Thirty Six

417 29 0
                                        

Roni's POV

It was a relief. Parang lumuwag ang dibdib ko after that heart to heart talk with Borj. Siya lang talaga ang nakakapagpakilig sa akin ng ganun. Kung pwede nga lang sana araw-araw na lang kaming ganun. So what's next Roni? Desidido ka pa din bang sagutin si Tom after mong makausap si Borj? Hindi pa man salawahan ka na.

Kring.. kring.. My phone ringing..

"Hello Roni.."

"Oh Borj napatawag ka, kaaalis mo lang ah?"

"Yup, I just got home. Thank you Roni for giving me the chance to talk to you. And thank you sa masarap na dinner. I had a great time."

"I also had a great time Borj. Thank you for dropping by."

"Ahhhhmmm..... Roni.... I miss you, I really mean it. Sana maging okay na ulit tayo. Wag mo na sana ako ulit iiwasan."

Kakakilig naman! Parang maiihi na ako sa sobrang kilig.

"Roni are you still there?"

"Ah.... yes Borj. Promise hindi na. Sorry ha. Hindi ko lang kasi alam kung paano ako makikipag-usap sayo. Natakot lang ako na baka hindi na ikaw yung Borj na kilala ko."

"Alam mo Roni kahit gaano pa katagal o gaano pa kalayo ang mamagitan sa ating dalawa, lagi mong tatandaan na hinding-hindi mababago nun yung nararamdaman ko para sayo." - mahina ang mga sinabi niya sa huli pero malinaw ang pagkakarinig ko. Pero nagkunwari akong di ko yun naintindihan.

"Ano yun Borj? Anong sinabi mo?"

"Wala.. ang sabi ko kahit gaano pa katagal o kalayo ang mamagitan sa ating dalawa, hinding-hindi ako magbabago sayo. Sige na matulog ka na. Make sure na nakalock lahat ng pinto okay?"

"Okay po Daddy." - biro ko.

"Oh sige anak matulog ka na, goodnight kiss muna kay Daddy"

"Loko ka talaga. Sige na goodnight na Borj."

"Goodnight Roni."

Borj and Roni's POV

Pagkababa ng phone..

I love you Roni. - Borj
I love you Borj. - Roni

Roni's POV

Since our last talk mas naging okay na kami ni Borj. Hindi na kami nag-iiwasan pag nagkikita kami ng barkada. Buhat din ng nag-usap kami ni Borj, nagbago na ang isip ko tungkol kay Tom. We still go out sometimes pero hindi sing dalas ng dati. Hindi ko din alam pero parang may iba sa kanya lately.

Lalabas kami ngayon ni Tom. Hinihintay ko na lang na sunduin niya ako. Maya-maya pa ay dumating na siya. Sa isang resto sa mall namin napagpasyahang magmerienda. Our orders were already served na din. Napansin kong tila may gustong sabihin sa akin si Tom, he seemed uneasy at panay ko nahuhuling nakatingin sa akin na may parang gumugulo sa kanyang isipan.

"Tom is there something wrong?" - diretsa kong tanong sa kanya.

"Pwede mo naman sabihin sa akin kung may problema ka eh"

"Roni... you know how much I love you di ba? Siguro naman napatunayan ko na yun sayo sa loob ng tatlong taon"

Naku mukhang he will ask me again to be his girlfriend.. Yikes!

"No questions naman about that Tom, nagpapasalamat ako sa love and attention na binibigay mo sa akin, salamat Tom."

"Roni honestly I feel guilty."

"Bakit naman?" - nagtataka kong tanong.

"Can I be honest with you Roni? Pero sana wag mo ako pag-isipan ng masama."

"Syempre naman Tom, kaibigan mo din naman ako eh."

"Roni... remember Sofia? Yung fiance ko na tinalikuran ako?" - tanong niya.

"Yes. What about her?"

"Kasi she paid a visit to me sa office, last month tsaka nito lang."

"Then?..."

"Roni nung unang punta niya ayaw ko siyang pakinggan but she keep on making ways para makausap ako, he even called my mom para lang finally magkausap kami. Three weeks ago, lumabas kami para makapag-usap. Pinaliwanag niya sa akin kung bakit hindi siya sumipot sa kasal namin. Sabi niya she was so confused that time dahil kay Lorenzo, ex-bf niya un na nung time na yun eh muling nagconfess sa kanya ng nararamdaman niya. He was her first love. Hindi niya daw maintindihan ang nararamdaman niya that time kaya nagdecide siyang wag na lang sumipot sa kasal namin kesa magpakasal kami tapos magkaroon siya ng affair sa iba. Then after few months na-realized niya na ako pa din ang mahal niya, na ako talaga ang mahal niya, na nadala lang siya ng mga pinagsamahan nila dati. Inamin din niya sa akin na kasabay ng realization niya na yun ay nalaman niyang buntis siya at ako ang ama but she decided na lang na wag na yun ipaalam pa sa akin dahil sa sobrang kahihiyan niya ay wala na siyang maihaharap pa na mukha sa akin."

Mahaba ang kwento ni Tom. Hindi ko din maintindihan kung anong nararamdaman ko habang nakikinig sa kanya.

"Kaya lang kinakailangan niyang hanapin ako dahil few months ago nalaman niyang may leukemia ang anak namin. Kailangan ng anak namin na mag-undergo ng bone marrow transplant and umaasa siya na pwede akong maging donor dahil ako ang ama ng anak niya." - malungkot si Tom. Mabigat pala ang dinadala niya this past few days kaya pala parang iba siya.

Hinawakan ko ang kamay niya. At tsaka diretsong tumingin sa mga mata niya

"Tom kung ako ang iniisip mo at nagiging dahilan kung bakit hindi mo magampanan ang pagiging ama mo, Tom go ahead, you are free. Naiintindihan ko ang sitwasyon mo. Buhay ng anak mo ang nakasalalay dito. Hindi mo ako kailangang intindihin."

"Roni...." - at tumingin siya sa akin na nangingilid ang mga luha sa mata. Naiiyak na din ako.

"Nagi-guilty ako kasi nung marinig ko ang mga paliwanag ni Sofia, alam kong may nagbago. Natunaw ang galit ko sa kanya. Pero ang kinakatakot ko Roni baka tuluyang bumalik yung nararamdaman ko para sa kanya pag malayo na ako sayo." - sinserong paliwanag niya.

Hindi ko alam kung paanong i-aabsorb ang mga sinasabi niya pero alam ko na ang tinutumbok ng mga sinasabi niya.

"Tom.... sa loob ng tatlong taon minahal mo ako ng buo ng hindi ka naghihintay na masuklian ko ang pagmamahal na yun. Minahal mo ako kahit walang kasiguraduhan kung may kahahantungan ba lahat ng ginagawa mo para sa akin. Nagpapasalamat ako na may dumating sa buhay ko na tulad mo na naging sandalan ko. Kung anuman Tom ang mangyari sa atin, hindi ka dapat maguilty, at tandaan mo na kung saan ka masaya, magiging masaya din ako." - kahit papaano ay nakaramdam ako ng lungkot pero alam ko din naman sa sarili ko na kung may pagmamahal man ako para sa kanya ay hindi ko yun mapagkakaloob ng buong-buo dahil malinaw sa akin kung sino ang may-ari ng puso ko at wala ng iba pa yun kung hindi si Benjamin Jimenez lamang. Tuluyan na akong naiyak.

"Roni I'm sorry if you have to endure this kind of pain. Nung makilala kita, I want to heal your heart pero ngayon papaiyakin din pala kita. Patawarin mo ako Roni. I am very sorry."

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon