Fifty Three

359 29 3
                                    

Borj's POV

Nang makilala ko si Jane ay agad ko siyang nilapitan at inawat sa pagwawala niya.

"Jane what are you doing?!"

"Borj? What are you doing here? Come join us.."

Halatang lasing siya the way she talks.

"Tama na Jane, stop this!" - saway ko pa sa kanya.

"At kelan ka pa nagkaroon ng pakealam sa akin Borj?!"

"Teka nga pare, wag ka ngang makealam kita mong nag-eenjoy pa siya sa amin. Di ba Miss Beautiful?" - sabay hapit nito sa bewang ni Jane. At sa puntong yun ay hinila ko si Jane papalayo sa lalake.

"Let's go Jane." - yakag ko sa kanya.

"Not that fast bro." - at pumalibot sa amin ang isang grupo ng mga lalake.

"Iuuwi ko na ang kaibigan ko. She's dumb drunk." - katwiran ko.

"Oooowwww..." - sabay-sabay na kantiyaw ng mga lalakeng nakapalibot sa amin.

"Kaibigan ka lang pala eh pero kung makabakod ka wagas." - sabay tawa nitong nakakainsulto. Muntik na niyang saluhin ang suntok ko, mabuti na lang at dumating ang mga bouncer kasama si Mark at agad-agad namang namagitan. Inupo ko muna si Jane at maayos na nagpaalam at nagpasalamat kay Mark. At muli ay binalikan ko si Jane.

"Jane let's go, iuuwi na kita." - at inalalayan ko siya sa pagtayo ngunit bigla siyang yumakap sa akin. Agad-agad naman ay kumawala ako sa pagkakayakap niya.

"Jane ano ba?! Eto na naman ba tayo?! Iuuwi na kita sa ayaw at sa gusto mo."

Wala ng nagawa pa si Jane kundi ang sumunod sa akin.

"Saan ka ba nakatuloy ngayon?" - baling ko sa kanya habang nagddrive pero nakapikit lang eto at hindi sumagot. Nagdecide na lang akong iuwi siya sa bahay.

"Jane gising nandito na tayo." - bahagya ko siyang niyugyog pero hindi pa din eto gumalaw. Lumabas na ako para alalayan siya sa pagbaba ng kotse. Ngunit mahimbing na itong natutulog kaya no choice ako kung hindi buhatin siya hanggang sa guest room.

Pagkatapos kong magshower ay chineck ko ang fone ko, baka sakaling may message mula kay Roni pero wala pa din. Nagmessage na lang din ako sa kanya..

I miss you Babe. See you tomorrow. I love you.

Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na din ako habang naghihintay kung magrereply siya.

Madaling araw ng maalimpungatan ako. Bumungad sa akin si Jane, wala siyang saplot sa katawan. She's kissing me desperately. Muntik na akong madala sa mga halik niya pero hindi... hindi ko kayang gawin to kay Roni.

"Jane stop it!" - saway ko sa kanya. At tinulak ko siya papalayo.

"Hindi mo ba gusto ang mga halik ko Borj? Hindi ka ba nasarapan?" - sabi pa nito sa mapang-akit na tono.

"Jane may girlfriend na ako, mahal ko si Roni."

"Hindi naman niya malalaman Borj. Pwede naman akong maging pangalawa mo? Ibibigay ko sayo ang hindi kayang ibigay ni Roni." - at muli ay gumapang siya papalapit sa akin at muling akmang hahalikan ako. Mabuti na lang ay nagawa kong makatayo mula sa kama ko dahil kung hindi pa ako nakaalis mula doon ay baka pagsisihan ko pa ang mga susunod na mangyayari.

Nagpalipas ako ng oras sa isa pang room at sinigurado kong nakalock na iyon. Marahil kagabi ay hindi ko nailock ang kwarto ko dahil hindi ko talaga gawaing maglock ng pinto.

Mas agresibo ngayon si Jane. Hindi ko inaasahan ang mga ginawa niya, nung nasa Laguna kami at yung nangyari ngayon. Malayong-malayo na si Jane sa dati. Parang hindi ko na siya kilala.

Noong nasa Italy pa kami ay sinubukan ko namang ibaling sa kanya ang pagtingin ko kay Roni pero wala eh si Roni lang ang kilala ng puso ko.

Past 9am na ng bumaba ako. Nadatnan ko si Lolo at Lola sa sala.

"Good morning po Lo, La."

"Good morning apo. Tinanghali ka yata ng gising. Kumain ka na diyan, nauna na kami ng Lola mo."

"Ah sige po.. Nandito po pala si....."

"Good morning po Lolo, Lola." - paglingon ko ay si Jane na maganda ang pagkakangiti at laking gulat ko na makitang suot niya ang t-shirt ko.

"Dito na po ako natulog kagabi, Borj insisted po kasi." - sabay abre-siete pa niya sa akin. Agad-agad kong hinila ang kamay ko.

"What are you saying Jane?" - agad kong binaling ang tingin ko kila Lolo at Lola. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat.

"She's drunk, nakita ko siya sa bar. Hindi ko naman po siya pwede pabayaan na palibutan ng kung sino-sinong lalake doon." - paliwanag ko.

Tumayo si Lola at tiningnan lang ako na may ibigsabhin at pumasok sa kwarto nila.

"Borj apo malaking gulo 'to pag nagkataon. Ayusin mo yan." - bulong ni Lolo sabay tapik sa balikat ko at pumasok na din sa kwarto nila.

"Jane ano bang kailangan kong gawin para tigilan mo na ako?!"

"Mahalin mo ako Borj."

"Alam mong hindi ko yun kayang gawin Jane."

"Alam mo Borj hindi ko na din maintindihan ang sarili ko. Akala ko dati, I was over you. Pero hindi ko kaya Borj na makita ka sa piling ng iba. Akin ka lang Borj! Akin lang! Sabihin mo ng baliw ako Borj pero patawarin mo ako sa mga gagawin ko. Kung hindi ka sa akin mapupunta, sisiguraduhin kong hindi ka din kay Roni mapupunta." - may himig pagbabanta sa boses nito. Umakyat siya sa taas at maya-maya'y bumaba na suot ang damit niya at dala ang bag niya.

"Magkikita ulit tayo Amore Mio." - hahalik pa sana siya sa pisngi ko ngunit agad akong umiwas. Makahulugan ang mga ngiting ibinigay niya sa akin bago siya tuluyang umalis.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon