiiyak na din si Missy at Jelai sa takot. Doon na ako mabilis na tumakbo upang awatin si Kuya.

"Kuya tama na! Let's go na. Hindi mo kailangang gawin 'to. Wala na kami ni Borj. Malaya na siyang gawin ang mga bagay na gusto niya at ganun din ako." - pilit kong pinatatag ang loob ko para masabi ko ang mga bagay na yun. Naramdaman kong biglang may humawak sa siko mula sa likuran ko.

"Roni let me explain." - si Borj na nakatayo na pala mula sa pagkakasuntok ni Kuya.

"Huwag mo akong hawakan. Gaya ng sinabi ko tapos na tayo kaya hindi mo na kailangang magpaliwanag sa akin. Sana maging masaya kayo ni Jane." - pilit akong ngumiti habang nakatingin sa mga mata niya bago tumalikod at hinatak ko na si Kuya.

"Kalimutan mo na din ang pagkakaibigan natin Benjamin Jimenez." - galit na sabi ni Kuya bago eto tuluyan na ring tumalikod.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon