Roni's POV
"Good morning Roni. Kagigising mo lang?" - Jelai
"Medyo sis. Aga mong napasyal yata."
"Kaya naman pala eh."
"Ha?" - pagtataka ko.
"I saw Borj kanina nagjjogging."
"Really?"
"Yes, and you know what sis, he's with a girl. Maganda at sexy pa nga eh."
Nagulat ako sa binalita ni Jelai.
"That must be Jane."
"Jane? So kilala mo?"
"Kinakapatid ni Borj." - maiksi kong sagot.
"Kinakapatid lang pala eh, bakit hinahayaan mong sila lang ni Borj ang magkasama? Babae pa din un sis, and they are not related by blood."
"Eh ano naman gagawin ko sis. Alangan namang magpakakontrabida ako, nagbilin si Tita Kristine kila Borj na pakisamahan siyang mabuti habang nasa kanila."
"You mean sa kanila tumutuloy si Jane. My God sis, napaka-risky naman ata nun. Sa kilatis ko sa babaeng yun, mukhang flirt at malaki ang pagkagusto kay Borj."
"Sis naman, kagabi pa ako di makatulog sa kaiisip sa set up nila sa bahay, wag mo ng dagdagan."
" Sa reyalidad lang tayo sis. Pinapaalalahanan lang kita."
"Malaki naman ang tiwala ko kay Borj sis. Alam kong mahal na mahal niya din ako. Yun na lang ang panghahawakan ko. Salamat sa chismis." - sabay kunwari'y pagtawa ko.
Saglit pa kaming nagkwentuhan at maya-maya ay nagpaalam na din si Jelai.
So ano ng gagawin ko? Pupunta ba ako kila Borj? Baka isipin naman niya eh binabantayan ko siya. Maghihintay na lang ako sa kanya dito. Ilang oras pa ang lumipas pero haven't heard anything from him kaya nagdecide na lang ako na puntahan siya sa kanila. Hindi naman siguro masama dahil girlfriend naman niya ako.
Nagtatawag ako sa labas pero walang sumasagot kaya napagpasyahan kong pumasok na lang. Nadatnan kong nagkakasiyahan sila Lolo, Lola kasama si Borj at Jane. Nagvivideoke sila. Sinusubuan pa ni Jane ng kinakain niyang chips si Borj habang nakaupo sila sa carpeted floor pero imbes naman na isubo yun ni Borj ay kinuha na lang niya yun tsaka sinubo. Hindi nila napansin na nasa loob na ako dahil sa sobrang kasiyahan nila.
"Ayyy.. Roni hija... Kanina ka pa ba? Come and join us." - yaya ni Lolo.
Biglang napatayo si Borj sa kinauupuan niya.
"Babe nandyan ka pala." - sabay halik niya sa pisngi ko. Pilit lang akong ngumiti.
"Eto kasing si Jane, papunta na sana ako sa inyo kanina kaya lang biglang nagpatulong magset up ng pangvideoke."
"Ah oo Roni, hindi na din namin pinaalis si Borj kasi nagluto din si Seling ng merienda. Halika na at makisali ka na din sa amin"
"Ah sige po Lolo. Salamat po. Eto po nagbake din po ako brownies."
"Salamat hija."
Kahit papano ay pinilit kong makisali sa kasiyahan nila kahit na sa loob ko I feel bothered.
Ilang araw pa ang lumipas, pinilit kong pakisamahan si Jane lalo pa at nakikita ko kung gaano kagiliw sa kanya sina Lolo at Lola at dahil dun ay masayang-masaya naman si Borj. She's sweet, bubbly and makulet, malayong-malayo sa character ko. Makulet naman din ako pero hindi lang kasing level ng kulet ni Jane. Maging sa barkada ay agad naman siyang nagustuhan, magaling siya umistima ng mga tao and smart. Si Jelai at Missy man ay nahuli na din niya ang loob dahil pare-parehas silang mahilig sa mga make up. Kung iisipin okay naman si Jane, siguro ako lang ang may problema, ako lang ang nag-iisip ng kung ano-ano tungkol sa kanya. Nakonsensya tuloy ako. Pinilit kong makibagay sa kanya.
"Oh bakit nag-iisa ka dito?" - si Tonsi.
Nasa resthouse kami nila Tonsi sa Laguna. Engagement party niya kahapon pero nag-extend kami ng two days stay dito parang reunion na din ng barkada.
"Ikaw pala Tonsi, kamusta ka na? Nasaan si Bea? Bakit hindi mo kasama?"
"Ah ayun nagkakasarapan ng kwentuhan sa loob. Ikaw di mo sinagot ang tanong ko, bakit mag-isa ka lang dito."
"Wala, I am always like this naman di ba?"
"I know pero this time is different kasi may boyfriend ka na, kaya nga I keep my distance na din from you. Why Borj is not around?"
"Ah kasama nila Kuya, nagbibilliard sa baba. Alam mo naman yun anak ng bilyaran." - sabay tawa ko.
"Yun lang ba talaga? Come on Roni. Magtatampo ako sayo niyan. May hindi ka sinasabi."
"Tonsi how would you describe me ba?"
"Ha?" - nagtatakang tanong niya.
"How do you find me? Maganda ba ako? Mabait, masungit? Ano?"
"Bakit mo naman naitanong yan?"
"Sagutin mo na lang please."
"Roni you are pretty, smart and sweet. Mabuti kang tao na may malaking puso. Ano ba kasing problema mo Roni?"
"Wala naman Tonsi, pakiramdam ko lang kasi eh ang dami kong kakulangan."
"Alam mo Roni wala naman talagang perpektong tao sa mundo, lahat naman tayo ay may kapintasan. Learn to accept your flaws at wag mo tingnan ang iba sa sarili mo dahil ikaw ay ikaw."
"You're right Tonsi. Yan ang namiss ko sayo eh, yung mga words of wisdom mo ibang level talaga. Salamat."
"Ehem.. nakakaabala ba ako?" - si Borj.
"Hi Babe. Nagkakamustahan lang kami ni Tonsi."
"Tonsi pwede ba mahiram muna girlfriend ko? Kung okay lang.."
"Of course, paano Roni puntahan ko muna si Bea."
"Okay Tonsi. Thanks ulit."
At umalis na si Tonsi.
"Ahhmmm.. Babe ano naman pinag-uusapan niyo ni Tonsi? Mukhang seryoso ah."
"Wala naman, nagkamustahan lang kami at nagtanong-tanong lang ako about ideas para sa Beanery. Bakit selos ka?" - biro ko sa kanya para maiba ang usapan.
"Hindi noh.. Konti lang.. Hehe.. Tara na sa loob na tayo. Magddinner na."

BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...