Forty

463 35 10
                                    

Borj's POV

Tom is doing good naman sa Italy, ongoing ang treatment ni Timmy, ang pamangkin ko and improving naman ang condition nito. The last time we talked, nagpaalam ako sa kanya kung pwede kong ligawan ulit si Roni, wala naman daw problema sa kanya besides tulad ng nasabi niya bago siya umalis, hindi niya sigurado ang mga mangyayari at nung makasama na nga niya ang kanyang mag-ina, gusto na niyang bigyan ng chance na mabuo ang family nila ni Sofia at Timmy.

Right now I'm courting Roni and I'm praying that this time wala naman na kaming maging problema. I hope all is well.

"Roni hija pasensya ka na muna, di pa kami makauwi ng Daddy mo, maganda yung feedback sa business namin ng Daddy mo dito eh. They love Filipino food. Dumadami na ung customers namin and unti-unti ng nakikilala ang mga luto namin ng Daddy mo. I hope you understand." - Papasok ako sa pinto ng marinig ko si Tita Marithe habang ka-videocall si Roni. Natigilan tuloy ako. Parang wrong timing pagpunta ko.

"I understand Mom. Okay lang po, mukha naman nag-eenjoy po kayo diyan eh. Don't worry about me. I can manage."

"Teka nga pala hija balita ko nililigawan ka ni Borj, uyyyyy...."

"Mommmmy... sino po nagsabi sa inyo? Si Kuya?"

"Yes, eh sino pa ba.. so ano kailan mo planong sagutin?"

"Ilang linggo pa lang nanliligaw sagot kagad."

"Eh bakit mo pa pagtatagalin hija? Alam ko naman na si Borj talaga ang mahal mo kahit nung kayo pa ni Basty. Mommy mo ako 'no kaya kahit hindi mo pa maamin sa sarili mo, alam ko na na siya talaga ang love mo."

"Mommy naman eh, wag naman po kayo masyadong maingay baka madinig ni Daddy nakakahiya."

"Wala ang Daddy mo, may binili sa labas. Alam mo Roni sa amin ng Daddy mo walang problema, botong-boto kami kay Borj, napakabait na bata, parang anak na din namin siya. Wag mo na dagdagan pa ang mga nasayang na panahon na sana ay masaya kayong nagsasama. Roni for once choose your happiness. You're already on the right age, dapat nga you're already starting a family na. You have our blessings."

"Thanks Mommy. Dadating din po kami dun. Sige po Mommy. Tuloy ko muna po paglilinis ng house. Love you po."

"Love you too hija. Ingat kayo diyan ng kuya mo."

Sa narinig kong pag-uusap ni Tita Marithe at Roni sobrang saya ko. Hindi ko lang inaasahan na ganun pala kalalim din ang pagmamahal sa akin ni Roni. All this time I thought na she loves me but not the same way I love her pero sa narinig ko gusto kong magtatalon sa tuwa.

"Ehem! Kanina ka pa ba diyan Borj?"

"A-ah no Roni. Kararating ko lang. I brought you nga pala lasagna. Magmerienda ka muna."

"Okay. Lika sabay na tayo pero sure ka kararating mo lang?"

"Oo naman. Bakit mo naman tinatanong?" - pilit kong idiretso ang pananalita ko.

"Ah.. eh wala naman, tara sa loob." - nakakatuwa yung reaksyon niya nung ibalik ko ang tanong sa kanya. Sobrang cute niya.

Two months have passed, patuloy pa din ang panunuyo ko sa dalagang nagmamay-ari ng aking puso. Hindi ako nakakaramdam ng pagkainip dahil alam ko hindi man aminin sa akin ni Roni ramdam ko na mahal niya din ako.

Roni's POV

Kausap ko si Jelai sa phone and syempre ang topic lang naman namin ay ang lovelife ko.

"Ano Roni? Ano bang pumipigil sayo para sagutin mo si Borj? Diba mahal mo naman? Diba eto na ang matagal mo ng hinihintay? Why don't you give it a try?"

"Hindi ko din alam Jelai eh. Natatakot yata ako."

"Natatakot? Saan naman?"

"Kasi Jelai paano kong hindi magwork ang relationship namin? Paano kong nachachallenge lang pala sa akin si Borj?"

"Ano ba naman yang mga naiisip mo Roni?! Parang hindi mo kilala si Borj, eh magkakadugtong na nga bituka niyong tatlo nila Yuan eh, halos ampunin niyo na nga siya dati di ba?"

"Grabe naman sa magkakadugtong ang bituka pero tama ka sis kailangan ko lang magtiwala sa pagmamahal ni Borj para sa akin at sa pagmamahal ko din para sa kanya."

Katatapos lang ng kwentuhan namin ni Jelai. Hindi pa din ako dalawin ng antok. Hayyyy Borj... halos araw-araw magkasama naman tayo hanggang sa pagtulog na lang ba eh ikaw pa din. Nasa veranda ako ng mga oras na yun, nagpapaantok lang ng marinig ko ang isang pamilyar na kanta kasabay ang tugtog ng gitara.

My God!!! Is that Borj?! Nanghaharana ba siya???

🎸🎵Kay tagal ko na sayong nanliligaw ngunit hanggang ngayo'y wala pa ring linaw,

Sari-saring regalo dinadala sa inyo, meron pati ang tatay at nanay mo.

Kay tagal ko na sayong umaasa, pangarap na lagi kang makakasama.

Ngunit bakit ganito?
Minimithi kong oo,
Hanggang ngayo'y 'di marinig sa iyo.

Sabihin mo lang at gagawin ko, makamtan ko lamang ang matamis mong oo.

Ang bahay namin isasanla ko
Nang sa araw-araw ay mayroon kang regalo.

Huwag mo lamang sasabihin na ako ay basted sayo.🎵🎸

Ano ba Borj? Mamamatay na yata ako sa sobrang kilig. Parang oo na Borj, ibibigay ko na sayo ang matamis kong oo.

Dali-dali akong bumaba para harapin siya.

"Borj..." - enebe! Kung pwede lang yakapin ko na siya. Parang sasabog na talaga ang puso ko sa ligaya.

"Hi Roni.. nagustuhan mo ba?"

"Hmmmmmm.." - Hindi ko alam ang isasagot ko I give him the sweetest smile to answer his question.

"So?" - si Borj

"So?" - tanong ko.

"So anong sagot mo?"

"Yes"

"Anong Yes?" - namilog ang mata niya na parang nababalot ng kaba. I can sense that he is nervous and I am nervous as well.

"Yes nagustuhan ko yung kanta mo."

"Ah... Akala ko yes na na..." - napayuko si Borj at napakamot na lang sa batok niya.

"Yes Borj... Tinatapos ko na ang panliligaw mo.......
Ibinibigay ko na sayo ang matamis kong oo..."

Sa wakas.... nasabi ko din.. at bigla na lang niya akong niyakap ng ubod ng higpit. Mga yakap na para bang pumawi sa lahat ng takot ko. I feel secured in his arms.

"I love you Borj." - bulong ko sa kanya.

"I love you more Roni."

"Yes! Girlfriend ko na si Ronaliza Salcedo!" - sigaw pa niya sabay talon na di alintana ang gabi.

And I know that the happiness I am feeling right now is the happiness that my heart has been longing for for the longest time. I have never been this happy.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon