Thirty

406 32 0
                                    

Roni's POV

"Hi sis.."

"Oh Roni how are you?"

Nagulat si Jelai, she didn't expect ang pagvisit ko sa kanya ng ganung oras. Maaga pa naman pero dahil parehas kaming busy, madalang na din kami magkita.

"Talaga Roni? So ano ng update after that night?" - that's Jelai reaction pagkatapos kong ikwento ang lahat.

"Wala..." - maikling sagot ko at nagkibit balikat na lang ako.

"Ano Roni? One week na ang lumipas diba? Natotorpe na naman ba siya? Mahal mo pa din di ba? Paano na si Leslie?" - sunud-sunod na tanong niya.

"Hindi ko alam Jelai, ayokong umasa, baka lasing lang siya kaya niya nasabi ang mga bagay na yun"

"At ano Roni? hindi mo man lang ba siya kokomprontahin, pinuntahan ka niya sa bahay ng disoras ng gabi, sinabing mahal ka niya, he even kissed and hugged you tapos 1 week na ang lumipas wala ng paramdam. Ganun na lang ba yun?"

"Mahal mo pa din diba?" - hindi na ako nakasagot kay Jelai at yumakap na lang ako sa kanya at umiyak. Alam kong alam na niya ang sagot ko sa tanong niya.

In my room..

Kring.. kring.. My phone ringing..

"Sis samahan mo muna si Missy ha, check-up niya with her OB bukas, susunod na lang ako dun, after appointment ko sa client." - si Kuya.

"Sure Kuya ako ng bahala kay Missy, teka buntis na ba si Missy?" - usisa ko.

"Actually kaya kami pupunta sa OB to confirm, nag pregnancy test pack siya and it's positive pero just to make sure kaya magconsult na kami sa OB baka mamaya false positive na naman eh."

"Nakaka-excite naman. Sana nga may good news na bukas"

We arrived in the hospital na and waiting na lang for Missy's OB to arrive.

"Missy baka may gusto ka, bili lang ako water sa cafeteria. Medyo uhaw na ako eh."

"Gusto mo bang samahan kita?"

"Hindi na Missy, baka mamaya dumating na si Dra.. Mabilis lang ako."

"Okei sis. Water na lang din ako. Thanks"

Ang laki naman ng hospital na 'to. Saan kaya dito ang cafeteria. I asked the nurse in the nurse station ng...

Is that Borj? Anong ginagawa niya dito? Sinong nasa hospital? Nag-alala ako baka si Lolo or si Lola. Agad ko siyang sinundan nung pumasok siya sa isa sa mga kwarto. I was about to call him pero hindi ko siya inabot. And the name on the door shocked me.

Leslie Valdez
Onco - Dra. Bautista

Bahagya akong sumilip sa may pintuan, Leslie is lying on the hospital bed and Borj is taking care of her. Sinusubuan niya eto ng prutas na binalatan niya. Agad kong sinarado ang pinto bago ko pa makuha ang atensyon nila. Para akong lumulutang sa ere at hindi ko alam paano ako nakabalik sa clinic ng OB ni Missy. Ngayon unti-unti ng lumilinaw ang lahat. Pinilit kong ayusin ang aking sarili sa kabila ng nalaman ko. Nakarating si Kuya tamang-tama lang bago i-ultrasound si Missy. Nagpaalam na din ako at nagdahilan I just felt the need to be alone.

7pm ng tumawag ako sa bahay, nagpaalam ako kila Daddy na I was with a friend. Mabuti na lang at hindi na masyadong strict sila Daddy sa akin.

I was driving nowhere. Wala ako sa sarili ko. I decided to stop by sa bar na nadaanan ko. Maganda naman tong bar, hindi naman magulo, tama lang para sa mga taong gustong mapag-isa at mag-isip kaya lang first time kong pumasok sa ganto. I ordered one glass of tequila. First time ko lang din i-try un. Nasa isang sulok lang ako. Kaya ba't hindi ako kaya ipaglaban ni Borj dahil sa kalagayan ni Leslie? She has cancer. At kahit mahal ko si Borj at alam kong mahal niya din ako, naiintindihan ko na, hindi ko din yata kayang agawin siya sa isang babaeng may malubhang karamdaman. Iniisip ko pa lang, I know I can't do that. Napapisik na lang ako. I was on my third glass ng tumunog ang phone ko. Hindi ko na napansin kung sino ang tumatawag.

"Hello Roni.."

"Yes who's on the line please?" - bahagyang nag-iiba na ang pagsasalita ko pero pinipilit ko pa ding idiretso ang dila ko.

"Hindi na ba nakasave sayo ang number ko? Magtatampo ako sayo niyan. Are you out?"

"Sino ba 'to? Yes I'm out, I'm out of my mind" - natawa na lang ako.

"Si Tom 'to Roni, are you ok? Where are you? You sound drunk. Please tell me where you are. I'll pick you up."

"Hindi ko na matandaan kung nasaan ako eh.. Sige Bye.."

Hindi ko masisisi ang ibang mga problemadong tao if they choose to be drunk. Masaya naman din kasi sa pakiramdam. Malaya ka at walang pakealam. Plano kong ubusin na ang lahat ng alak dito hanggang sa malunod ako. I turned off my phone and this time I ordered one bottle of tequila. Iinom ko lahat ng sama ng loob ko ngayong gabi.

Naisip kong lumipat ng place, para akong biglang nainip sa lugar na kinaroroonan ko. Umalis ako sa bar na yun, I was drunk-driving. Bigla akong napakabig sa manibela ko ng may batang biglang tumawid sa harap ng sasakyan ko. Mabuti na lang walang sasakyan sa kabilang lane ng mga oras na yun. I almost killed a young innocent boy na nagtitinda ng kung ano-ano sa ganoong oras para maitulong sa pamilya niya. Bahagyang nawala ang pagkalasing ko ng mga oras na yun. I was in shocked when Tom arrived.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon