Borj's POV
Sa wakas kaharap ko na ngayon si Tonsi, from airport ay dumiretso na din kami sa bahay niya para dun na lang mag-usap.
"So pare ano ba yung napakaimportanteng sasabihin mo sa akin at nagawa mo pa akong sunduin sa airport. Bakit pala hindi mo sinama si Roni?" - tanong niya sa akin pagkatapos magpalit ng damit.
"Pare una sa lahat kung anuman ang sasabihin ko sana wag mo muna ako i-judge. Pakinggan mo muna sana akong mabuti. Alam kong ikaw lang ang makakatulong sa akin." - walang kagatol-gatol kong sagot sa kanya.
"Mukhang seryoso talaga 'to pare ha.. tungkol ba saan yang sinasabi mo?"
"May nangyari sa amin ni Jane."
"What?!" - sa gulat ay nanlaki ang mata niya.
"It's not what you think ok.." - at isinalaysay ko sa kanya ang mga nangyari.
"Problema ngang malaki yan Borj. Hindi mo pa nasasabi kay Roni?"
"Yun talaga ang problema ko Tonsi. Anong dapat kong gawin? I'm sure pag makita niya ung edited video na yan eh, makukumbinse siyang may nangyari sa amin ni Jane."
"Muntik na nga din ako maniwala pare eh, wala ba talagang nangyari sa inyo?" - paniniguro ni Tonsi.
"Pare kung meron, hindi kita pupuntahan at magcoconfess sayo, alam ko naman na kanino ang loyalty mo eh. Tulungan mo naman ako pare."
"Hmmmm.. Let me think first."
"Pare kailangan makaisip na tayo ng paraan, hanggang bukas na lang ang binigay sa akin ni Jane."
"Sandali lang pare. Napepressure naman ako lalo sayo eh."
"Pasensya ka na pare, ikaw lang talaga naisip kong pwede kong lapitan."
"Sige may naisip na ako." - at isang maluwang na ngiti ang ibinigay sa akin Tonsi.
Roni's POV
"My phone..." - si Jane sabay lahad ng kamay niya upang hingin ang celfone niya.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa nakita kong wallpaper niya. Gusto ko siya komprontahin pero pinili kong kumalma. Marahan kong iniabot sa kanya ang phone niya.
"Here. Sorry hindi ko sinasadya." - paghingi ko na dispensa.
"Eh kung sabihin kong sinadya kong banggain ka Roni." - pagtataray niya.
"Bakit mo naman ginawa yun Jane?"
"Para magising ka na sa ilusyon mo.."
"Anong ibig mong sabihin Jane?!"
"Narinig ko ang usapan niyo ni Jelai kanina, may point ang kaibigan mo ha."
Kumunot ang noo ko at nagsalubong ang kilay ko dahil sa mga naririnig ko sa kanya ngayon.
"What do you mean Jane?!" - tumaas ng bahagya ang boses ko. Napipikon na ako. Hindi ko gusto ang tinutumbok ng babaeng 'to.
"Hindi mo ba alam Roni kung bakit walang nangyayari sa inyo ni Borj????
Kasi kami ang gumagawa nun. Ako ang nagbibigay sa kanya ng ligaya na hindi mo kayang ibigay."
Nagpanting na ang taenga ko sa mga sinasabi niya ngunit pigil na pigil pa din akong saktan siya.
"Kahit ano pang sabihin mo Jane, hindi ako maniniwala sayo. Sana pabayaan mo na lang kami ni Borj na maging masaya. Marami pa namang iba diyan Jane. Wag mo ipagpilitan ang sarili mo sa lalakeng ayaw sayo."
"How sure are you Roni na ayaw sa akin ni Borj? Yan ba ang sinasabi niya sayo?" - sabay tawa niyang nakakaloko.
"Enough Jane, ayoko ng makipagtalo pa sayo. Jelai is waiting for me."
"Ok then Roni. By the way, same pa din ba ang messenger mo? Ayan sent na, baka interesado kang makita." - sabay ngisi niya.
Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang kaba ko at tila may nagtutulak sa akin na tingnan kung ano yung sinend ni Jane.
"Go Roni.. check your phone at tsaka mo sabihing mahal na mahal ka ni Borj."
Kinakabahan man ako, alam kong kailangan ko yung makita para sa ikapapanatag na din ng kalooban ko. Kinuha ko mula sa bag ko ang celphone at tsaka tiningnan ang sinasabi ni Jane.
Tila naubos lahat ng dugo sa mukha ko ng mapanood ko ang video na sinend niya. Tinitigan kong mabuti kung si Borj nga ba talaga ang lalakeng kasama niya at walang duda, hindi ako pwede magkamali, si Borj nga at sigurado ako sa kwarto niya pa eto nila ginawa.
"Alam mo Roni ang sarap pala ng boyfriend mo, at sure ako napaligaya ko din siya sa ginawa namin."
Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko. Nanginginig ang mga laman ko. Dali-dali akong pumasok sa loob ng isang cubicle upang tuluyang makaiwas kay Jane. Napaupo ako dahil sa labis na panlulumo. Higit sa pagkapahiya kay Jane, parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang pakiramdam ko. Sunod-sunod ang paghikbi ko, hindi ako makahinga, para akong nalulunod. Paulit-ulit rumerehistro sa utak ko ang napanood ko.
Maya-maya pa sunod-sunod na katok ang narinig ko mula sa pinto.
"Roni ikaw ba yan?" - si Jelai. Nawala na sa loob ko na kasama ko nga pala siya. Dali-dali akong tumayo at pinahid ang mga luha ko. Kailangang ayusin ko ang sarili ko para hindi din siya mag-alala. Ayoko namang dumagdag pa sa mga iniisip niya.
"Yes Jelai" - sabay bukas ko ng pinto.
"Oh bakit ganyan itsura mo? Umiyak ka ba?"
"Hindi sis, tumawag lang staff ko, nagpaalam.. may problema sa personal na buhay, medyo nadala lang ako sa problema niya."
"Ah kaya pala ang tagal mo bumalik. Kala ko kung ano ng nangyari sayo. Nga pala I saw Jane. Nakasalubong ko siya kanina, nagkita ba kayo?"
"Ah... Hindi.. baka nagkasalisi kami. Uwi na tayo Jelai, medyo sumama pakiramdam ko eh."
"Ok sige sis. Let's go." - bakas ang pagtataka ni Jelai dahil bigla-bigla ay nagyaya na akong umuwi ngunit hindi na din siya nag-usisa pa. Alam kong kahit hindi ko pa sabihin sa kanya, ramdam niya ako.

BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...