Sixty Five

446 29 4
                                    

Roni's POV

It's late at night, antok at pagod na din ako pero tila gising na gising ang diwa ko at patuloy na nagfflashback sa akin ang mga nanyari kanina sa wedding ni Tonsi. Lokong Tonsi na yun, wala akong ka-id-idea sa pagdating ni Borj sa kasal at eto pala ang pinsan kuno niyang sinasabi.

Hayyyy.. Tingnan mo nga naman oh, ako at si Borj na lamang pala ang single sa barkada. Napabuntong-hininga ako sa isiping yun. May future pa kayang naghihintay para sa aming dalawa? Bakit ganun kahit anong saway ng isip ko sa puso ko na umasa, hindi ko pa din maiwasan. Two months since naghiwalay kami pero walang nagbago, mahal ko pa rin si Borj kahit pinili niya si Jane over me. At muli ay tila may kumurot sa puso ko.

Borj's POV

Finally nandito na ako ulit sa Pinas. At wala akong planong aksayahin na oras para makausap ang future wife ko. Kailangan paghandaan ang pag-uusap namin. Dapat poging-pogi at mabango. What time kaya kami magkikita? Excited na talaga ko parang first time ulit kaming lalabas. Two months lang kami nagkahiwalay pero parang napakahaba ng mga araw ng mga panahon na yun. Subukan ko ngang tawagan.

Roni's POV

My phone ringing.. si Borj tumatawag. Sasagutin mo ba Roni o sasagutin mo? Akala ko ba gusto mo ng maayos na closure, bakit hindi mo sagutin? Di ba pumayag ka naman na na mag-usap kayo? Muli nangibabaw ang kagustuhan ng puso ko. Kinakabahan man ay sinagot ko ang tawag ni Borj.

"Hello Roni?"

"Are you there Roni? Naririnig mo ba ako?" - namiss ko ang boses na yun habang tinatawag ang pangalan ko. Only Borj can make me feel head over heels.

"Ah-mm.. Yes Borj.. may kailangan ka ba?" - pagkukunwari kong nakalimutan ko ang usapan namin kagabi.

"Ahmmm.. Roni nakalimutan mo na ba yung usapan natin kagabi?"

"Usapan? Wala naman tayong napag-usapan kagabi di ba?" - maang-maangan ko. Naiimagine ko itsura niya ngayon. Siguro ay kumakamot kamot na sa batok ang torpeng 'to.

"Ah kasi Roni di ba tinanong kita kagabi kung pwede tayong mag-usap, pumayag ka na di ba?" - halata ang pagkahiya sa boses nito.

"May ganun ba? Pumayag ako?"

"Roni naman eh.. pumayag ka na kagabi eh. I won't take no for an answer. Please Roni..."

"Hmmmm.. sige pick me up at 7 sa bahay." - at mabilis ko ng pinutol ang linya baka kasi mahalata pa niya ang pinaghalong kilig at kaba sa boses ko.

Borj's POV

Maaga pa pero bihis na bihis na ako. Halata naman excited na ako, bagong ligo, bagong toothbrush at syempre pormang aakyat ng ligaw. Sana naman umuwi akong may girlfriend na ulit.

Dumating ako ng mas maaga pa sa usapan. Mabuti ng ako ang maghintay sa kanya. Ilang minuto pa ay lumabas na siya at bumaba sa stairs.

"Hi Roni..." - napatitig na lang ako sa napakaganda niyang mukha, hayyy nakakainlove naman talaga. Napangiti na lang ako na tila wala sa sarili. Paganda-ganda ang future wife ko.

"Titigan mo na lang ba ako?" - tanong niya. Nahiya tuloy ako at napakamot sa batok ko.

"Ahmmm.. let's go." - dali-dali akong lumapit para alalayan siya.

"Thanks."

Sa isang high-end hotel ko siya dinala. Sa rooftop ako nagpareserve para tahimik at romantic.

At doon inabot sa akin ng isang crew ang boquet ng red and white roses.

"For you Roni.." - tiningnan niya muna eto ng makahulugan ngunit tinanggap naman ang mga 'to.

"Thanks."

Sumunod ay sinerve na ang mga food na inorder ko na alam kong paborito ni Roni. Tahimik lang si Roni habang kumakain. She seldom answer sa mga tanong ko. Alam ko naman na malaki ang kasalanan ko sa kanya.

Hindi ko maialis ang paningin ko sa kanya. Nakakabaliw ang ganda niya kaya  hindi nakapagtatakang maraming maakit sa kanya.

"Ehem... Ehem... Mr. Jimenez hindi ba may sasabihin ka kaya gusto mo tayong magkausap."

Oo nga pala, masyado akong nalibang sa pagtitig sa kanya. Huminga muna ako ng malalim upang ipunin ang lakas ng loob na merun ako. And this is it, eto na ang chance na hinihintay ko. Sumenyas ako sa mga crew na nandon upang iwan muna kami.

"Roni... I still love you." - walang paligoy-ligoy kong sabi. Bakas ang pag-iiba ng reaksyon sa mukha niya pero hindi ko yun mabasa.

"Hindi naman yun nawala at hindi din yun nagbago. At gaya ng sinabi ko sayo bago ako umalis ng gabing magkahiwalay tayo, Roni hinding-hindi kita isusuko."

"Kaya pala sumama ka kay Jane. Habang binubuo ko ang sarili ko dahil sa ginawa mo, busy kang nakikipaglandian sa kanya. Tinanggap ko na lang din na pinili mo si Jane, dahil kung siya naman talaga ang nakakapagpasaya sayo, wala naman na ako magagawa pa tungkol dun." - walang kagatol-gatol sa boses niya.

"Roni nagkakamali ka ng iniisip mo, lahat ng mga yon ay nasa plano namin ni Tonsi para malinis ang pangalan ko. Kung bibigyan mo ako ng pagkakataon, patutunayan ko sayo ngayon ang mga sinasabi ko." - inabot ko sa kanya ang cellphone ko at pinapanood sa kanya ang pag-amin ni Jane sa mga ginawa niya.

"Nasa Rizal ka ng mangyari ang mga bagay na yun, pero wala talagang nangyari sa amin. Maniwala ka. Natakot lang ako dahil hindi yun ang unang pagkakataon na nainvolve ako kay Jane. Natakot ako para sayo Roni, baka maging impulsive ka at mapahamak na naman ng dahil sa akin. Alam ni Tonsi ang lahat at siya mismo ang nagpa-review ng video na gawa-gawa ni Jane."

Patuloy lang ako sa pagpapaliwanag sa kanya habang pinapanood niya ang video ng confession ni Jane. Napansin ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya at sa puntong yun ay lumipat ako sa tabi niya. Masuyo kong hinawakan ang kamay niya upang maramdaman niya na malinis ang intensyon ko sa kanya.

"Masyadong maraming nangyari Borj. Hindi ko alam kung alin na ang totoo sa hindi. Bakit sumama ka pa sa kanya sa Italy kung nakakuha ka naman na pala ng sapat na ebidensya?"

"Nakita ko kayo ni Francis nung araw na magkikita kami ni Tonsi. You looked happy with him and seems at peace kaya natakot ako at nag-isip kung dapat ko pa bang ituloy ang kabuuan ng plano. Nawalan ako ng pag-asa Roni na maayos pa natin ang lahat after ng mga nangyari dahil mukhang masaya kang kasama ang lalakeng yun. Pero sa kabila ng lahat, nanaig pa din ang pagmamahal ko sayo Roni at ang kagustuhan kong makabalik sayo. Kinailangan kong masigurado na wala ng Jane na manggugulo pa sa ating dalawa kaya pinapaniwala ko pa din siya na siya ang pinili ko hanggang makabalik kami sa Italy at sa tulong ni Mommy at ng Mama niya ay nakumbinse namin si Jane na magseek ng psychological help."

"Roni... I'm sorry. Please forgive me. Naging mahina ako bilang boyfriend mo. Hindi ko naproteksyunan ang relasyon natin. Hindi kita naprotektahan at ako pa ang naging dahilan kung bakit ka nasaktan. Hindi ko din mapatawad ang sarili ko sa mga naging kapabayaan ko. "

"I know it's too much to ask pero I can't imagine my life without you. Please give me another chance Roni." - while looking into her eyes na tuluyan ng umaagos ang mga luha. Pinahid ko ang mga luhang yun kahit ang sa akin ay patuloy din sa pagpatak.

"Please... One last chance Roni..." - at maya-maya pa'y marahan siyang tumango kahit may mga balon pa din ng luha sa kanyang mga mata, nangangahulugan ng kanyang pagpayag. Mahigpit ko siyang niyakap at hinalikan ko siya ng mariin sa labi na nung una ko pa lang ulit siyang makita ay gusto ko ng gawin. Halos maubos na ang hangin sa katawan namin bago kami bumitiw sa halik na yun. Pero nakuha ko pa ding mapasigaw dahil sa sobrang saya.

"Yes! I have my princess back!" - puno man ng luha ang mga gabing yun, natapos naman etong naayos namin ni Roni ang lahat. At by God's grace umuwi akong may napakagandang girlfriend.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon