Roni's POV
Napag-isip-isip ko ang mga sinabi ni Jelai pero I am kinda hesitant pa din. Hindi ako yung tipo ng babae na magbibigay motibo sa lalake and the last time that I confessed my feelings for Borj, ibinaba ko to the lowest level ang pride ko bilang isang babae, only to be rejected. Hayssst.. Hindi ko na yata kaya pang mapahiya.
"May iniisip ka?"
Nagulat ako biglang may nagsalita mula sa likod ko. Si Borj.
"Nakakagulat ka naman bigla kang lumilitaw."
"Kanina pa kaya ako dito, sa lalim ng iniisip mo kaya di mo ako napansin. Iniisip mo na naman ba ako Roni?" - biro ni Borj sabayan pa ng nakalolokong ngiti niya. Kakainlove lalo litaw dimples niya.
"Pwede ba Borj? Wag kang piling ha." - pagsusungit ko habang pigil na pigil ang pagsilip ng ngiti sa labi ko.
"Eto naman di na mabiro.. ano bang problema mo? Baka may maitulong ako."
Ikaw. Ikaw ang problema ko, yan sana ang gusto kong isagot sa kanya. Ano ba kasi ibigsabihin ng mga ginagawa niya.
"Wala.. okay lang ako. Kumain ka na?"
"Hindi pa nga eh kaya nga ako nandito para makikain. Hehe.." - sagot niya habang kakamot-kamot sa batok niya.
"Ano pa nga ba? Tara na.. sabayan mo na ako. Alam ko naman gusto mo lang sumabay sa akin.." - mahinang bulong ko sa huli.
"Ano yun Roni? May sinasabi ka ba?"
"Sabi ko basta ikaw maghuhugas ng pinggan ok lang na makikain ka ng makikain dito."
After dinner...
"Oh bakit di ka pa umuuwi?" - naiiritang tanong ko sa kanya. Nakakainis na kasi ang katorpehan niya. Para akong nanghuhula ng nanghuhula kung ano ba ibigsabihin ng mga ginagawa niya. Syempre iba pa rin ang may confirmation.
"Alam mo Roni nakakahalata na ako eh, come on! What's the problem? May nagawa ba ako?"
"Wala nga. Magpapahinga na ako Borj. Medyo pagod lang."
"Sungit naman neto. Sige na nga goodnight Roni. Matulog ka na at wag mo na isipin yun, for sure mahal na mahal ka nun." - he still manage to wink an eye and smile at me kahit na sinusungitan ko siya. And napasmile na din talaga ako.
"Goodnight Borj." - feeling ko nagblush na naman ako sa mga sinabi niya and with that smile of him, sino ba naman ang hindi mapapangiti. Kainis.. ang gwapo niya talaga.
Borj's POV
Mga babae talaga ang hirap maintindihan. Kaninang umaga okay naman kami, gumabi lang nagbago na kaagad ng mood. Bakit kaya sinusungitan na naman ako ni Roni? May nagawa ba ako? Mapapaisip ka na lang talaga eh. Hayyyyy.... Roni ng buhay ko.
Kinabukasan..
"Borj hijo tumawag nga pala ang mommy mo kahapon. Pinagbibilin yung kinakapatid mo si Jane, yung anak ni Ninang Julie mo, may mga documents lang na kailangan asikasuhin dito sa Pinas. Ang sabi ng mommy mo nagprisinta siyang dito muna tumuloy sa atin habang nandito sa Pinas para naman din may makasama. Ikaw na muna daw ang bahala." - eto ang bungad sa akin ni Lola while having breakfast.
"What???!!!" - nagulat ako sa binalita ni Lola.
I think I'm in trouble. Noon pa man umamin na si Jane na higit pa sa kinakapatid ang pagtingin niya sa akin. She's nice naman pero masyado siyang clingy. Akala tuloy ng mga nakakakita sa amin eh girlfriend ko siya. Baka ma-bad shot ako kay Roni. Agad kong tinawagan si Mommy para umapela after hearing the news pero my Mom insisted. Nakakahiya naman daw kay Ninang Julie if babawiin niya pa ang napag-usapan nila. Wala na akong nagawa pa.
Katatapos lang ng maghapon ko sa opisina ng tumawag sa akin si Jelai.
"Oh Jelai napatawag ka?"
"So ano ng development? Nanliligaw ka na ba sa sissy ko?"
"Paano ko naman liligawan Jelai, kagabi nga parang gustung-gusto na niya ako umuwi, ang sungit.."
"Naku di ka pa nasanay kay Ronalisa, ganun lang naman talaga yun baka nagpapalambing lang."
"You think?"
"Eh ikaw naman kasi daig mo pa si Boni sa kabagalan mo, pano na lang kayo kung walang Jelai. Baka habang buhay na lang kayo maghintayan niyan."
"Uy grabe siya. Naghihintay lang ako ng tamang timing. Tsaka Jelai kahit habang buhay pa ako maghintay walang problema because Roni is worth waiting for."
"Hindi mo naman kailangan maghintay habang buhay Borj. Baka hinihintay ka lang din nun. Alam mo naman yun dalagang Pilipina."
"Sige Jelai. Thanks for the advise. I owe you one."
After keeping my things, agad akong dumaan sa isang flower shop to buy flowers for Roni. Dumiretso ako sa Beanery.
Nakita ko si Roni na kinakausap ang mga staff niya. Dahan-dahan ko siyang nilapitan and from her back ay iniabot ko ang bulaklak na binili ko. Nagulat siya kaya bigla siyang lumingon kasabay ang kantiyaw ng mga staff niya.
"Flowers for the most beautiful girl I've ever seen" - with matching pacute.
Roni's POV
Shocks! My heart is beating so loud. Pakiramdam ko lalagnatin ako sa sobrang kilig. Agad ko namang in-adjourn ang meeting namin ng staff ko. Dyahe talaga 'tong si Borj pero kilig to the bones. Humugot ako ng malalim na paghinga.
"Thank you Borj pero what's the meaning of this?"
"I'm giving you flowers."
"Obviously. I'm asking why." - pagtataray ko kunwari.
"Eh bakit ba binibigyan ng boy ng flowers ang isang girl?"
Kainis 'tong Borj talaga na 'to, ako pa papasagutin sa sarili kong tanong.
"I don't know, maybe they are good friends." - maang-maangan ko.
"Roni I'm giving you flowers because I want you to be my girl. Pwede ba akong manligaw ulit?" - tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko. Parang nalunok ko ang dila ko sa pagkabigla. Hindi ako kagad nakapagsalita. I just didn't expect this. Ang lakas ko talaga kay Papa God, binigay kagad ang confirmation na hinihingi ko. Huminga muna ako ng malalim.
"Borj gaya ng sinabi ko sayo way back before, hindi mo kailangang magpaalam, okay? Just do it." - napangiti naman ang loko na parang kinilig din. Tumalikod na din ako at baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko eh sagutin ko na siya kagad.
"Tara let's have coffee." - pag-iiba ko ng usap to make things light. Sobrang saya ko this day.
![](https://img.wattpad.com/cover/268301910-288-k985050.jpg)
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...