Thirty Three

392 29 0
                                    

After dinner nagkwentuhan lang kami nila Lolo at Lola. Maya-maya pa ay nagpaalam na din sila matulog. At kahit pagod sa byahe, desidido akong makita ang aking prinsesa kaya agad akong lumabas para pumunta sa kanila. Magdalawang oras akong nakatambay sa may gate nila, hoping I'll get a chance to see her. Nakakatulog na ako ng sitahin ako ng security guard, buti na lang at nakilala pa niya ako. Bago pa ako nagpasyang umuwi, limang minuto pa ang hinintay ko sa pagbabakasakaling lumabas siya kahit sa may veranda lang ng bahay nila. Pero wala pa din.

"Goodnight Roni. See you in my dreams." - eto na lang ang nasabi ko bago ako umuwi.

Tanghali na ng magising ako dala na din siguro ng puyat at pagod. Nadatnan ko si Tom na nakabihis na at papasok na sa shop namin.

"Pinsan.." - si Tom at masaya niya akong sinalubong at yumakap.

"Good to see you pinsan, kamusta na?"

"Mabuti naman pinsan, galing mo mang surprise ha.. sayang naman di pa tayo makakapagkwentuhan, papasok na ako at may client meeting ako ngayon, catch-up na lang tayo maya pinsan."

"No problem see you later, I'll help you out magpahinga lang ako ng ilang days."

"Okay lang pinsan, no worries. Sige maya na lang pinsan." - si Tom.

Pagka-breakfast, muli akong pumasyal sa bahay nila Roni. Mukhang walang tao kaya dumiretso na lang ako sa resto nila Yuan.

"Psycho ikaw ba yan?" - dilat na dilat ang mata ni Yuan ng makita ako, halatang hindi siya makapaniwala na kaharap niya ako ngayon.

"May iba ka pa bang kaibigan na ganto kagwapo? Pare namiss kita" - yakapan at kamustahan kami.

Agad naman kaming nagplano ng reunion at sabi ni Yuan dun na lang daw sa bahay nila Mommy at Daddy niya. Home alone pala ngayon si Roni dahil nagbakasyon sila Tita sa New York last week lang. Tinawagan niya lahat para siguraduhin makakarating ang buong barkada and syempre hindi niya sinabing dumating na ako.

Roni's POV

Ano kaya 'tong pautot ni Mr. Juanito Salcedo at may importante daw sasabihin sa barkada. Nandun na daw silang lahat sa bahay, kailangan kong makauwi ng maaga, madami pang customers pero ipinaubaya ko na yun kay Elise, our branch manager.

Agad naman akong sinalubong ni Jelai at Missy pagdating ko.

"Mga sis miss ko na kayo" - beso-beso at yakapan kami.

"Teka palit lang ako ng damit ha, saan ang mga boys?" - paakyat na ako para magshower at palit ng damit.

"May binili lang sandali, alam mo naman nagkasama-sama na naman eh" - si Missy.

Kakatapos ko lang maligo ng marinig ko ang pagdating ng isang sasakyan, siguro sila kuya na yun. Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ay agad naman akong bumaba, nakakamiss yung ganto, madalang din kasi yung gantong instances.

Pababa pa lang ako ng hagdan ng hindi ko inaasahan kung sino ang makikita ko ngayon. Mabilis at malakas ang kabog ng dibdib ko, bahagya akong natigilan, siyang biglang tawag naman sa akin ni Kuya, dahilan para bumalik ako sa wisyo.

"Roni look who's here." - si Kuya.

Dahan-dahan naman akong bumaba at agad namang lumapit sa akin si Borj at iniabot ang kamay niya.

"Hi Roni" - nakakahipnotismo ang mga ngiti niyang yun.

Iniabot ko naman ang kamay ko, at pagkalapat ng aming mga kamay ay agad niya akong hinatak papalapit sa kanya at niyakap niya ako ng ubod ng higpit.

"I miss you Roni." - bulong niya pa.

"Whoooaaaa!" - napasigaw ang lahat sa ginawa niya.

"Ang cheesy!" - sigaw pa ni Jelai.

Speechless. I don't know what to say. Hindi ko inaasahan ang mga nangyayari. Para akong lumulutang sa saya. Ngunit kumalas ako sa pagkakayakap niya, I just felt guilty. Kahapon lang ay magkasama kami ni Tom and went out with his friends, hindi pa kami pero parang we are getting there na din. For three years, siya ang naging knight in shining armor ko, he's always been there, binaling ko sa kanya ang atensyon ko pero magkaganunman ay hindi niya napalitan ang lalakeng 'to sa puso ko. My heart only belongs to this man. Pero hindi ko pwedeng itapon na lang ang pinagsamahan namin ni Tom. Hindi nga ba't 3 years ago ay ipinaubaya na din niya ako sa pinsan niya nung umalis siya? At hindi ko din naman siya pwedeng sisihin sa mga naging desisyon niya ng mga panahon na yun, I fully understood the situation. Pare-parehas lang kaming biktima ng sitwasyon. Bakit hindi ko kayang maging masaya na lang na nandito ngayon sa harap ko ang taong mahal ko? Bakit may umiiral na takot at pag-alala na makasakit ako? Bago pa siya dumating ngayon ay may desisyon na ako na sagutin si Tom, naghihintay lang ako ng panahon na talagang ipagkakaloob ko na yun sa kanya pero dahil sa pagdating ng may-ari ng puso ko, ano ng mangyayari? It's my moral values versus my heart.

"Hoy Roni! Okay ka lang? Wala ka man lang bang sasabihin? Natahimik ka na lang diyan." - si Kuya.

"Ahhh.. pasensya na Borj, nagulat lang talaga ako, I didn't have any hint na makikita kita ngayon" - paliwanag ko.

"I guess, it's welcome back Borj! Happy to see you" - finally nahimasmasan din ako, baka isipin pa ni Borj na hindi ako masayang makita siya. Ang totoo sa kabila ng takot at pag-alala, nagdidiwang ang puso ko na makita siya. Kaya Roni huwag ka muna mag-isip ng kung ano-ano.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon