Borj's POV
Madaling araw na at eto nagkakasarapan pa ng inuman at kwentuhan ang barkada. Pero mukhang tutulugan na naman ako ng mga to, unti-unti ng nagsisitakas. Mukhang tinatamaan na din ako ng alak. Ang daya naman kasi uminom ng mga kainuman ko. Nasaan na ba ang Ronibabe ko? Bakit ang dilim? Sino naman ang nagpatay ng ilaw?
"Babe where are you?" - ako na lang yata mag-isa ang gising. Ramdam ko ang hilo pagtayo ko, para akong tutumba kaya't napaupo ulit ako. Naramdaman ko si Roni na umalalay sa akin ng mapaupo ako.
"Babe san ka ba galing?" - nakapikit lang ako at pakiramdam ko ay umiikot ang paligid ko. Palibhasa matagal na din akong hindi umiinom ay hindi na yata ako marunong. Pero nagulat ako sa ginawa ni Roni, bigla niya akong hinalikan. Mariin, maiinit at sabik na sabik ang mga halik na yon, ngayon niya lang ako hinalikan ng ganito, pero hindi ko yun matanggihan. Suddenly she removed my shirt.
"Babe what are you doing? Lasing ka ba?" - hindi pa din siya sumagot at pinaulanan ng halik ang hubad kong katawan. Damn it feels good.
Roni's POV
Itinimpla ko ng coffee si Borj at halata namang lasing na din siya. Ang yabang naman kasi, mga lalake talaga oh.
Dala ko ang isang mainit na tasa ng kape pabalik sa cottage kung saan sila umiinom.
"B-Borj... Jane..." - nabitawan ko ang tasa ng kape at bumuhos sa hita ko. Napaso ako pero higit pa sa sakit ng pagkapaso ang nararamdaman ko dahil sa nakita ko. Madilim ang paligid pero sapat na ang liwanag ng maliit na posteng malapit doon para makita ko ang kababuyang ginagawa nila. Nakuha ko ang atensyon nila dahil sa pagkakabagsak ng tasa ng kape na hawak ko.
Borj's POV
Si Roni? Eh sino 'tong.... Agad kong naitulak si Jane ng makilala ko siya. Nawala ang pagkalasing ko.
"Jane anong ginagawa mo?!"
"Borj I love you!"
"Jane may girlfriend na ako, at mahal na mahal ko siya at dahil sa ginawa mo ay maaaring mawala siya sa akin. Kahit kailan hindi kita magagawang mahalin, si Roni lang ang mamahalin ko habang buhay." - at nilayasan ko na siya. Kailangan kong makita ang girlfriend ko.
Tiningnan ko siya sa bawat kwartong inookupa ng barkada ngunit hindi ko siya makita.
Ng bigla ko na lang marinig na may tumunog na sasakyan. Mula sa second floor tanaw kong papalabas na ng gate ang sasakyan ni Yuan at sigurado ako na si Roni ang nagmamaneho nun.
Damn Borj! Anong ginawa mo?!
Sinundan ko kagad ang sasakyan niya ngunit hindi ko na yun naabutan. I tried to call her, hindi niya sinasagot ang tawag ko hanggang sa nakapatay na yun.
Babe where are you???? Please... Wag mo gawin sa 'kin to.. Let me explain please...
I texted her pero isang oras na ay wala pa ding sagot mula sa kanya. Labis na ang pag-aalala ko, hindi kami familiar sa lugar na 'to.
Roni's POV
Roni drive lang ng drive kahit saan ka pumunta basta makalayo ka lang sa lugar na 'to. How could you do this to me Borj?! Parang gripong sira na tulo ng tulo ang luha ko, nahihirapan akong huminga, samu't saring emosyon ang nararamdaman ko. Malakas na liwanag pa ang sumilaw sa 'king mata hanggang sa hindi ko na namalayan ang nangyari.
Borj's POV
Bakit ganto ang pakiramdam ko? Ang lakas ng kaba ko. Napatigil na lang ako dahil may ilang-ilang kumpol ng mga tao sa daan. At may paalis din na ambulansya. Inihinto ko sa tabi ang sasakyan, bumaba ako para tingnan kung anong kaguluhan yun. Pabigat ng pabigat ang bawat hakbang ko, hinawi ko ang kumpol ng mga tao. Hindi ako maaaring magkamali, sasakyan ni Yuan yun, yupi ang harap nito at basag and windshield, may mga bakas din ng dugo mula rito. Bigla akong nanlumo, muntik na akong bumagsak pero pinilit kong kalmahin ang sarili ko at nagsumikap na magtanong kung saan papunta ang ambulansya na kaaalis lang. Kailangan kong makita si Roni.
Agad akong pumunta sa Westlake Hospital. Nakumpirma kong dun nga dinala si Roni mula sa isang nurse na nakaduty. Tinawagan ko kagad si Yuan, kailangan niyang malaman ang nangyari.
Kasalukuyan etong nasa emergency room.
"Kayo po ba ang asawa ng pasyente?"
Napalingon ako sa isang doktor, kausap niya ang isang lalake na may bahid ng dugo sa damit. Familiar sa akin ang mukhang yun.
"Ah hindi po Doc, kaibigan lang po ako ni Ms. Roni."
Doon na ako sumabat.
"Are you referring to Ms. Ronaliza Salcedo?"
"Yes sir. Kayo po ba ang asawa?"
"Yes Doc. Kamusta na po ang misis ko?"
" She's critical. Kailangan niyang masalinan ng dugo, maraming dugo ang nawala sa kanya. We will run ct scan and other necessary test to check kung hindi naman naapektuhan ang brain niya."
"Please do the best that you can do Doc."
"We need blood type B donors. Depleting na din kasi ang supply natin ng dugo dito sa hospital, meron bang type B sa inyo dito?" - pagkasabi ng doktor ay siya namang pagdating nila Yuan.
"Borj nasaan na ang kapatid ko? Anong nangyari?" - si Yuan.
"Nasa emergency room pa, kailangan ng blood type B donor."
"I'm willing to donate Doc, type B po ako."
"Pasensya na pare pero usapan ng magkakaibigan 'to." - sabat ko.
"I just wanted to help. Ako ang nakakita kay Roni. Tinakbuhan siya ng nakabanggaan niyang sasakyan. I'm Francis Carlos. Nagkakilala kami ni Ms. Roni sa coffee shop niya."
Kaya pala pamilyar sa akin ang mukha ng mokong na 'to.
"Ahhh.. salamat pare sa pagmamalasakit mo sa kapatid ko pero ako na lang ang magdodonate ng dugo, parehas naman kami ng blood type."
"Blood type B din ako Yuan, pwede din naman ako." - offer ko.
"Mamaya tayo mag-uusap Borj. Doc san po ba kukuhanan ng dugo?" - iba ang tono ng pananalita ni Yuan ngunit naiintindihan ko naman kung bakit.

BINABASA MO ANG
My Happy Ending
Fiksi PenggemarIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...