Borj's POV
Parang palala ng palala ang sitwasyon. Tama pa ba 'tong ginagawa ko. Dalawang linggo na akong palihim na bumibisita sa bahay ng mga Salcedo. Swerte na kung masilayan ko ang prinsesa ko. Alam ko nahihirapan pa rin siya dahil sa nangyari. Pansin ko din ang pagbagsak ng katawan niya.
Umiwas din ako sa barkada at nagfocus sa plano namin ni Tonsi. Pero sa wakas nakakuha na ako ng pagkakataon na mapaamin si Jane kung paano niya ginawa ang edited sex video naming dalawa ng hindi niya namamalayan na nirerecord ko 'to. Kinailangan kong magtiis mapalayo sa prinsesa ko para mapaniwala si Jane na siya na ang pinili ko at para magtagumpay kami sa plano namin ni Tonsi. At kung iaadya nga naman ng pagkakataon, masaya na sana ako dahil may matatag na akong ebidensya para mapatunayan ang sarili ko sa gawa-gawang kasinungalingan ni Jane ay nagkaroon pa ng gantong pangyayari.
Para akong nawalan ulit ng pag-asa dahil sigurado buong barkada ay galit na din sa akin lalo na si Yuan. Si Tonsi na lang ang pag-asa ko.
Ngayon ang uwi niya galing Singapore at dahil sa pag-aapura kong magkita kami ay nandito ako ngayon sa isang Italian Resto para kitain siya.
Habang nagpapalipas ako ng oras ay palinga-linga ako sa paligid ng mapansin kong ang isang pamilyar na mukha. Aba't hindi ako maaaring magkamali. Si Francis yun at may kasamang babae. Mabuti naman at mukhang may girlfriend na pala ang mokong, at least makakampante na akong walang surot na umaaligid-aligid sa girlfriend ko. Naaliw akong lihim na panoorin ang dalawa, mukha namang enjoy sila sa company ng bawat isa pero maya-maya lang ay tumayo na eto at akmang aalis. Inalalayan niya pa ang babae sa pagtayo.. at ng appaharap na eto sa direksyon ko..... Shit! hindi ko inaasahan kung sino ang makikita kong kasama niya.
"Roni..." - nanginginig pa ang mga kalamnan ko ng matitigan ko ang mukha ng babaeng kasama niya.
Si Roni nga, iba na ang hairstyle niya at nakatalikod ang upuan niya sa akin kaya hindi ko kaagad siya nakilala. Napatulala na lang ako habang nakatingin sa kanila papalabas ng resto at tila napako ako sa kinauupuan ko dahil hindi ko na nagawa pang tumyo para sana habulin sila. Alam kong para kay Roni, wala na kami. Dinatnan ako ni Tonsi na wala sa sarili.
"Borj!..... Borj!" - sabay yugyog niya sa akin at doon lamang ako natauhan.
"Tonsi ikaw pala.." - mahina kong sabi.
"Ano bang nangyayari sayo pare? Para kang naengkanto diyan." - tanong niya.
"Nakita ko si Roni pare." - mahina kong sagot.
"Ah kaya naman pala, nakakita ka pala ng diwata. Bakit hindi mo nilapitan? Pagkakataon na yun Borj."
"May kasama siya pare.. kasama niya si Francis."
"Ha??? Hindi ba si Francis yung naikwento mong nagtapat kamo kay Roni at nakasama niya sa Rizal?"
"Siya nga pare." - maiksing sagot ko.
Parang dinudurog pa din ang puso ko. Gusto ko na yatang lamunin na lang ako ng lupa ng mga oras na yun. Hindi ko pala kayang makita si Roni sa piling ng iba. Naiyak na pala ako sa harap ni Tonsi.
"Borj... Calm down. Don't make conclusions. Baka nagkakamali ka lang."
Hindi ako sumagot dahil siguradong-sigurado akong si Roni ang kasama ni Francis.
"Okay ayusin na natin ang mga huling plano."
"Kailangan pa ba Tonsi? Mukhang wala ng pag-asa."
"Ano bang pinagsasabi mo diyan ngayon ka pa ba susuko? Kung kailan maitatama mo na ang lahat at malilinis mo na ang pangalan mo?"
"Si Roni... Iba ang ngiti niya kanina.. Baka masaya na siyang wala ako sa buhay niya. Baka masaya na siya kay Francis."
"Akala ko ba mahal mo Borj? Akala ko ipaglalaban mo? Akala ko hindi mo isusuko?"
"Akala ko din yata pare pero paano ko ipaglalaban kung siya na mismo ang sumuko."
"Alam mo pare nasasabi mo lang yan dahil sa bilis ng mga pangyayari. Nabibigla ka lang. We're almost there pare. Malapit mo ng maayos ang lahat sa relasyon niyo ni Roni at pati na rin nila Yuan."
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba o hahayaan ko na lang si Roni na maging masaya sa piling ng iba.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...