Fifty Nine

356 27 2
                                        

Roni's POV

Halos malunod na ako sa sarili kong luha ng dumating si Jelai. Tumawag daw sa kanya si Borj at nakiusap na puntahan ako. Malungkot daw at tila lugmok ang boses ni Borj kaya alam niya may mabigat din 'tong pinagdaraanan.

"Sis magpahinga ka na, maayos nio din yan." - si Jelai.

"Nakikipaghiwalay na ako sa kanya Jelai." - masakit na mga salita ang binitawan kong yun na kahit ako ayokong marinig pero mas masakit kung ipagpapatuloy ko pa ang kahibangan ko.

"Ano bang sinasabi mo Roni? Bakit bigla-bigla naman yata ang mga desisyon mo?" - takang tanong ni Jelai.

"Hindi ako mahal ni Borj Jelai." - muli akong napahagulgol. Nalilito man si Jelai sa mga sinasabi ko ay niyakap niya ako upang i-comfort.

"Tahan na Roni. Hindi ko alam bakit nasasabi mo ang mga bagay na yan. Kung anuman ang pinagdadaanan niyo ngayon, malalampasan niyo din yan. At sis tandaan mo na nasa tabi mo lang ako palagi.

"Salamat Jelai. Alam ko may problema ka din ngayon pero nandito ka para damayan ako."

"That's what bestfriends are for sis. Alam ko naman gagawin mo din ang ganto kung sakaling kailanganin ko din ng isang kaibigan."

"Of course Jelai." - pilit naman akong ngumiti sa kabila ng bigat ng kalooban na pinagdadaanan ko.

Nakatulog na lang ako ng hindi ko namamalayaan. Hindi ko na din namalayan ang pag-alis ni Jelai.

Borj's POV

"Nakatulog na siya Borj. Ano bang nangyari sa inyong dalawa? Nagugulantang ako sa inyo, ano bang ginawa mo sa kaibigan ko ha at parang pinagbagsakan ng langit at lupa kung makaiyak." - si Jelai

"I'm sorry Jelai, hindi ko sinasadyang masaktan ko si Roni. Aayusin ko 'to pangako."

"Aba'y bilis bilisan mo Borj at hindi ko kayang makitang nagkakaganyan si Roni."   

"I will Jelai. Ahmm.. Jelai may nangyari ba kanina nung magkasama kayo?"

"Hmmmm.. wala naman.. masaya naman ang araw namin pero bigla na lang nagbago ang mood niya. Nagtataka nga din ako eh. Okay pa naman siya bago mag-CR kanina. Kaya lang ang tagal niya sa CR kaya sumunod na din ako. Nakasalubong ko nga si Jane pero sabi ni Roni hindi naman sila nagkita pero parang imposible sa tagal niya dun. Pansin ko din na parang kaiiyak niya lang paglabas ng cubicle sa CR pero sabi niya tumawag lang yung staff niya at may problema daw at yun dahilan bakit siya naiyak. Pero kilala ko si Roni, alam kong may tinatago siya. Hindi kaya inaway siya ni Jane o may sinabi sa kanya?"

"Sabi ko na may kinalaman si Jane dito. Ibang-iba na talaga si Jane ngayon sa naging kaibigan ko."

"Teka anong ibigsabihin mo Borj na may kinalaman si Jane sa sitwasyon niyo ni Roni ngayon? Nagtataka ako sabi niya kasi nakikipaghiwalay na siya sayo. Ano bang ginawa mo Borj sa kaibigan ko?" - napahawak na si Jelai sa sintido niya na tila sumasakit na ang ulo.

"Malalaman mo din Jelai. Ginawa ko lang naman ang sa tingin kong tama ng mga panahon na yun. Napagsamantalahan ang pagtitiwala at pagmamalasakit ko bilang kaibigan."

"Lalo yatang sumakit ang ulo ko sa sinabi mo Borj." - habang minamasa-masahe ang noo at sintido niya.

"Basta Jelai please be there for Roni. Alalayan mo muna siya habang inaayos ko ang gusot na 'to."

"Borj kahit hindi mo pa sabihin, hinding-hindi ko pababayaan ang kaibigan ko kaya please lang ayusin mo 'to sa lalong madaling panahon."

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon