Two

601 28 0
                                    

"Roni nakapagpabook ka na ba sa Siargao?" - tanong ni Kuya over the phone.

"Yes Kuya, don't worry ok na ang lahat para sa reunion slash vacation na din natin," sagot ko.

"Mabuti naman, ayoko mapahiya ako sa bisita ko ha, make sure na plantsado na ang lahat" - Yuan

"Bisita?!, Bakit ka naman nag-invite ka Kuya ng iba, alam mo naman para sa barkada lang natin 'to eh," - naiinis kong sabi sa kanya.

"Pasensya na sis nakakompromiso na ako eh, bigla-bigla kasi din tong bisita ko,eh big time 'to kaya di ko matanggihan," - Yuan

"Ah basta bahala ka Kuya magpaliwanag sa barkada, labas ako dyan, alam mo naman once a year lang yung gantong ocassion tapos nag-invite ka pa ng iba, hindi pa naman tayo natuloy last year kaya matagalang catching up to, baka ma-OP ang bisita mo," - pangangatwiran ko pa.

"Ok, ok po yes Mam, ako na po ang bahala, sige na bye na po" si Kuya na tila nanunudyo pa.

Binaba ko na ang telepono at tinuloy ko na ang ginagawa kong mga kapapelan sa opisina. Na-late na naman ako ng uwi. Ilang araw na din panay ako late na nakakauwi dahil unti-unti na din nakikilala ang business namin ni Tonsi. Kahit business partner kami ni Tonsi eh panay din 'siyang wala, bagay na naiintindihan ko dahil may iba silang family business na dapat pagtuunan ng pansin.

Bukas na ang flight namin pa-Siargao. Hay salamat! Makakalanghap din ng sariwang hangin. This past few weeks naging busy masyado sa shop pero masaya naman dahil masigla ang business namin. Kamusta na kaya si Jelai at Junjun? Masaya naman ako para sa kanila. Buti pa si Jelai makakatuluyan ang kanyang first love. Hmmmm.. ako kaya? Kailan kaya kami ulit magkikita? Nasaan na kaya si Borj?

Nakailang balikwas na ako sa higaan, ngunit hindi pa rin ako dalawin ng antok marahil dahil sa ininom kong coffee-blended frappe habang naggagawa ako ng mga paper works sa opisina. Naisipan kong buklatin ang memory box ko kung saan tinatago ko ang mga collection ko ng mga bagay na may sentimental value para sa akin. Karamihan dito ay galing kay Borj tulad ng medal na nakuha niya nung naging MVP siya ng basketball, teddy bear na regalo niya nung 13th birthday ko, dried roses, mga love letters at kung ano-ano pa. Nalungkot na naman ako at napuno na naman ng panghihinayang. Parang may nakadagan sa dibdib ko, parang may pumipigil sa aking paghinga at hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.

Hanggang kailan kaya ako ganto? Ganto na lang ba ako? Magmumukmok, malulungkot at magtatago. Feels like I am living somebody's life. Masaya ako at unti-unti naaabot ko ang pangarap ko pero ramdam ko na may kulang. Siguro karma ko 'to sa lahat ng pambabalewala ko sa pagmamahal niya sa 'kin. Kung malungkot man ako ngayon, I think I deserve this.

"Roni anak gising na! Tanghali na, baka di kayo umabot sa flight niyo, tumawag na nga si Tonsi," - Mommy Marithe

Napabalikwas ako sa pagtawag na yun ni mommy, pinatay ko ang kanina pang tunog ng tunog kong alarm clock at kaagad na akong pumasok sa banyo upang maligo.

Sa airport..

"Roni relax, kalma lang ok, nandito na tayo," - Tonsi

"Sorry talaga Tonsi ha, hindi kasi ako nakatulog kagabi ng maayos, mabuti na lang earlier flight ang nakuha ko para kila Kuya kung hindi lagot ako dun"

"It's ok Roni. Wag mo na isipin, ang mahalaga nandito na tayo. Remember we are here to relax. By the way, tumawag si Yuan kanina, hindi ka daw niya matawagan, nag-inform lang siya na they safely arrived at nasa hotel na sila kasama si Jelai at Junjun." - Tonsi.

Hindi ko namalayan na naidlip na ako sa balikat ni Tonsi. Tonsi has been a very good friend lalo na nung naging officially mag-on sila Jelai at Junjun, madalas kasi silang dalawa na lang ang magkasama at ayaw ko naman din makaabala pa sa kanilang dalawa. Dumagdag din to sa pressure na naramdaman ko kaya napiltan na din akong sagutin si Basti na hindi din naman nagtagal ay nakipagbreak ako. Lalo kaming naging malapit ni Tonsi, kahit na naging manliligaw ko siya on our younger years, posible palang maging matalik pa din kaming magkaibigan.

"Roni wake up. Nandito na tayo." - Tonsi na bahagyang tinapik ang braso ko.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon