Roni's POV
Isang email ang nareceive ko from Little Hands Foundation, isa sa mga foundation kung saan affiliated ako para mapasaya ang mga batang nasa bahay ampunan. They are inviting me na magparticipate sa isang 2-day out of town camp para maexperience naman ng mga bata ang life outside the shelter. Exciting din to para sa akin, kaya kaagad naman akong nagcommit. Isasama ko si Borj. I'm sure magugustuhan din niya yun.
"Babe hindi na ako nakapagpaalam pala sayo, nagcommit kasi ako sa isang event ng foundation namin, matagal na din kasi akong hindi nakakasama sa mga activities namin."
"No problem Babe, it's for a cause naman pala eh. Kailan ba yan?"
"This weekend na eh hindi ko kasi kaagad nacheck ang email ko last week pa pala nag email sa akin."
"Ah san naman?"
"Sa Rizal Babe, sa Earth Heaven, maganda dun Babe. Minsan na din kasi kami nagdaos ng event dun."
"Malayo pala. One day lang naman di ba?"
"2 days, 1 night Babe eh."
"2 days, 1 night, tagal naman nun. Safe ba yung place?"
"Children's camp kasi yun Babe, syempre pag ganun may sleep over. I was thinking if available ka eh samahan mo ako."
"Gusto ko sana din Babe, mag-aalala din ako sayo pag nandun ka, kaya lang my client-meeting din ako ng Saturday eh, alanganin pa ang oras. Big client kasi 'to kung sakali. Sure ka ba na safe dun?"
"Sure ako Babe. Tsaka peace-loving mga tao dun. Tahimik lang dun, nature lang talaga."
"Sayang naman, mukhang relaxing nga dun. Pero matagal na din kasi nakaset tong meeting namin and from Baguio pa kasi tong kausap ko, nakakahiya naman if i-cancel ko bigla. Sorry Babe ha..."
"Ganun ba... I thought pa naman makapag-out of town na din tayo. Sayang naman. Short notice naman din kasi."
"Hindi bale Babe, magset ako ng out of town natin, alam ko naman gusto mo akong masolo eh para magawa mo na masama mong binabalak sa akin." - sabay tawa nitong nakakaloko.
"Loko ko talaga" - sabay hampas ko sana sa kanya pero sinalo niya lang ang hampas ko at hinatak ako papalapit sa kanya sabay yakap. Napakalambing naman talaga ng boyfriend ko.
Araw ng Sabado ng ihatid ako ni Borj sa Little Hands Foundation, sa Makati. Naghihintay na ang dalawang bus na sasakyan namin papuntang Rizal.
Borj's POV
"Ano hindi na ba kita mapipigilan? Iiwan mo na ba talaga ako?" - biro ko kay Roni.
"Ay ang drama ha.. Wag mong iniiba ang usapan, yung mga bilin ko sayo ha. Magpakabait ka habang wala ako."
"Yes Mommy." - sabay tawa ko.
"Yes Mommy, yes mommy ka diyan ha.. mamaya magpasaway ka. Wala munang night out."
"Bakit kelan ba ako nagnight out ng di ka kasama? Bantay-sarado mo nga ako eh."
"Aba syempre, mahirap na.."
"Ikaw kasi ayaw mo pa ako pikutin eh.. Nagpapapikot na nga yung tao sayo, ikaw naman pakipot pa ng pakipot.." - biro ko pa sa kanya..
"Baliw ka talaga Benjamin Jimenez.." - at medyo nagblush siya sa biro ko.
"Sayo lang naman ako nababaliw Ronaliza Salcedo." - sabay yakap ko sa kanya.
"Sige na aalis na yung bus. Babay na.."
"Eh di hayaan mo na silang umalis, dito na lang muna tayo."
"Sira ka talaga.. sige na sasakay na ako. I love you Babe..."
"Saan muna kiss ko?"
"Ano ka ba Babe? Madaming tao oh, maya makita pa tayo ng mga bata."
"Oh sige wag ka na lang umalis.."
"Sige na nga.. sa cheeks lang ha.."
"Okay" - at hinarap ko ang pisngi ko sa kanya pero nung papalapit na ang labi niya ay bigla akong humarap. Kaya voila, para akong naka-3 points sa isang crucial game.
"Ikaw talaga" - sabay pinong kurot sa tagiliran ko.
"Aray... Aray.. Aalis na lang nanakit pa eh.. Sige na sumakay ka na baka iuwi lang kita ulit.."
"Okay bye Babe. Behave ok???"
"Ingat ka dun Babe. I love you. Text or call me kung anuman ha.."
At sumakay na nga siya sa bus. Umuwi na din ako pagkahatid ko sa kanya, I have to prepare naman for my meeting.

BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...