Four

557 37 3
                                    

Pinagmamasdan ko ang barkada, parang kailan lang, nasa harap ko na sila, kasama ko na sila, totoo na nga tong nangyayari. Susulitin ko na ang bakasyon na 'to kasama sila dahil pagbalik namin ng Manila may kanya-kanya na naman kaming buhay.

Nakatanaw lang ako sa mga kaibigan ko na masayang naghaharutan sa pool side. Napagmasdan kong mabuti si Borj. Masusi ko siyang tinitingnan, ang bawat galaw niya ng magawi siya ng tingin sa akin. Ngumiti naman siya sa akin. Nagkunwari naman akong hindi iyon napansin, hindi ko pa din alam kung paano kikilos sa harap nia

"Roni halika nga dito," - tawag ni Kuya Yuan.

Lumapit naman ako sa kanila pero dahil tila wala ako sarili habang papalapit ako ng papalapit sa kinaroroonan ni Borj ay nadupilas ako sa pool. Para akong nawalan ng malay. Nagising na lang ako at nagulat na nasa paligid ko silang lahat at nakatingin sa akin. Bumangon ako.

"What happened?" - mahina kong tanong. Ramdam ko ang sakit ng ulo ko.

"Nalaglag ka sa pool Roni, ano bang nangyayari sayo? Parang lagi kang wala sa sarili mo" - pag-aalala ni Kuya Yuan.

"Sorry Kuya, hindi ko lang napansin kasi yung daan madilim kasi eh," pagpapalusot ko.

"Sa uli-uli mag-ingat ka naman Roni" - sermon ni Kuya.

"Ok ka na ba Roni?" Tonsi asked me.

"Don't worry about me Tonsi, Im good.." - paniniguro ko kay Tonsi. Binalabal niya sa akin ang towel niya at napansin kong nakamasid lang sa amin si Borj. Inalalayan ako ni Tonsi hangang sa makarating sa pool side. Nakasalampak kaming magbabarkada at nagkwentuhan to catch-up.

"Teka parang nangyari na 'tong mga to guys diba?"- Jelai.

"Kanina nalaglag sa pool si Roni, sino ba ang tumalon sa pool to save her? Diba si Borj? Nangyari na yun dati di ba, naalala mo pa ba yun Roni, nung nag-aagawan kayo ni Yuan sa casette tape tapos accidentally nalaglag ka sa pool, diba tumalon din si Borj nun?" Jelai na may himig ng panunukso.

"Tapos etong nakaupo tayo ngayon dito, kulang na lang yung bote para sa truth or dare, diba nga may tinanong pa sayo si Borj nun, ano na nga yun Borj?" - hindi pa natigil ang panunukso ni Jelai kaya bigla ko tinakpan ang bibig niya.

Tahimik ang lahat ng sumagot si Borj.

"Ang sabi ko sa kanya na gusto kong marinig ng lahat kung kailan ko siya pwede ulit ligawan" - Borj.

Nabasag ang katahimikan. Tila ba nanalo sa liga ng basketball ay naghiyawan silang lahat. Ako naman ay parang pinagpapawisan ng malamig. Natatandaan pa talaga niya yun sa loob ko.

Tinanong nila ako.

"Oh ano Roni? Anong sagot mo kay Borj? Mahigit isang dekada na ng itanong niya yan sayo parang hindi mo pa nasasagot," - si Kuya Yuan na dating kumokontra sa panliligaw ni Borj sa akin eh ngayon ay halos ipagtulakan ako. I feel like Im in a hot seat. Maya-maya pa..

"No, Roni, you don't have to answer, katuwaan lang naman 'to, don't feel pressured" - Borj

Nagulat ako sa sinabi niya, para akong nahulog ulit sa pool at nalulunod. Oo, nasaktan ako, hindi ko inaasahan na marinig yun mula sa kanya, sa lalakeng nagmahal sa akin sa loob ng mahabang panahon. Ngumiti na lang akong pilit para itago ang sakit. Pero gosh! Sobrang sakit.. Eto na ba ang karma ko sa lahat ng nagawa ko kay Borj? Ganto din ba ang naramdaman niya kapag nirereject ko siya.

Late na natapos ang bonding namin. Hindi ko alam kung paano ko naitawid ang gabi. Para akong hipokrito na nakikitawa kahit sa pakiramdam ko sa puso ko ay parang may nakatarak na patalim.

Buong gabi akong nag-iisip, nagsisikip ang dibdib ko sa twing maaalala ko ang sinabi niya kanina. "Katuwaan" lang pala. Hindi na ba ako mahal ni Borj? Tanong na gusto kong malaman ang sagot hangang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising akong tirik na ang araw, nakabawi na ako ng puyat. Inayos ko na ang mga gamit ko dahil lilipat kami ng place. Kumuha kami ng isang fully-furnished house na pinaparent nearby para mas magkita-kita at magkasama-sama kami. Bitbit ko na ang gamit ko papunta sa dining area para hindi ko na kailangan pang bumalik. Paglabas ko ng pinto ay sakto ding lumabas si Borj. Magkatapat lang ang room namin. Nagkatinginan kami, parang gusto kong iatras ang paa ko papasok sa loob pero naisip kong baka akalain niya na iniiwasan ko siya.

"Good morning Roni"- bati niya sa akin at ngumiti.

Ngumiti lang din ako and I greeted him back.

"Good morning Borj, how's your sleep? - finally may lumabas ding salita sa bibig ko.

"Okay naman, masarap naman ang tulog ko, come, let me carry your bag," at kinuha niya ang bag ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Okay naman, masarap naman ang tulog ko, come, let me carry your bag," at kinuha niya ang bag ko. Yun ang lagi niya ginagawa everytime na may outing kami ng barkada. Kinilig naman ako. Napaka gentleman talaga ng mahal ko.

Naglalakad kaming dalawa papunta sa dining ng hotel, nagpapakiramdaman hangang sa nasabi ko na rin na..

"Kamusta ka na Borj? It's been a long time since then" - sabi ko sa kanya na may bahid ng pag-aalinlangan.

"Mabuti naman ako Roni, wala naman masyadong ganap sa buhay ko. Ikaw kamusta ka na?" - tanong niya pabalik sa akin.

Sasagutin ko pa sana kaya lang bigla namang nakasalubong namin si Kuya Yuan.

"Ano ba kayong dalawa? Ang tagal niyo naman, kumain na tayo para makaalis na" - pag-aatubili ni Kuya Yuan.

Pagkatapos ay umalis na kami sakay ng isang van na nirent lang din namin. I feel nostalgic, ang sarap sa pakiramdam na kasama ko silang lahat ngayon. Na kasama ko siya at katabi ko pa ngayon. My heart longs for this man. Miss ko na kung paano niya iparamdam sa akin ang pagmamahal niya ng walang pag-aalinlangan kung anong iisipin sa kanya ng ibang tao.

Tamang-tama ang laki ng bahay. May 4 na kwarto at 2 banyo. Merung terrace na nakaharap sa seashore, relaxing ang view doon. Solo ko lang sa kwarto, magkasama si Kuya at Missy, magkasama na din si Jelai at Junjun, si Tonsi naman at si Borj. Pagkatapos ng lunch at makapagpahinga sandali ay nagkayayaan na sa beach. Nagharutan na naman ang mga boys. Kami namang mga girls ay naglakad-lakad to check on the place. Ayoko sanang sumama, ayoko mawala siya sa paningin ko dahil baka hindi ko na siya makita ulit. Kaya lang baka naman mahalata nila ako, kahit na gustung-gusto ko siyang makasama, umiiral pa din ang pride ko.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon