Pabalik na kami ng matanaw ko siya na may kausap na babae. Palapit na kami ng palapit, pasikip naman ng pasikip ang paghinga ko ngunit pilit kong kinakalma ang sarili ko.
Ipinakilala ni Borj sa amin si Tricia, na ex pala niya. Makahulugan ang tingin nito kay Borj at ganun din sa akin.
"Trish this is Missy, Jelai and Roni," - Borj
Ngumiti siya sa amin kaya kahit ayoko ay nginitian ko din siya.
"Siya ba yung?" - narinig kong bulong niya kay Borj. At alam kong ako ang tinutukoy niya.
"Excuse us for a while guys," - at naglakad-lakad silang dalawa sa tabing-dagat.
Ang sakit panooring naglalakad siya palayo sa akin na may kasamang iba. Hindi man niya sabihin, ramdam kong nagbago na ang pagtingin niya sa akin. At kasalanan ko yun.
"Tara na Roni" - yaya sa akin ni Missy.
Dumidilim na ang paligid ng bumalik si Borj. Kinantyawan naman siya ng mga boys.
"Ano Borj mukhang masaya ka ata ha?" - Yuan.
"Hindi naman pare, nagkwentuhan lang kami ni Tricia" - nakangiting sagot ni Borj.
Naiinis ako sa kanya. Parang kinikilig pa tong mokong na 'to ha.
Nasa harap namin ang isang bonfire, ngayon lang kami natahimik at nagkakwentuhan ng maayos buhat ng dumating kami sa Siargao.
"Ikaw Borj may kasalanan ka pa sa amin ha, bakit bigla ka na lang umalis?" - may himig na pagtatampo sa boses ni Kuya.
"Oo nga Borj, bakit hindi ka man lang nagpaalam?" - segunda ni Jelai.
"Yuan sa kanilang lahat, ikaw ang nakakaalam kung bakit, pero wala naman na yun sa akin, part of the past na yun, ang mahalaga naman nandito na ako di ba?" - Borj na napatingin sa akin ngunit bigla din niya binaling sa iba ang tingin niya.
Naramdaman ko yung sagot niya. At alam kong naintindihan din yun ng iba. Gustung-gusto ko siyang hatakin para kausapin at humingi ng tawad pero hindi ko alam kung paano.
"Eh kamusta naman naging buhay mo sa Italy? Siguradong boring kasi wala kami dun" - pagbibiro ni Junjun.
"Syempre at first puro adjustments pero sa umpisa pa lang alam ko na kung bakit ako nandun. Tinulungan ko ang sarili ko para makapagstart ulit, hindi na ako nagpaalam kasi baka hindi na ako makaalis pag ginawa ko pa yun, mahirap, pero buti na lang may mga taong tumulong sa akin kaya natagalan ko naman ang 5 years." - Borj
Buo ang boses ni Borj, alam kong may nagbago na sa kanya. Ibang Borj na ang kaharap namin ngayon.
"Buti naman naisipan mo pang bumalik ng Pinas, ginulat mo kami eh" - Missy
"Hindi na nga sana pero nagkasakit kasi si Lola, kaya umuwi ako kagad last month" - Borj
"You mean last month ka pa nandito? Ang daya mo Borj ha, wala ka man lang pasabi" - Jelai na wari'y nagtatampo.
"Yes last month pa, sorry na guys, hindi talaga ko nagparamdam kagad kasi gusto ko makafocus muna kila Lolo at Lola" - Borj
"Napaka-loving talaga ni Borj, swerte ang girl na mamahalin mo" - Missy
"Eh di swerte pala ni Roni" - biglang hirit naman ni Junjun.
Nasamid ako sa sinabi ni Junjun. Hindi ko alam kung anong dapat gawin, gusto kong umalis at umiwas sa topic. Natahimik bigla ang lahat. Napa-aray na lang si Junjun dahil kinurot siya ni Jelai sa tagiliran.
"Ah nga pala Borj kami ni Junjun, we're already engaged, wag ka mawawala sa kasal namin ha" - pag-iiba ni Jelai ng topic.
"Wow, congrats.. Good news yan, hindi ako mawawala diyan, bawi ako, hindi ako nakapunta sa kasal ni Yuan and Missy, pare pasensya na ha" - Borj
"Wag mo na paalala baka sumama ulit ang loob ko" - biro ni Kuya.
"Sorry na pare" - kakamot-kamot sa ulong paghingi ng pasensya ni Borj. Ang cute niya pa din sa mga gestures niyang ganun.
Malapit na matapos ang vacation namin. Gusto ko sana magkausap kami pero hindi ko alam kung paano. Ngayon ko naiisip yung mga hirap niya pag gusto niya akong kausapin pag galit ako sa kanya.
Maaga akong nagising ngayon, tulog pa silang lahat. Madilim pa sa labas pero naisipan kong maglakad-lakad sa tabing-dagat. Gusto ko lang mapag-isa at mag-isip habang pinapakinggan ang hampas ng alon sa dagat. Malayo-layo na din ang nalakad ko.
"Hi Ms. Beautiful pwede makipagkilala?" - pagbati sa akin ng isang lalake, mukha siyang lasing at hindi gagawa ng maganda.
Natakot ako, patakbo ako palayo pero nahablot niya ang damit ko kaya napunit ito. Sumigaw ako at humingi na tulong pero parang walang magliligtas sa akin. Hinila-hila na niya ako. Naiiyak ako at nanginginig sa takot. Hinang-hina ako, parang hindi ako makagalaw.
"Get off her!" - kilala ko ang boses na yun... si Borj... dumating siya para iligtas ako..
They fought, nagpalitan sila ng suntok. Napaupo ako sa takot, nanginginig ang laman ko..
Mabuti na lang nagtagumpay si Borj na iligtas ako sa kamay ng lalakeng manyak na yun. Lumapit siya sa akin. Napayakap na lang ako sa kanya at iyak ako ng iyak, nanginginig ang kalamnan ko. Wala akong nasabi kung hindi paghagulgol. Niyakap ako ni Borj at dun lang ako kumalma, alam kong ligtas na ako sa mga bisig na yon.
"Calm down Roni, nobody will harm you, not when I'm around, I swear" - ang mga linyang yun ang tuluyang nagpakalma sa akin.
Hinubad niya ang suot niyang damit at itinakip yun sa katawan kong muntikan ng mahubaran. Binuhat niya ako pabalik sa nirent naming house. Nakita kaagad kami ni Kuya, agad silang pumunta nila Junjun at Tonsi para balikan ang lalakeng nambastos sa akin. Idineretso ako ni Borj sa kwarto, at ibinaba sa kama. Doon ko lang napagmasdan ang mukha niya, may pasa siya sa kaliwang pisngi at my dugo sa bandang labi. Kitang-kita ko sa mata niya ang galit ngunit may pag-aalala. Ngayon ko lang siya nakitang ganun. Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siyang muli.
"Salamat Borj, salamat iniligtas mo ako" - naiiyak pa din ako habang sinsabi ko yun.
He hugged me back.
"I'm sorry Roni, kung mas napaaga sana ako, hindi mo dapat dinanas yun" - he feel guilty kahit wala naman siyang kasalanan.
"Hindi mo kasalanan Borj, hindi ako nag-ingat, hindi ako nag-isip. Mabuti na lang dumating ka kundi..." - hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil dinampi niya ang daliri niya sa labi ko.
"No, ayokong marinig ang sasabihin mo Roni please..." - ramdam ko ang diin sa kanyang pagsasalita.
Ilang sandali pa pumasok na sila Jelai at Missy sa kwarto. Iniwan na kami ni Borj.
"Anong nangyari sis?!" - Jelai na alalang alala sa akin.
Hindi na ako nakasagot. Ayoko ng sumagot, ayoko ng isipin pa ang nangyari. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganung takot sa buong buhay ko.
Maya-maya pa ay dumating na din sila Kuya, Tonsi at Junjun. Niyakap ako ni Kuya at muli na naman akong naiyak.
"Mag-ingat ka naman Roni, pinag-alala mo ako ng husto, mabuti at dumating si Borj, mabuti nakita ka niya" - maging si Kuya Yuan ay tinakot ko din sa nangyari.
"Ano ka ba Yuan? Wag mo na pagalitan si Roni, mabuti pa iwan muna natin siya para makapagbihis at makapagpahinga" - Missy.
Lumabas na silang lahat. Nagpaiwan sandali si Tonsi.
"Roni I'm sorry if I wasn't there..." - Tonsi also felt guilty sa nangyari.
"It's not your fault Tonsi, kasalanan ko din, I'm sorry to make you feel that way," - habang hawak ko ang kamay niya.
"I better leave muna para makapagpahinga ka na" - nagpaalam na si Tonsi para lumabas.
Naiwan akong mag-isa sa kwarto, pilit kong iniayos ang aking sarili bago muling humiga, nagsimula na naman gumana ang utak ko.. naisip ko ang mga nangyari sa sandaling panahon na yun. Sobra ang takot na naramdaman ko pero si Borj dumating siya, iniligtas niya ako, ayoko maniwala pero naramdaman ko na mahal niya pa din ako..

BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...