Borj POV
Binulungan ko si Yuan na awatin na si Roni sa pag-inom pero maging si Yuan ay lasing na din, mahihina pala ang mga to sa inuman.. tsk tsk.. napapalatak na lang ako. Konti pa lang naman ang naiinom ni Roni pero para sa isang hindi umiinom na katulad niya, alam ko may tama na siya. Inagaw ko sa kanya ang beer na iniinom niya.
"Ano ba Borj? Balik mo nga sa akin yan, kaya ko pa naman eh" - inaagaw niya ang bote na halos mapayakap na siya sa akin. Diyos ko! Tulungan niyo ako labanan ang tukso.
"Roni stop it! Lasing ka na, magagalit sa akin si Yuan if I let you pa to consume this" - paggagalit-galitan ko. Bigla siyang umiyak. Nataranta ako. Napalakas yata ang boses ko at natakot ko siya.
"Borj how can you do this to me? After 5 years, nandito ka ngayon na parang wala lang nangyari?!" - naku eto na ang sinasabi ni Yuan na pagtatampo sa akin ni Roni. Nakasandal siya sa akin at umiiyak. Alam kong ako ang dahilan ng mga luhang yon pero alam kong pagmamahal lang yun ng isang matalik na kaibigan.
"Alam mo Borj hinihintay kita araw-araw, I'm sorry Borj for all the heartaches I have caused you in the past, pinagsisihan ko na ang lahat ng yun.." - napaisip ako sa sinabi ni Roni.
"What do you mean nagsisisi ka?" - tinanong ko siya pero hindi na siya nakasagot. Nakatulog na siya at napasandal sa dibdib ko, niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Nasabik din ako sa presensiya niya, and here I am again.. bakit ba ang lakas ng tama ko sa babeng topakin na 'to. Binuhat ko siya papasok sa kwarto niya at inihiga sa kama. Napagmasdan ko ang mukha niyang mala-anghel, ang labi niya na parang masarap halikan, at tumawag din ng pansin sa akin ang napakasexy niyang figure ngayon. She's a full blown woman now. Naku Lord! Nagkakasala na ako. Kinumutan ko na lang siya, hinalikan sa noo at mabilis na lumabas.
Roni's POV
Nagising ako sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung paano ako bumalik dito kagabi, wala ko matandaan. Ganun pala ang nalalasing, masarap din pala sa pakiramdam, parang mas nagiging totoo ka. Hayyyy.. Better get up now. Sayang ang araw, last day na namin today.
Inabutan ko silang lahat na nagbbreakfast.
"Gising na pala ang mahal na prinsesa namin" - pang-aalaska na naman sa akin ng mabait kong kapatid.
"Good morning Roni, mukhang nalasing ka kagabi ha," - isa pa tong si Jelai.
"Teka teka, ako lang ba? Parang lahat naman yata tayo ah" - pagdepensa ko.
"Halika na dito Roni, kain ka na" - yaya sa akin ni Tonsi.
Tumabi ako sa kanya, nakita ko naman sinundan niya ako ng tingin. Bakit ba pakiramdam ko lagi niya ako tinitingnan? Nagffeeling na naman ako. Don't Roni, he's not the same, maging masaya ka na lang na nandito siya ngayon sa harap mo.
After breakfast, we spent the day together, kung nasaan ang isa, nandun din ang isa, nagvolleyball, banana boat at snorkling. Ang saya-saya namin na parang di matatapos ang araw.
Lumalalim na ang gabi, malamig ang hangin galing sa dagat, nakaupo kami sa buhangin at meron kaming maliit na bonfire.
"So paano ba yan guys? Uwian na bukas, kailan na naman kaya masusundan 'to?" - si Kuya.
"Eh di next week" - biro ni Junjun.
"Oo nga guys, nasiyahan naman kayo di ba?" - si Tonsi.
"Ay sobrang saya lalo talagang kumpleto na tayo ngayon diba pareng Borj?" - si Kuya.
"Oo naman pare, basta ako sabihan niyo lang, kahit gaano ako ka-busy, I'll be there, makabawi naman ako sa inyo, alam ko naman na sobra niyong namiss 'tong gwapo niyong kaibigan eh" - si Borj na lumalabas na naman ang kayabangan pero totoo naman na ang gwapo niya.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...