Borj POV
Ang tagal ko pinag-aralang alisin siya sa sistema ko, marami akong pinagdaanan bago ako naging ganto pero buhat nung nakita ko siya, nawalan ng saysay ang limang taon kong pagtitiis na malayo sa kanya. Buong akala ko na kaya ko ng harapin siya ng walang pagmamahal pero eto na naman akong mukhang tangang parang nababaliw sa pagmamahal sa kanya. Ano bang ginagawa mo Borj? Hindi pa ba sapat ang lahat ng pinagdaanan mo?! Gumising ka Borj! Kung mahal ka niya, sana noon pa..
"Hoy Borj! Bakit ka nagsosolo diyan? Ang daya mo pare ha" - si Pareng Yuan na tumabi sa akin.
"Bakit nag-iisa ka dito? Nagkakasiyahan ang barkada sa taas tapos nagmumukmok ka dito at nag-iinom, may problema ba tayo pareng Borj?" - tanong sa akin ni Yuan.
"Wala naman pare, nag-iisip-isip lang, join me" - at inabot ko sa kanya ang isang bote ng beer.
"Sure. Mukhang mabigat problema natin ha, share naman diyan, magtatampo na talaga ako sayo niyan pare, sige ka" - si Yuan na may himig pagtatampo.
"Ano yan pare jowa lang, nagtatampo?" - pagbibiro ko para sana ilihis ang usapan.
"Ay fafa! Try me!" - sakay naman ng loko kong bestfriend at kinilabutan ako dahil pinisil niya pa ang muscle ko.
"Uyyy.. ano ba yan pare baka totoo na yan ha? Lagot ka kay Missy!" - pagbibiro ko pa.
"Hoy psycho ka talaga, biro lang yun 'no" - haha.. palag ni Yuan. Natawa naman ako sa reaksyon niya.
"But seriously pare, ano ba talaga nangyari sayo? Si Roni lang naman naiisip kong dahilan kung bakit bigla ka na lang lumayo sa barkada at umalis ng walang pasabi. Alam mo ba malaki ang tampo nun sayo? Alam mo naman sa ating magbabarkada, tayo ang ganto oh (at minustra niya sa daliri kung gano kami kadikit)?" - seryosong tanong ni Yuan.
Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya. Pero pinili ko na din sabihin ang totoo para naman gumaan-gaan ang loob ko.
"Alam mo naman pare kung gaano ako kabaliw sa utol mo eh, kahit na nga tayong dalawa muntik ng magkasira dahil sa feelings ko for Roni.. masyado ng malalim ang pagmamahal ko sa kanya na parang gumuho ang mundo ko nung sinagot niya si Basti when all I thought highschool pa lang eh may unawaan na kami kahit hindi niya masabi sa akin. Naramdaman ko pare na mahal niya din ako pero bakit ganun si Basti ang pinili niya?! Para akong namatay pare, hindi ko kaya makita siya sa piling ng iba, parang hindi ako makahinga.. para akong sinasaksak pare.. Alam ko masyado pa kaming bata nung niligawan ko siya pero alam ko sa sarili ko na she's the girl for me pero dahil mahal na mahal ko siya at alam kong masaya siya sa desisyon niya I opt to leave bago pa ako matuluyang mawala sa katinuan.. I even dated different girls pero kahit na sino pang babae ang maging girlfriend ko bakit ganon kay Roni lang ako masaya.. All I want is Roni.. Right after graduation, mas naramdaman ko ang lungkot pare dahil wala naman na akong iba pang pagkakaabalahan. Hindi ako nakakatulog, ayaw ko kumain at hindi din ako lumalabas ng kwarto, I even attempted suicide, dinala ako nila lolo at lola sa hospital, luckily I survived. I almost give them a heart attack dahil sa ginawa ko. Nakiusap ako sa kanila na wag ng iparating pa s inio ang mga pangyayari kapalit nun ay hiniling nila na magbakasyon muna ako sa Italy sa pagbabakasakaling mabago ang ikot ng mundo ko" - matamang nakikinig sa akin si Yuan.
"But when I get there, mas lalo ko naramdaman ang lungkot dagdag ang homesick ko dahil milya-milya na ang layo ko sa inyo, ilang buwan din akong nakaadmit sa hospital dahil ayaw ko kumain at matulog, kinailangang kabitan ako ng swero to rehydrate me. My mom became hopeless and depressed dahil sa nangyayari sa akin, naaksidente siya nung papunta siya sa hospital kung saan ako naadmit, nag-50-50. At doon lang ako nagising sa kabaliwan ko Yuan. Kailangan pang may muntikang mawala sa buhay ko bago ko marealize that I should not be like that, may mga taong nagmamahal sa akin. Nagbaliktad ang sitwasyon at si Mommy naman ang dinadalaw ko sa hospital, ilang buwan din siyang nakaratay sa hospital bed, now I know what she felt. Mabuti na lang at maganda ang healthcare sa Italy kaya nakarecover din si Mommy. Sinamahan ko yun ng dasal at ipinangako ko sa sarili ko na aayusin ko na ang buhay ko. Naisip kong mas mapapabilis ang pagmomove on ko if I don't communicate to anyone of you." - Ipinagtapat ko ng lahat kay Yuan para naman mawala na ang tampo niya sa akin dahil kahit hindi niya sabihin alam ko nasaktan ko siya sa mga desisyon ko.
"I'm sorry to hear that Borj, hindi ko alam na ganun na pala ang pinagdaraanan. Sorry talaga pare. I wasn't there for you" - at inakbayan niya ako.
Para naman akong nabunutan ng tinik kahit papaano gumaan ang dibdib ko ng masabi ko na sa kanya ang lahat.
"Pasensya ka na kay Roni Borj, I can't speak for her pero alam mo bang hindi naman sila nagtagal, anim na buwan lang ang relasyon nila at nakipaghiwalay si utol sa kanya and after that wala na siya naging boyfriend, may mga nanliligaw pero she rejected them." - Yuan.
"Don't get me wrong pare, naikwento ko lang naman para naman mawala na tampo mo sa akin, sorry pare kung walang pasa-pasabi sa pag-alis ko.." - paliwanag ko kay Yuan, feeling ko kasi parang naguilty din siya sa nangyari sa amin ni Roni.
"So hindi mo na ba mahal ang utol ko?" - diretsang tanong sa akin ni Yuan.
Hindi ako nakasagot...
"Bakit hindi ka makasagot?" - panunukso niya sa akin.
"Kung sasagutin ko ba yan may magbabago ba? I guess we are better as friends, tska may Tonsi naman na siya ngayon na once eh naging karibal ko din sa kanya" - sa loob-loob ko ang olats ko talaga.
"Sira! Kaibigan niya lang yun, wag ka na magselos!" - tukso sa akin ni yuan sabay gulo ng buhok ko.
"Hindi ako nagseselos pare ha, tapos na ang chapter namin ni Roni sa buhay ko, single ako at ready to mingle" - pero sa loob ko masaya ako dahil naconfirm kong hindi sila. Hay Borj! Yan ka na naman.

BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...