Roni's POV
Sobrang gaan lang ng feeling ko ngayon dahil okay na kami ni Borj. Mabuti na lang at hindi niya ako kagad sinukuan. Everything are smooth again sa relationship namin ni Borj. At wala na din akong mahihiling pa.
Teka friend request from Francis, icconfirm ko ba o hindi? Kung hindi ko icconfirm nakakahiya naman, to think iniligtas niya ang buhay ko. Mauunawaan naman siguro ni Borj.
"Hi Roni.." - received a chat from him.
"Hi there, balita?"
"Okay lang, medyo hindi lang makatulog kaya naghahanap ng gising, okay lang ba if I'll call you?"
"Ahhmmm.. bakit ka naman tatawag?"
"Wala naman, gusto ko lang marinig ang boses mo😁😅"
"Ahhh.. pasensya ka na Francis ha, may hinihintay din kasi akong call eh. Next time na lang.."
"Ok sige, sabi mo eh.. Lakas mo kaya sa akin."
"Ah sige gudnyt.."
"Gudnyt Ms. Gorgeous"
Parang nagiguilty ako sa pag-accept ko sa friend request ni Francis at pagreply ko pa sa chat niya pero ano bang dapat kong gawin? Nakakahiya naman talaga i-turn down yung tao baka assuming lang din naman ako. Baka ganun lang naman talaga siya sa mga kaibigan niya.
Kring.. kring..
"Hi Babe, tulog ka na ba?"
"Hmmm.. medyo tulog lang.." - sabay tawa ko.
"Ako din nga Babe half asleep lang ako." - sakay naman nito sa biro ko.
"Loko ka talaga"
"Eh ikaw din naman eh kaya nga hindi tayo tao eh"
"Ha???"
"Hindi tayo tao kasi.... 🎵bagay tayo, bagay tayong dalawa🎵 - at kumanta pa ang loko pero kilig naman syempre.
"Corny mo Babe ha.." - sabay tawa ko.
"Corny nga pero aminin mo kilig ka naman"
"Hmmmm.. slight lang.." - syempre pakipot ng konti.
"Weh?! Kunwari ka pa Babe alam ko naman kaya ako may picture sa diary mo kasi ultimate crush mo ko diba? Aminin mo na kasi?"
"Hmmmm.."
"Aminin mo na kasi Babe wag ka na mahiya sa akin?" - halatang hinihintay niya ang sagot ko. Seryoso na ang loko.
"Hindi 'no kaya may picture mo ang diary ko para may bantay sa mga daga, para matakot sila"
"Grabe ka naman Babe, ang gwapo-gwapo ng boyfriend mo na 'to, ipapanakot mo lang sa daga.."
"Kapal ha..."
"Bakit hindi ba totoo naman yun???"
Para kong tanga napapasmile talaga ko kahit wala naman masyadong sense ang pinag-uusapan namin. Yung dating ikinagagalit ko na ginawa niya, natatawa na lang ako ngayon. At sa haba ng panahon na yun, na akala ko wala na kaming pag-asa pero eto kami ngayon, parehas na masaya sa isa't isa.
"Ah sige na nga, gwapo ka na.." - kunwa'y napilitan lang ako sumang-ayon.
"Parang galing sa ilong pa ang pagpayag mo ah.."
"Oo na gwapo naman talaga ang boyfriend ko, kaya nga daming chicks na umaaligid eh." - patampo-tampo kunwari para lambingin.. hehe.. arti-arti mo talaga Ronaliza Salcedo.
"Alam mo Babe kahit madami pang chicks sa harap ko, hindi ko sila nakikita kasi etong mata ko ikaw lang ang nakikita...
yun oh kinikilig na naman yan." - kantiyaw naman niya
"Talagang basketball player ka eh 'no?? Galing mo kasi mambola eh" - biro ko pa..
"Eh di ba nga MVP pa???" - sabay tawang nakakaloko nito. Baliw talaga eh pero parang mas baliw ako kasi nakakakilig naman talaga.
"Tse!!!!"
"Teka Babe lumalayo tayo sa usapan eh, bakit nga may picture ako sa diary mo?"
"Bakit hindi mo pa ba nabasa kung bakit?"
"Nabasa ko..." - sabay tawa niyang parang kinikilig din.
"Ah talagang tuwang-tuwa ka eh 'no..."
"Eh kaya nga ako na-curious basahin dahil nakita ko ang picture ko, ayaw mo kasi umamin sa akin eh na patay na patay ka din sa akin."
"Eh alam mo na pala eh bakit tinatanong mo pa???"
"Syempre gusto ko lang umamin ka din sa akin na crush mo ako kasi di ba ako umamin ako sayo???
Oo Roni.. crush kita matagal na..." - at inulit pa niya ang linya niya nung umamin siya sa akin. Grabe ha... kilig overload na naman ako.
"Oo Borj oo na aaminin ko na... crush din kita.. at narealize ko lang yun nung umamin ka sa akin... oh ano happy ka na?"
Na-speechless na yata ang loko di na sumagot.
"Hello Babe nandiyan ka pa? Hinimatay ka na yata diyan?" - biro ko.
"Actually muntik na Babe. Kilig na kilig ako... I love you my princess.."
"Love you too Babe. Sorry kung natagalan bago ko aminin yung feelings ko for you ha. Kung natakot ako sa nararamdaman ko para sayo."
"Wag mo na isipin yun Babe, because you're worth the wait. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay. My heart belongs only to you."
"Thank you Babe, sayo lang din ako. Promise."
"Payakap nga Babe.."
"Hmmmmm.. yan yakap kita ng mahigpit." - sabay yakap sa teddy bear na regalo niya.
"Sarap naman. Sige na matulog na nga tayo baka di ko pa mapigilan sarili ko, puntahan pa kita diyan."
"Ikaw talaga Babe. Sige goodnight. See you tomorrow."
"Okay, I'll pick you up. Lock all the doors ha. Goodnight. Love you."
"Love you too."
Hay Borj... God knows how much I love you..

BINABASA MO ANG
My Happy Ending
Fiksi PenggemarIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...