Isang linggo na buhat ng makalabas ako sa hospital at limang araw buhat ng nagtapat ako kay Borj. Hindi pa ulit kami nagkita, hindi siya dumating sa welcome home party na hinanda nila Mommy kasama ang barkada. Wala na din naman akong balak pang makita siya.
Nasa kusina ako ng..
"Good morning po Tito Charlie, Tita Marithe" - na kasalukuyang nag-uusap sa may dining area ng mapadako sa akin ang tingin niya at mahinang bumati.
"G-good morning R-Roni.." - hindi na lang ako kumibo.
"Good morning Pareng Borj, napasyal ka, anong atin?" - si Daddy.
"My mom just arrived yesterday, and gusto po sana kayo iinvite magdinner mamaya sa bahay, pakisabi na lang din po kay Yuan."
"Oh sure, asahan niyo kami diyan, makapagkwentuhan naman kami ni Kristine. Salamat Borj sa invitation."
7pm
"Mommy do I really have to come with you?"
"Of course anak, nakakahiya naman sa Tita Kristine mo if hindi ka pupunta, nandun na nga sila Kuya Yuan mo and tayo na lang daw ang wala dun kaya halika na at aalis na tayo." - si Mommy
At Jimenez Residence..
"Marithe, Charlie.." - si Tita Kristine sabay beso kila Mommy.
"Oh Roni you're there. Look you're a fine lady now" - at hinalikan din niya ako sa pisngi.
"Hello po Tita, kamusta na po?"
"Hali muna kayo sa loob, the dinner is ready" - yaya nito.
As usual catching up with friends and family.
"Guys nga pala this is Bea, my girlfriend" -pakilala ni Tonsi sa barkada. Inisa-isa niya kaming ipakilala sa kanya.
"Nga pala guys kilala niyo na si Leslie di ba? Let me introduce her again. Si Leslie nga pala, my girlfriend." - nabigla naman ang lahat at bahagyang natahimik ngunit bumawi naman.
"Ayos pala at may mga lovelife na ang mga kaibigan natin, congrats mga pare" - bati ni Kuya at bumati na din ang lahat.
Maya-maya pa binulungan ako ni Jelai.
"Sis okay ka lang?" - napansin niyang tahimik lang ako.
"Oo naman sis pero I think I need to use the comfort room" - kailangan ko munang umiwas para huminga, iba pa rin pala talaga pag kaharap mo na, parang sinampal ako ni Borj ng katotohanan. Pumunta muna ako sa garden para dun na lihim na punasan ang luha ko at pakawalan ang mga buntong-hiningang kanina ko pa pilit pinipigilan.
"Miss... are you okay? You might need this.." - at iniabot niya ang isang panyo.
Napatingin lang ako sa kanya, may pagkamestizo ang lalakeng 'to at ngayon ko lang siya nakita.
"Here, take it.." - hindi pa din ako tuminag.
"Ok let me do it" - at pinunasan niya ang luha ko, pinigilan ko naman kagad yun kaya nahawakan ko ang kamay niya at napatigil siya.
"Ako na... salamat" - mahina kong sagot.
"Hi.. I'm Tom.. pinsan ko si Borj.. kasama ako ni Tita Kristine na dumating from Italy. You must be his friend." - inabot niya ang kamay niya sa akin at inabot ko naman iyon.
"I'm Roni. Sorry kung nakita mo akong ganto, very inappropriate para sa bagong magkakilala" - bahagya na akong kumalma.
"It's okay Roni, it only shows how real person you are. If you don't mind, bakit ka nandito sa labas at umiiyak?" - tanong niya.
"Pwede bang wag na lang natin pag-usapan? Baka kasi maiyak na naman ako. Ikaw? Bakit nasa labas ka?"
"May kausap lang ako kanina sa fone, medyo maingay kasi sa loob, Ok ka na ba?"
"I think... tara na pasok na tayo" - niyaya ko na lang siya sa loob. I feel awkward kasi sa nakita niyang pag-iyak ko.
Napatingin sa amin ang lahat ng sabay kaming pumasok.
"Roni sino naman yang kasama mo? Don't tell me ipapakilala mo din siya amin, boyfriend mo?" - pangangantiyaw ni Junjun.
Nagkatinginan naman kami ni Tom at pakiramdam ko uminit ang mukha mo. Nginitian lang niya ako na parang sinasabing ok lang yan.
"Ahhh.. nga pala si Tom, pinsan ko. Kasama ni Mommy dumating. Magkakilala na pala kayo ni Roni" - si Borj.
"Pinsan bakit hindi mo naman sinabi na may kaibigan kang napakaganda" - sabay sulyap niya sa akin.
"Hello guys.. mukhang magiging masaya ang pagsstay ko dito sa Pinas ah" - bati ni Tom at isa isa niyang kinilala ang bawat isa sa amin. Umupo siya sa tabi ko.
Makulet tong si Tom, and because of him nawala ung awkward feeling ko, hindi ako na-out of place kahit may mga kanya-kanya ng lovelife ang barkada. Naitawid ko ang gabi kahit may mabigat pa din akong dinadala sa puso ko.
Salamat sa kanya.

BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...