Roni's POV
Nagulat ang lahat sa pagdating ni Benjamin Jimenez, ang misteryosong bestman ni Tonsi.
Until now hindi pa din ako makapaniwala.
"Calling all the single ladies out there, it's your time to shine." - pag-anunsyo ng emcee na ihahagis na ng bride ang kanyang boquet.
Agad namang nagpuntahan sa harap ang mga kadalagahan. Hindi ko naman planong makigulo pa sa dami ng mga babaeng nasa harap na nag-aasam masalo ang bulaklak ng bride. Pilit man akong patayuin ni Jelai ay wala na siyang nagawa.
"Okay here it is. Ready girls? 1, 2...." - pagbibilang ng emcee. Pero hindi ko inaasahan nasa pagsapit ng bilang na 3 ay nasa harap ko ang boquet ng flowers, napatingin ako dito at napataas ang tingin ko sa may hawak.
Si Bea na labis ang ngiti sa mga labi ay inaabot sa akin ang kanyang boquet. Takang-taka ko sa nangyayari.
"Roni I'll be more than happy kung tatanggapin mo ang bulaklak na 'to."
Hindi na ako nakatanggi pa. Hawak ang kamay ko ay niyaya niya ako sa harap.
"Sorry girls, mukhang nakapili na ang bride ng pagbibigyan niya ng boquet. First time nangyari sa history ng mga kinakasal 'to ha." - sabi pa ng emcee.
Hiyang-hiya din naman ako. Halata ang pagkadismaya ng ilan sa mga babaeng bumalik na lamang sa kanilang kinauupuan.
"Talaga nga namang napakaganda ng ating bride's choice. Swerte ang sinumang lalake na makakakuha ng wedding garter. Now let's call on the gentlemen for the garter toss."
Kung madami ang mga babaeng tumayo para sa boquet toss, mas madaming lalake ang tumayo para sa garter toss. Isa na dito si Benjamin Jimenez na tila pursigidong-pursigido makuha ang garter. Sa dami ng kalalakihang nandoon, hindi ko na inaasahang makukuha yun ni Benjamin kahit ba sa isipan ko ay nagbabalik ang mga alaala ng gantong eksena nung kasal ni Tito Cesar at Tita Marla. Imposible!
"Gentlemen, ready... At the count of three.. 1, 2 ...." - bakit ba parang ako ang ninenerbyos.
"3, got it!" - sigaw ng pamilyar na boses. Paglingon ko ay tulad ng ginawa ni Bea, inabot ni Tonsi ang garter kay Borj. OMG! Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
"Thanks Pare.. Ikaw talaga ang bestman eh" - narinig ko pang sabi nito.
"Looks like our newly wed is making a pair." - parang na-overwhelmed din ang emcee sa mga hindi inaasahang pangyayari.
"Wow, napakagwapo naman din ng ating groom's choice. Aren't they look good together?" - panunukso ng emcee. Narinig ko naman ang hiyawan ng lahat.
"Okay let's begin the wedding garter ritual. Are you ready guys?"
And history repeats itself, wala nga lang si Daddy para sawayin ang mga taong patuloy na sumisigaw ng "Higher!"
Sobra ang kaba ko pero kusang tumigil si Borj matapos mailagay ang garter just above my knee. Pero hindi pa din ako nagpakita ng senyales ng pagkakilig pero sa loob ko naglulukso ang puso ko sa sobrang saya kahit na hindi ko alam kung ano nga ba 'tong nangyayari.
"Kiss! Kiss! Kiss!" - sigaw pa ng mga bisitang nandun.
"Pagbigyan naman natin ang request ng ating mga bisita." - at tinawag niya din ang groom at bride.
"Okay at the count of three.. sabay kayo ha.... 1.... 2.... 3...."
Isang dampi ng mainit na labi ang lumapat sa pisngi ko. Ang halik na akala ko'y hindi na mangyayari pang muli. Para akong nasa isang scripted tv show dahil sa mga nangyayari pero ganunpaman labis na labis ang saya na nararamdaman ko ngayon.
Pagkayari ng mga wedding rituals ay sinimulan na ang kainan.
"Roni....." - salubong ni Jelai sa akin tila kilig na kilig ang bruha.
"Ano ba Jelai? Bakit ka ganyan makangiti?"
"Eh bakit ba, masaya lang ako para sayo.."
"Dapat bang maging masaya Jelai? Nakalimutan mo na ba ang mga nangyari?" - tumingin ako sa mga mata niya at tila napipi siya. Nakuha din niya ang ibig kong sabihin.
"Hindi naman sa nagpapakanega ako pero what happened today doesn't change the past." - dagdag ko pa.
"Hay 'to namang sis ko oh.. kain na nga lang tayo."
Pagkatapos kumain ay nanatili lamang akong nakaupo habang sila Jelai, Junjun, Kuya at Missy ay nagsasayaw sa romantic music na pinatutugtog ngayon. Pasulyap-sulyap ako sa paligid. May hinahanap ang aking mga mata. Nasaan na ba kasi siya? Bakit hindi siya sa amin naki-table. Sabagay, tinatanong pa ba yun. Hayyy Roni, lumalambot ka na yata.
![](https://img.wattpad.com/cover/268301910-288-k985050.jpg)
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...