Twenty Nine

408 30 0
                                        

Roni's POV

Okay na akong ganto, unti-unti babalik din ako sa dati. Hindi pa siguro ngayon pero darating din ang panahon, alam ko masasabi ko din sa sarili ko na masaya na ako.

Kring... kring.. Phone ringing..

Sino naman kaya tong tumatawag na 'to? Disoras na ng gabi ha. Hahayaan ko na lang sana pero nakailang tawag na din tong number na 'to. Baka importante.

"Hello Roni..." - pamilyar na pamilyar ang boses na yun, kahit siguro ilang taon ko pa yung hindi marinig, kilalang-kilala ko kung sino ang may-ari ng boses na yun... si Borj..

"Borj?? Is that you?"

"Kilala mo pa pala ako Roni, akala ko nakalimutan mo na ako eh"

"Are you drunk? Where are you?" - pag-aalala ko.

"Konti lang.. nandito ako sa may gate niyo.. pwede ba kitang makausap?" - sinilip ko siya sa veranda, nandun nga siya pero bigla ako nagtago.

"Hindi ba't nag-uusap na tayo ngayon?" - sagot ko.

"Roni.. please.. you know what I mean.. I want to see you.. please kahit sandali lang. Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako binababa. Kung kailangan sumigaw ako dito gagawin ko, makita lang kita"

"Yan ang wag na wag mong gagawin. Hang in there." - kinakabahan ako, ano bang kailangan niya sa akin.

At the gate..

"Roni.. Thank you." - he's crying. Kitang-kita sa mata niya ang magkahalong lungkot at saya.

Hindi pa man ako nagsasalita ay bigla na lang niya akong hinatak papalapit sa kanya. Niyakap niya ako ng ubod ng higpit na parang hinding-hindi na siya bibitaw. Kung kanina kinakabahan ako na naiinis, ngayon hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. I suddenly felt weak, naramdaman ko yung kakulangan sa akin na siya lang ang kayang magpuno. At nung makakuha na ako ng lakas para makapagsalita, naramdaman ko na lang ang malalambot niyang labi sa labi ko. God! he kissed me. At bago pa ako makabalik sa ulirat, natagpuan ko na lang ang sarili ko na tumutugon sa mga halik niya. Bago pa ako tuluyang mawala sa sarili, ay nakahugot ako ng lakas para itulak siya.

"Borj what are you doing? You shouldn't be here. Hindi ako ang dapat na pinuntahan mo."

"Roni please ngayon lang, kahit ngayon lang, magpakatotoo naman tayo sa sarili natin."

"Naririnig mo ba ang sarili mo Borj?! Nakalimutan mo na ba kung paano mo ako nireject? O baka gusto mong ipaalala ko pa sayo..."

"I love you Roni!"

"Well, thank you for your love pero hindi ko kailangan ang pagmamahal na puro salita lang"

"Bakit Roni?! Meron na bang iba?! Mahal mo na ba siya?!"

"Borj umuwi ka na lang, lasing ka lang kaya ka nagkakaganyan, pag nahimasmasan ka na at matino na ulit ang utak mo, tsaka mo sabihin sa akin na mahal mo ako." - tumalikod na ako at akmang aalis.

"Roni please.. sabihin mong ako pa rin ang mahal mo at hindi si Tom" - marahas ang paghila niya sa braso ko kaya't napaaksaw ako.

"Borj nasasaktan na ako. Please umuwi ka muna, let's talk kapag parehas na tayong kalmado.

"I'm sorry Roni.."

Inalis ko ang kamay niya sa braso ko. Inipon ko ang natitira kong lakas para talikuran at iwan siya.

Hindi ako mapakali, alas 3 na ng madaling araw. Wala na siya sa may gate. I hope nakauwi naman siya ng maayos, gusto ko sana tawagan si Tom para sunduin siya pero baka kung ano lang ang isipin niya.

"I love you Roni!" - paulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi niya, ang halik niya sing init pa din ng first kiss namin kahit aksidente lang yun. Walang nagbago sa tagal ng panahon. Malinaw na malinaw, mahal na mahal ko pa din si Borj. Pero bakit Borj hindi mo ako kayang ipaglaban? Mas mahal mo ba siya? Makasarili ka lang ba talaga kaya't ayaw mong magmahal ako ng iba? Gulung-gulo ang isip ko, nakatulugan ko na lang ang pag-iyak.

Borj's POV

Last night when I got the courage to tell her what I feel. Hindi ko na kaya pang panoorin na lang na mawala siya sa akin. Handa na ako na ipaglaban siya kahit na alam ko kung ano ang maaaring masira o mawala sa akin. It was 11 years ago, at eto pa din akong baliw sa pagmamahal ko sa kanya. She kissed me back. Ramdam kong ako pa din ang mahal niya kahit hindi niya pa sabihin. Hindi magsisinungaling ang halik niya. Please wait for me. Aayusin ko ang lahat.

Lately, alam kong pansin na din ni Leslie ang panlalamig ko sa kanya. Alam kong masasaktan siya kung makipaghiwalay ako sa kanya pero unfair sa kanya kung magkasama nga kami pero iba naman ang laman ng puso ko. Kailangan ko ng ayusin 'to bago pa mawala ulit sa akin si Roni.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon