Fifty Two

327 27 1
                                    

Roni's POV

Hayyyssst... super romantic din sana ng place.. sayang at wala si Borj.. super miss ko na si Borj.. kamusta na kaya siya?

Nasa mataas na lugar na ako at nakaupo sa may bench dun pero wala pa ding stable na signal. Pero pinili ko pa din ang magstay dahil mula doon ay maganda pagmasdan ang full moon ng gabing yun at ang nagniningningang bituin na parang sinabog sa langit. Maya-maya pa..

"Why you're still awake?" - nagulat ako when someone speaks behind me.

"Hindi ka din ba makatulog?" - dagdag pa nito at tumabi sa kinauupuan ko.

"Hmmmm.. nagpapaantok lang. Tnry ko kung may signal dito unfortunately wala din pala."

"Nasa bundok kasi tayo eh, kung wala din pala bakit nagstay ka pa din? May iniisip ka?"

"Napatingin kasi ako sa langit, ang ganda di ba? Tingnan mo yung bituin, lalong nagningning dahil sa dilim ng paligid. Sino ba namang hindi mapapatigil para pagmasdan ang ganyan kagandang view?"

"Tama ka. Maganda nga.." - sabay tingin niya sa akin pero nagkunwari na lang ako na hindi ko yun napansin. Sandaling katahimikan ang namagitan sa amin habang nakatingin kami pareho sa langit ng biglang may dumaang shooting star kaya dali-dali akong pumikit, pinagsaklob ko ang dalawa kong palad at taimtim na humiling. Hiniling ko na sana hindi na kami magkahiwalay pa ni Borj, na sana siya talaga ang lalakeng nakatadhana kong makasama sa habang buhay.

"Anong ginagawa mo?" - takang tanong ni Francis.

"Dali gayahin mo lang ako at humiling ka." - at sumunod naman siya sa akin.

Pagkatapos ay nagsalita ako.

"Nung maliit pa ako, sabi ni Mommy  kapag nakakita ka ng shooting star ay humiling ka at magkakatotoo daw kung anuman ang hihilingin mo. Kaya kahit ngayong malaki na ako ay nagawian ko ng humiling pag may nakikita akong shooting star." - paliwanag ko sa kanya.

Isang makahulugang tingin ang ibinigay niya sa akin and I feel awkward kaya naman..

"Bakit?" - tanong ko sa kanya.

"Anong bakit?"

"Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?"

"Na-aamazed lang ako sayo." - tipid nitong sagot.

"Bakit naman?" - out of curiosity ay tinanong ko siya ulit.

"Sure ka gusto mong marinig?" - tumango lang ako bilang sagot at nagsimula na siyang magkwento.

"10 years ago when I met this girl. Her name is Antonette but she preferred to be called Toni. Toni is just a simple girl with a big heart for everyone, always willing to help at ayaw din niyang may natatapakan na tao. Para siyang superwoman sa paningin ng lahat. Rebellious ako that time at lagi na lang nasasangkot sa gulo. It felt like walang pakealam sa amin ang parents namin, we can do and get whatever we want. Panay din nag-aaway ang parents ko kahit na minsan na nga lang sila magkita dahil busy sa kanya-kanyang business. Everyone judged me for my actions pero si Toni, siya lang ang nag-iisang taong naniwala sa akin kahit na siya mismo ay binubully ko. Hindi siya nagalit, hindi siya natakot and that really amazed me. And just like a magic, dumating yung time na unti-unti ay nabago niya ang pananaw ko sa buhay effortlessly. And later on ay lumalim ang pagtitinginan namin at officially naging kami. Four years din kami together.I was so inlove with her, naisip kong siya na ang babaeng papakasalan ko. Pero isang aksidente ang umagaw sa kanya sa akin. Hindi siya nakaligtas sa car accident na yun. Parang gumuho ang mundo ko. At some point ay parang gusto ko ng magpakamatay. Mabuti na lang din at nalagpasan ko ang part na yun sa buhay ko sa tulong na din niya.  Ilang araw after her death ay dumating ang bestfriend niya sa bahay dala ang isang sulat. Sabi ng bestfriend niya ay sinulat yun ni Toni dahil expected na din niya na maaga siyang mawawala dahil may cancer din pala ito at ayaw ipaalam sa akin. Pero dahil sa aksidente, mas maaga siyang nawala kaysa sa inaasahan. Sabi niya sa sulat na by the time na binabasa ko yun ay malamang wala na siya pero sana daw ay ipagpatuloy kong mabuhay para sa kanya at magtiwala lang daw ako na lahat ng bagay ay may dahilan, and soon the reason will be unfolded when the time is right." - mahabang kwento ni Francis.

Nagulat ako sa mga narinig ko sa kanya, naiyak din ako ng di inaasahan. I didn't know na may pinagdadaanan pala si Francis na ganun.

"Alam mo ba Roni yung mga sinabi mo kanina tungkol sa shooting stars ay pinaniniwalaan din niya and yes hindi kita maiwasang tingnan dahil malaki ang resemblance niyo kaya somehow nakikita ko siya sayo. I feel attracted to you Roni, pinilit ko namang iwasan. I tried to ignore you but why I have this feeling that fate leads me to you."

"Nung araw na naaksidente ka, I was there. At naalala ko ang aksidenteng kumuha sa akin kay Toni. Pero sa pagkakataong yun ay nagawa kong iligtas ka. Ayoko sanang umalis until I'm sure that your safe pero alam ko ang lugar ko kaya minabuti ko na lang na bumalik ng Manila. Sumunod nagkita tayo sa resto ng sis ko. And then nandito tayo ngayon at magkasama. Masisisi mo ba ako Roni kung gustuhin kong mapalapit sayo? Alam kong mali pero hindi ko maiwasan, tadhana ang nagdadala sa akin sayo."

Hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon sa mga narinig ko mula kay Francis. Napaisip din ako sa mga pagkakataon na nabanggit niya. Bigla ay niyakap niya ako na lalo kong ikinagulat. Sinubukan kong itulak siya palayo.

"Roni please just this night, let me hug you. Kahit ngayon lang...." - nanginginig ang boses niya at napansin ko din ang pag-iyak niya. Hinayaan ko na lang na yakapin niya ako. I can't turn him down, masakit talaga mawalan ng minamahal and I sincerely understand what he's going through.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon