Forty Two

406 32 2
                                    

Borj's POV

"Akala ko po hindi na tuloy ang pag-uwi niya ng Pinas?"

"Well it turns out na may mga kailangan pa talaga siyang mga papers diyan, hindi knonsider yung mga pinasa niyang nauna, pagbigyan mo na ako son please."

"Well ano pa nga po ba Ma, kailan po ba ang flight niya?"

"Next week son, pakisundo mo na lang din sa airport anak para hindi naman hassle, kausap ko na si Mama and pinapaready ko na yung isang room diyan."

"Sige po Ma. Ako na po ang bahala."

"Thank you son. Love you. Ingat ka diyan palagi."

"Love you too Ma, ingat din po kayo diyan."

Katatapos lang ng call ni Mommy ng tumawag si Roni.

"Hello Babe, how's your day?"

"I'm a bit tired Babe, dami namin customers kanina, had an encounter pa sa isang masungit na customer."

"Do you want me to pick you up na lang? Tapos dinner na lang tayo sa labas or sa bahay na lang para pahinga ka na lang pag-uwi"

"Hmmmm.. sa bahay niyo na lang siguro para malapit na din sa bahay. Okay lang kaya?"

"Of course, gusto na nga nila Lola eh patirahin na kita sa amin, nagwworry din kasi sila sayo dahil iisa-isa mo lang sa bahay"

"Haha.. si Lola talaga. Sige sa inyo na lang tayo magdinner. Thank you Babe."

"Okay wait mo na lang ako diyan maya."

"Okay Babe. See you."

Roni's POV

"Ma'am Roni may naghahanap po sa inyo, parang siya po yung masungit na customer kanina."

Tumaas bigla ang kilay ko. Ano naman kaya ang ginagawa ng antipatikong to dito? Hindi pa ba siya nakuntento ng maipahiya niya ang staff ko kanina. Makikita talaga niya.

"Yes Sir, what can I do for you? I believe we have already settled kanina." - medyo sarkastiko kong salubong sa kanya.

"No I did not come here to argue with you again Ma'am, I just want to apologize sa inasal ko kanina, I just had a really bad day kaya nung natapunan ako ng drinks ng crew mo, I exploded. I'm really sorry sa mga nasabi ko."

"I do understand pero sa tingin ko hindi ka sa akin dapat humingi talaga ng pasensya, kung hindi sa staff ko."

"Yes I already did before I talk to you. I believe I also need to apologize to you. I'm sorry Ma'am. Please accept my apology." - at iniabot niya ang kamay niya sa akin upang makipagshake hands.

Ayoko sanang abutin yun pero ang immature ko naman kung hindi ko yun tatanggapin. Pagkatapos niyang pakuluin ang dugo ko kanina. Pero mabuti na lang din he realized that he was wrong.

"I'm sorry too for what happened. Alam kong may pagkakamali din ang staff ko pero it was merely an accident. My apology sir." - as I take his hands.

"Francis na lang. If you don't mind, you are?"

"I'm Roni." - tipid kong sagot.

"Nice to meet you Ms. Roni. I'll see you around then."

Ngumiti na lang ako bilang sagot. Nang sinundan ko siya ng tingin palabas ay nakita ko si Borj. How long is he been there? Nakita kaya niya na magkausap kami ni Francis.

"Hi Babe, kanina ka pa?" - bati ko sa kanya.

"Just in time para makita ko kung paano ka titigan at hawakan ng lalakeng yun." - he sounds jealous.

"Ah si Francis wala yun, nag-apologize lang. Siya yung nakwento kong naka-encounter kong masungit na customer."

"Ah Francis pala ang name ng masungit na yun.. masungit pa pala siya nun eh parang gusto ka ng tunawin kung makatingin eh. Why he would care to come back para lang mag-apologize sayo? He did that intentionally para makilala ka."

"Babe pwede ba nag-apologize lang yung tao. Nothing more okay. There's nothing to be jealous about." - paliwanag ko. But I heard none from him.

Hanggang sa pagddrive ay ramdam ko na naiinis pa din si Borj. Tahimik lang din ako dala na din ng pagod, I can't afford to argue anymore.

Sa Jimenez Residence..

"Lo, La nandito na po kami ni Roni."

"Tara na dito hijo, ready na ang dinner."

"Good evening po Lo, La"

"Good evening din hija. Have a seat."

We are having our dinner. Tahimik pa din si Borj pero syempre hindi niya pinapahalata kina Lolo at Lola na nagtatampo pa din siya sa akin.

"Hijo pag tumawag ang Mommy mo pakisabi mo ready na yung guest room. Naitabi ko na yung mga natirang gamit ni Tom doon sa attic."

"Bakit La may bisita po ba kayong darating?" - tanong ko.

"Ahhh.. oo hija actually akala nga namin eh hindi na matutuloy ang dating niya kasi dapat last month pa siya dumating eh pero eto nga tuloy daw sabi ni Kristine."

"Ahhh.. galing Italy din po?"

"Yes, hindi mo pa ba nasasabi Borj kay Roni na dadating dito yung kinakapatid mong si Jane?"

"Jane?" - so babae pala ang kinakapatid niyang dadating. Sabay tingin ko kay Borj. He didn't tell me about this.

Borj's POV

"A-actually La kanina ko lang kasi naconfirm na tuloy pala ang pag-uwi ni Jane sa Pinas. Kakatawag lang ni Mommy sa akin. Hindi niyo naman po nabanggit din sa akin na nasabihan kayo ni Mommy." - naku patay naunahan na naman ako magsabi. Yung tingin ni Roni na yun alam ko na, she's demanding for an explanation.

"Ah Babe kasi kasasabi lang din sa akin ni Mommy kanina, kausap ko siya nung bago ka tumawag."

"Ahm okay." - tipid ang sagot. I knew it. Nawala tuloy ang karapatan kong magtampo at magpalambing.

Nasa sala kami and we are both quiet, parang nagpapakiramdaman kung sino mauunang magsalita.

"Ahhmm.. Babe..." - sisimulan ko na sana ang usapan ng...

"Ahhh. I better go home, it's getting late na din. Lo, La mauna na po ako. Salamat po sa dinner"

"Ah sige Roni, you're always welcome here apo."

"Thank you po ulit." - at tumungo na nga siya palabas. Agad-agad ko naman siyang sinundan.

"Babe sakay ka na lang sa kotse para di ka na mapagod maglakad."

"No. Maglalakad na lang ako."

"Okay sige maglakad na lang tayo, akina yung bag mo."

"No need, magaan lang naman 'to."

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang gate nila.

"Babe let's talk please. Gaya ng sinabi ko kanina, kakainform lang sa akin ni Mommy, sasabihin ko sana sayo kagad pero sabi mo kasi you're tired, ayoko na dumagdag pa sa stress mo."

"Last month pa siya dapat uuwi di ba? So you're a month late na para sabihin sa akin. At least you could have informed me earlier na may ganun pala para hindi naman ako nagmukhang walang alam tungkol sayo Borj!"

She called me by my name, naku galit nga talaga.

"I'm sorry Babe. Alam ko kasi hindi na talaga yun matutuloy, nagulat na lang ako na dadating na pala siya next week."

"Ah okay next week na pala ang dating niya."

Napapisik na lang ako sa tono ng pananalita niya.

"Look Roni wala ka naman dapat ipag-alala, kinakapatid ko lang si Jane. And hindi naman siya magtatagal sa bahay" - parang nauubos na din ang patience ko, hindi ko pa din kasi nakakalimutan yung Francis na yun, I know he's into my girlfriend.

"Borj sa tingin ko parehas na tayong pagod eh, bukas na lang tayo mag-usap pwede? Wala tayo maaayos kung parehas tayong not in the mood."

"Okay Babe, goodnight. Pumasok ka na. Pasensya ka na sa akin." - then I kiss her on her cheek.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon