Roni's POV
Ang saya ko ngayong gabi, kala ko masisira ang gabi ko dahil sa presence ni Leslie at ni Basti pero binuo naman yun ni Borj. Kung pwede lang ako na ang manligaw sa kanya this time o kaya man sabihin ko kaya sa kanya na ligawan na niya ako ulit. Yuck! Dyahe naman 'tong naiisip ko. Pano naman ako liligawan kung may iba ng nililigawan. Hay Borj.. hanggang tanaw na lang ba kita.
Kinabukasan..
Borj's POV
"Good morning po Tita Marithe, Tito Charlie" - bati ni Borj.
"Oh Borj good morning aga mo ha, may kailangan ka ba kay Roni, tawagin ko lang ha... Roni nandito si Borj..." - tawag ni Tita.
"Ah hindi na po Tita.. dinala ko lang po yung pasalubong ko sa inyo actually matagal ko na po sanang ibibigay yan eh, pasensya na po ngayon lang nagkachance"
"Nagbreakfast ka na ba iho? Halika tamang-tama ang dating mo.. hangang ngayon magaling ka pa din tumayming" - biro sa akin ni Tito Charlie.
"Tito naman eh pero eto po talaga namiss ko eh, breakfast sa mga Salcedo" - sagot ko, siya namang pagbaba ni Roni na nakapantulog pa at halos di pa maidilat ang mata.
"Eto ba namiss mo o yung anak ko?" - biro ulit ni Tito. Nahiya naman ako at napakamot na lang ulo.
"Oh lika na Roni breakfast ka na, sabay-sabay na tayo nila Borj" - yaya ni Tita.
"Good morning Roni" - bati ko. Biglang dilat ng mata niya, nagulat ata sa presensya ko at tinakpan ng towel ang mukha niya. Ang cute talaga ni Roni.
"Ay Borj nandito ka pala. Good morning" - dumiretso siya agad sa banyo. Hayyyy Roni.. ang ganda mo talaga sa loob-loob ko.
Maya-maya lumabas na din siya.
"Oh tara na, kain na tayo, sayang wala si Yuan" - sabi ni Tita Marithe.
"Ikaw talaga hon, namimiss mo na naman panganay mo" - sabi ni Tito Charlie.
"Syempre naman hon, hay naku talagang nagkakaedad na tayo, ikaw Borj kamusta ka nga pala? Wala ka pa ba balak mag-asawa? May girlfriend ka na ba?" - Tita Marithe.
Nabigla ako sa tanong ni Tita kaya nasamid ako.
"Oh tubig oh!, nabigla ka ba sa tanong ko iho?" - at inabot ni Tita Marithe ang isang basong tubig. Natawa naman din si Roni at Tito Charlie.
"Ikaw hon wag mo naman binibigla si pareng Borj" - natatawang sabi ni Tito Charlie.
"Ah eh Tita, nakakagulat naman po kasi ang tanong niyo eh. Hindi ko pa po naiisip yun sa ngayon, pero kung darating po yung para sa akin, bakit naman po hindi. Nakaipon naman na din po ako, nung nasa Italy ako. Inaayos ko lang po mga papers para makapagbranch out ng business namin po dun dito sa Pilipinas."
"Wow! Asensado na din pala tong si pareng Borj eh, swerte ng mapapangasawa mo. May girlfriend ka na nga ba iho?" - tanong ulit ni Tito Charlie.
"Wala pa din po Tito, prospect pa lang po" - sagot ko.
"Eh bakit di mo pa ligawan? Malay mo hinihintay ka lang pala" - sabay tingin nito kay Roni at nasamid din.
Inabot ko sa kanya ang isang basong tubig.
"Roni okay ka lang?" - kinuha niya ang tubig na inabot ko at ininom. At saka nagsalita.
"Dad, Mom ano ba yang mga tinatanong niyo kay Borj? Kayo talaga, matanda na yan 'no, alam na niya gagawin niya" - pagsaway ni Roni kila Tito at Tita.
"Grabe ka naman sa matanda, haha.. Okay lang Roni, namiss ko din 'tong mga ganto"
"Oh ayun naman pala anak eh, okay lang kay pareng Borj, maiba tayo ikaw Roni ba eh anong plano mo? Wala ba nanliligaw sayo ngayon? Baka may hindi ka sinasabi sa amin ha" - si Tito Charlie.
"Dad... at ako naman daw ang i-hot seat.. wala Dad, hindi na ako mag-aasawa, ayaw niyo ba yun kasama niyo ko for life?" - nagulat naman ako sa sagot ni Roni.
"Bakit naman nasasabi mo yan Roni? Hindi ka ba nakakamove on sa break-up niyo ni Basti? Pagkakaalam ko ikaw naman ang nakipagbreak eh kahit mahal ka pa ni Basti?" - si Tita Marithe.
"Ma wag na nga natin pag-usapan yun, tapos na yun okay?" - naiinis na sagot ni Roni. Nakikinig lang ako sa usapan nila. Bakit naman kaya parang bitter si Roni.
"Eh si Tonsi? Hindi ba siya nanliligaw sayo?" - tanong ulit ni Tita Marithe.
"Ma naman eh, hindi ba sabi ko sayo magkaibigan lang kami ni Tonsi. May girlfriend na yun, one of these days sabi niya ipapakilala na niya sa amin." - paliwanag pa ni Roni.
"Eh kung ganun naman pala, kung si Borj walang girlfriend, at ikaw walang boyfriend, bakit hindi kaya kayong dalawa na lang? Hindi ba Borj first love mo naman si Roni? Dati mga bata pa kayo kaya hindi pa pwede peri ngayon you're both at the right age, hands off na kami ni Marithe" - si Tito Charlie na hindi ko malaman kung seryoso sa sinasabi o nagbibiro lang.
"Ha eh ano po kasi eh.." - hindi ko alam ang isasagot ko, ayoko mapressure si Roni.
"Dad I can't believe you.. Borj wag mo pansinin yan si Daddy, nagbibiro lang yan" - ang cute ni Roni, nagbblush ang mukha niya.
"Hehe.. Nagbibiro lang ako Borj pero malay mo bagay naman kayong dalawa" - biro pa ni Tito.
"Daaaad.." - saway ni Roni.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...