Fifty One

381 26 1
                                        

Roni's POV

Nakakatuwa talaga pagmasdan ang mga mukha ng mga inosenteng bata na 'to. Halatang sabik makalabas, bakas na bakas ang pananabik at saya sa mukha nila.

Ang sarap sa pakiramdam na maging part ng gantong event, super fulfilling talaga.

After almost two hours ng byahe ay nakarating kami sa Earth Heaven. Ang tagal din dahil sa trapik. Super ganda talaga dito, problema lang talaga is super hina ng signal. Sinubukan ko pa din tumawag kay Borj pero network failed. Nakailang try din ako bago nagsend ang text message ko sa kanya, pasalamat na din ako at nagsend.

Bago pa magsimula ang camping ay in-orient kami sa aming magiging role sa activity. Syempre we are the Ate and Kuya to look up for the kids and guide them as they participate in the activities and explore the wonders of nature. Nagulat na lang ako ng biglang may nag-approach sa akin na isang lalake.

"Hi Roni.... I didn't know na member ka pala ng foundation na 'to.. It's nice to see you here."

"Ikaw pala Francis, I didn't expect na makikita kita dito ha. Yes matagal-tagal na din akong member dito pero medyo matagal na ding hindi naging active, ngayon lang ulit ako nakapagparticipate sa event. Ikaw?"

"Bakit wala ba sa itsura ko ang magpaparticipate sa gantong event?" - sabay tawa nito.

"Actually parents namin ang nagbuilt ng foundation na 'to pero lately lang din ako nagjoin. Hindi kasi ako tinigilan ng sis ko. Nung una talaga ayaw ko pero nung minsan nga na sumama ako, ayun nag-enjoy naman ako. Masaya pala talaga ang makapagpasaya lalo na ng mga bata."

"Sinabi mo pa kaya nga hindi na din ako nagdalawang isip na sumama dito eh."

"Buti pinayagan ka ng boyfriend mo na sumama."

"Kasama ko nga dapat siya kaya lang may important appointment siya today kaya he didn't make it. Sayang nga, gusto din sana niya sumama."

"Oh I see pero mabuti na lang din nandito ka kasi at least may kaibigan ako na nandito, wala kasi ung sister ko ngayon. My commitment din. Medyo hindi ko pa kasi kilala yung iba dito tsaka hindi din kasi ako sociable na tao."

"Weh?! Parang hindi naman.." - sabay tawa ko.

"Grabe siya makatawa oh.. Meron lang kasi talaga na alam mo yun, yung magaan kaagad ang loob ko kaya hindi ako nahihiyang makipag-usap tulad mo." - diretsang sabi niya.

"Ah... okay.. sige na nga sabi mo eh.." - sabi ko na lang. Medyo hindi din kasi ako komportable dahil alam kong hindi gusto ni Borj na makipagkaibigan ako sa kanya.

"Siguro talaga mas dapat mo pa akong makilala."

"Let's see." - sagot ko na lang to end our convo. Hindi ko kasi alam kung paano tatapusin yun. Mabuti na lang din at nagpa-start na ang camp master ng activities. Hinati kami sa apat na group. We serve as team leaders.

Iba't ibang teambuilding activities ang ginawa namin maghapon, nakakapagod pero hindi mabakasan ng pagod ang mga batang kasama namin. Nakakatuwa talaga ang experience ko na 'to. Naalala ko din nung magcamping kami nila Borj. Nagkatampuhan pa nga kami nun.

"Ate Roni ang galing mo talaga, ang galing mong coach kaya tayo ang champion eh."

"Hindi lang ako ang magaling Angel lahat tayo kasi we worked as a team at yun naman ang mahalaga. Tsaka eto tandaan mo, hindi naman ganun kahalaga kung manalo o matalo ka eh, ang importante nag-enjoy ka at ang mga kasama mo at binigay niyo ang best niyo. Bonus na lang yun kung mananalo ka."

"Tama po kayo Ate Roni. Enjoy po talaga kami ng mga kaibigan ko. Thank you po pala Ate Roni sa mga tulad niyo na nagvvolunteer para makasama kami. Napakalaking bagay po sa amin nito. Napapasaya niyo po talaga kami at marami kaming natututunan. Salamat po talaga." - at niyakap ako ni Angel. Dama ko ang sinseridad ng pagpapasalamat niya.

"Napapasaya niyo naman din kami Angel at natututo din kami sa inyo. Wag niyo isipin na sakripisyo namin 'to kasi masaya din kami sa ginagawa namin." - paliwanag ko sa kanya.

"Oh siya sige na, magclean up na kayo ha, matutulog na din tayo okay?"

"Sige po Ate Roni."

Nang masiguro kong natutulog na ang mga bata ay lumabas muna ako ng tent para maghanap ng signal. Gusto ko sana makausap si Borj. Maghapon na kaming walang communication. Kamusta na kaya siya? Ano kaya ginagawa niya?

Borj's POV

Hindi ko makontak si Roni. Isang message lang ang natanggap ko sa kanya maghapon at yun ay ng makarating na siya sa Rizal. Sana narereceive niya ang message ko. Hindi ko lang mapahindian si Mark, yung client ko, ng magyaya siya sa isang bar. Ipa-experience ko naman daw sa kanya ang bar sa Manila. Bibihira na kasi siya mapunta dito during college years niya pa yung huli.

"Pare isantabi muna natin ang business, let's enjoy the night." - sabi ni Mark ng mapansin niyang kanina pa ako nakahawak sa phone ko at text ng text at dial ng dial, I've been trying to call Roni pero wala talaga kaya itinabi ko na lang ang phone ko after texting her na hindi ko na natanggihan ang client ko sa request nito lalo at we had a closed deal.

Malakas din pala uminom tong si Mark at malakas din sa chicks. Mukhang enjoy na enjoy to sa kasayaw niya kaya nakalimutan na ako. Dahan-dahan lang din ako sa pag-inom mahirap na dahil kailangan ko pa magdrive pauwi. Nagawi naman ang tingin ko sa isang babae dahil halos magwala na eto sa dance floor at pinapalibutan ng isang grupo ng mga lalake. Nang matitigan ko siya ay she looks familiar... Jane???

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon