Borj's POV
Bakit naman lumabas pa sila ng garden? Para ano Roni? Para pasakitan ako? Para pagselosin ako? Well.... successful ka Roni, mamamatay na yata ako sa selos.. At pinsan naman bakit ang prinsesa ko pa ang napili mo? At hinawakan mo pa ang kamay ha? Naku, baka hindi na kita matantsa niyan..
"Hoy Borj! Ano ba tinitingnan mo diyan?!" - sigaw ni Yuan sa akin. Napatingin na din sila sa tinitingnan ko.
"Hi Roni!" - sigaw ni Jelai sa kaibigan sabay kaway. At kumaway naman sila sa amin.
"Borj mukhang type ng pinsan mo si Roni ha? Okay lang ba yun sayo?" - diretsang tanong ni Junjun sa akin.
"Ahhmm.. Bakit naman hindi? Sus! Wala yun.."
"Oo nga naman Jun, diba nga may girlfriend na si Borj?!" - eto talagang si Jelai pinagdiinan pa talaga.
"Teka pare matino ba yang pinsan mo na yan? Baka naman playboy yan ha, alam mo naman nag-iisang utol ko yan"
Hayyy.. ano ba tong sitwasyon ko ngayon? Hindi na yata ako tatagal sa mundo.
"Hoy pare, lutang lang, tinatanong kita, safe ba ang kapatid ko diyan kay Tom?"
"Ah... oo naman pare.. mabait yang pinsan ko wag ka mag-alala.." - tipid kong sagot.
Hay Roni hanggang tanaw na lang ba ako sayo.
Roni's POV
Hay Borj.. wala ka na ba talagang nararamdaman para sa akin? Hindi mo na ba talaga ako mahal? Kaya ba't wala kang pakelam kahit alam mong may gusto sa akin ang pinsan mo, at sinamahan mo pa.. Hanggang tanaw na lang ba kita..
Ilang araw pa ang nagdaan, consistent si Tom na kilalanin ako, he offered me a ride, he insisted kahit na may sarili naman akong sasakyan. Gusto lang daw nia makasiguro na safe akong makaalis at makauwi. He gives me things kahit hindi ko pa hingin. Flowers, chocolates, bears and letters. Mabait si Tom, gentleman, caring, thoughtful, at sa kagwapuhan hinding-hindi din naman siya magpapahuli. Nasa kanya na lahat ng katangian na hahanapin ng isang babae sa isang lalake. Pero bakit ganon? Bakit hindi niya mapalitan si Borj sa puso ko? Ano bang meron kay Borj na wala kay Tom?
"Roni opening na ng branch ng car business namin ni Borj bukas, gusto ko sana nandoon ka, will you be my special guest please..."
Papayag ba ako? Syempre nandun si Borj nun at malamang kasama nia din si Leslie. Paano kung maapektuhan na naman ako tulad nung dinner party ni Tita Kristine? Pero siguro dapat ko ring turuan ang sarili ko harapin ang katotohanan, kailangan tanggapin ko na hindi na ako yung mahal ni Borj.
"Ano Roni? Please say yes...."
"Pag-isipan ko.."
"Roni last week mo pa sinasabi na pag-iisipan mo eh, sige na pumayag ka na" - at akmang luluhod pa si Tom sa harap ko.
"Ano ba Tom? Yan ang wag mong gagawin, ok na sige na payag na ako."
"Yes!" - malakas naman niyang sigaw na parang nkajackpot sa lotto at natuwa naman ako sa kanya.
Kinagabihan...
"Hello sis! Kamusta ka na?" - si Jelai.
"Buti naman sis naalala mo pa ko, kala ko di mo na ko kilala eh"
"Eto namang sis ko oh tampo kagad, pasensya na hectic lang sched ko, tagal na nating di nakakapagkwentuhan, miss na kita sis"
"Same here Jelai. Kamusta na kayo ni Jun? Mukhang pareho kayong busy lagi ah."
"Sinabi mo pa sis pero we still find time naman. Eh ikaw kamusta na yang puso mo?"
"Hayyyy sis. Ayoko na yata magmahal. Alam mo ba sis umamin ako kay Borj nung na-ospital ako"
"Talaga sis, kinikilig naman ako.. anong sabi mo?"
"Eh di yun sinabi ko sa kanya na noon pa man eh mahal ko na talaga siya, na tama yung naramdaman niya na minahal ko siya"
"Oooohhhh.. tapos???"
"Tapos? Tapos na, finish na dahil ang sagot niya lang sa akin ay may grilfriend na siya, diba nga pinakilala na sa atin officially"
"Payakap sis.."
"Thank you sis. Sa totoo lang hindi ko alam kung pano siya papakiharapan after confessing my feelings to him and getting broke. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. Parang naranasan ko kung paano din siya nasaktan dati nung pinili ko si Basti. I deserved all of this."
"Roni hindi mo kasalanan we were so young then, lahat naman ng tao nagkakamali. At Roni please wag mo isarado ang puso mo, wag mo pagkaitan ang sarili mo na maging masaya. This is not the end of the world. Malay mo naman magbreak din si Borj at Leslie" - biro ni Jelai
"Hoy sis ha, di ko pinapanalangin yun, kung sa kanya masaya si Borj then let it be, magiging masaya na rin ako."
"Teka enough of Borj ha, kamusta naman ung pinsan? Anong lagay niya sa puso mo? Cute yun ha, parang si Baby Borj din" - parang kinikilig pa si Jelai habang nanunukso.
"Ah si Tom, so far? Hmmmm.. boyfriend material naman sis.."
"Para namang hindi ako convince sa sagot mo, why don't give him a chance?"
"Eh kasi sis, pinsan siya ni Borj."
"Ano ka ba sis? Dahil pinsan siya ni Borj, hindi mo na bibigyan ng chance. Don't you think it's unfair for him."
Tama nga naman unfair kay Tom kung hindi ko man lang siya bibigyan ng pagkakataon.
"You're right sis. Salamat sa advice ha. Pero sa ngayon, hayaan ko na lang kung anuman ang mangyayari."
"Basta sis nandito lang ako lagi for you. Hindi mo man ako nakakasama, I will always be your sister by heart"
"Thank you sis. Lalo tuloy kita namiss. Sige na pahinga ka na at rarampa ka na naman niyan bukas."
"Sige sis. Tulog ka na."

BINABASA MO ANG
My Happy Ending
Fiksi PenggemarIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...