Twenty

388 30 0
                                    

First monthsary namin ni Leslie, sa bahay nila kami nagdinner with her family. Hindi na ako naiilang, hindi pa man kami ni Leslie ay lagi na din kami sa kanila. Ganon sila kaclose sa family nila at sabi nga ni Tito at Tita, parte na din ako ng pamilya.

"Thank you Mine. Masaya ako kasi okay kayo ng family ko."

"Mine, ako ang dapat magpasalamat kasi ang girlfriend ko ay lahi ng mababait" - biro ko sabay yakap.

"Haha.. baliw ka talaga." - si Leslie sabay hampas sa braso ko.

"Oo baliw sayo"

"Talaga? Dapat lang 'no.." - Les.

"Opo Mine. Hindi ko sasayangin ang tiwala mo sa akin. Happy Monthsary! I love you Mine" - at niyakap ko siya ulit. Masaya ako sa piling ni Leslie, alam kong mahal na mahal niya ako.

"I love you more"

"Ayoko pa sana na umuwi ka Mine pero late na eh, bumabagyo pa naman magddrive ka pa." - si Leslie

"Ok sige Mine. Bye." - at umalis na ako.

Almost 11 na ng gabi, kahit alam kong sarado na ang coffeeshop ni Roni, nagawian ko ng sulyapan dun. As expected, sarado na nga. Mabuti naman at malakas ang ulan. I am busy driving ng mapansin kong may isang babae sa isang side ng madilim na part ng road, mukhang nasiraan ng kotse. Hininto ko ang sasakyan, basang-basa na siya and trying to fix her car. Wala din pala akong dalang payong pero bumaba na din ako to help.

"Miss may problema ba?" - tanong ko mula sa likod niya.

"Hindi ko din alam eh, bigla na lang tumigil" - nanginginig ang boses nito.

"Let me see" - offer ko. At lumingon na siya sa akin. Si Roni hindi ako maaaring magkamali kahit madilim.

"Borj? Is that you?" - Roni.

"Roni what are you doing here? Bakit naman inabot ka ng ganto ka-late? At bakit nagpapabasa ka sa ulan? Bakit hindi mo tinawagan si Yuan?" - sunud-sunod kong tanong out of worry.

"Isa-isa lang Borj, hindi ko naman gusto magpabasa sa ulan, dead batt kasi ako kaya wala akong choice kung hindi icheck baka naman kaya kong ayusin, baka abutan pa ako ng pagtaas ng tubig." - sagot niya.

"Get on the car, ipagpabukas na natin 'to.. I'll bring you home"

"Pero pano ung kotse ko?"

"Roni pwede ba wag mo muna intindihin 'to? Ako ng bahala. Get on the car please, magkakasakit ka na niyan eh"

Mabuti naman at sumunod din siya. Hininaan ko ang AC at hinubad ang suot kong jacket para mabawasan ang ginaw niya.

"Thank you Borj" - si Roni at ngumiti lang ako sa kanya.

Roni's POV

Hindi ko ineexpect na makikita ko si Borj ngayon at sa gantong sitwasyon pati tuloy siya nabasa sa ulan dahil sa akin. Puro kapahamakan na lang ata ang inaabot niya dahil sa akin. Kamusta na kaya ang mokong na 'to? Apat na buwan na din walang paramdam, sanay na yata siyang ganun, o baka naman busy lang sa work, I heard na magbubukas na yung branch ng business nila dito o baka naman may iba ng pinagkaka-abalahan. Nasa ganong isipin ako ng..

"Ehemmm.. hindi ka ba magsasalita?" - si Borj

"Ahhhmm.. ano naman ang sasabihin ko? Nagthank you naman na ako di ba?" - pagsusungit dahil sa naisip ko na baka nga meron na siyang girlfriend.

"Ang sungit mo naman, hindi naman yun ang ibig kong sabihin, ang tagal nating hindi nagkita eh, kamusta ka na Roni?" - si Borj

"Ah interesado ka pa palang malaman, akala ko kasi nakalimutan mo na kami eh"

"Nagtatampo ka ba? Hindi naman medyo naging abala lang sa work at sa business"

"Eh di ikaw na ang may business" - sagot ko.

"Roni... wag mo naman ako awayin.. I'm sorry, promise I'll make it up sa barkada."

Natahimik ako, I feel bad na inaaway ko pa siya after rescuing me.

"Sorry Borj.. hindi naman sa inaaway kita, namiss ko lang na awayin ka" - sabay tawa ko.

"So namiss mo pala ako?" - nangingiting sabi ni Borj.

"Ang sabi ko namiss kong awayin ka" - pinilit kong magsalita ng maayos pero deep inside sobrang saya ko na kasama ko siya ngayon.

"Ganun na din yun" - sabay tawa niya. At maya-maya pa dumating na kami sa bahay. Hinatid niya ako hanggang sa pinto. Ngayon ko pa naiwan ang susi ko kaya nagtawag pa kami.

"Roni bakit basang-basa ka? Oh Borj nandito ka din pala? Alam ko nung mga bata pa kayo naliligo na kayo sa ulan pero mali naman maligo kayo sa ulan ng gantong oras" - biro pa ni Daddy.

"Good evening po Tito Charlie" - bati ni Borj.

"Dadddd.. nasiraan ako ng kotse eh, buti na lang napadaan si Borj, kundi hindi ako makakauwi."

"Ganun ba, pasok ka muna Borj magkape ka muna ng mainitan sikmura mo" - yaya pa ni Daddy.

"Hindi na po Tito, uwi na din po ako, basa na din po eh, sa bahay na lang po.. Sige Roni una na ako."

"Thank you Borj. Call me when you get home" - and I smiled at him.

"Wow ang layo ng bahay ni Borj ha" - tukso ni Daddy.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon