Borj's POV
Muntik ko ng bitawan ang lahat ng makita kong magkasama si Francis at Roni pero kahit sabihin ko pang ilang ulit na isusuko ko na ang pagmamahal ko sa kanya, hindi ko magawa-gawa. Isang babae lang ang kilala ng puso ko pagdating sa pag-ibig at si Ronalisa Salcedo lang yun.
Ilang araw din akong nag-isip at nagplano. Alam kong kung patuloy na nasa paligid lamang si Jane ay may banta pa din sa pagmamahalan namin ni Roni kung kaya't sabay kaming lumipad pa-Italy. Kinausap ko na ang mom ko at ganun din ang Ninang ko at inilahad ang mga nangyari. Wala sana akong planong gawin yun dahil ayoko sanang mag-alala pa sila pero para kay Roni at sa ikatatahimik ng relasyon namin, nakahanda akong gawin ang lahat. Medyo natagalan akong makabalik dahil kailangan nila Mom at Ninang ng tulong para kusang loob ng magseek ng psychological help si Jane. At sa bandang huli ay napapayag din namin siya. At oramismo ng masiguro kong maayos na ang lahat sa Italy ay dali-dali akong bumalik ng Pinas. Tamang-tama para sa kasal ni Tonsi.
Muntik na akong hindi umabot sa ceremony dahil nagkita kami ni Yuan sa tulong na din ni Tonsi. Humingi ako ng tawad sa kanya, at ipinaliwanag ang lahat kasama ang mga ebidensyang hawak namin. Humingi rin siya ng pasensya sa akin at nagkapatawaran na din kami.
Unti-unti ay naaayos na ang lahat. Sino ba namang mag-aakala na ang dating karibal ko sa puso ni Roni ay siyang taong lubos na makakatulong sa akin para makabalik sa kanya. Malaki ang utang na loob ko kay Tonsi. Pina-review niya ang video na sanhi ng kaguluhan sa mga eksperto at napatunayang tampered lang ang karamihan sa bahagi nun. Kasama pa ang recorded video ng pag-amin ni Jane sa mga ginawa niya, malilinis ko na ang pangalan ko at mapapatunayan ko na kay Roni na malinis ang hangarin ko sa kanya.
Mula sa kinauupan ko ay ang napakagandang view ng mukha ni Roni.
"Bakit hindi mo pa lapitan?" - si Tonsi.
"Kinakabahan ako pare eh."
"Hay Borj natotorpe ka na naman ba? Hoy paalala ko lang sayo kung ilang taon ka na ha para umastang parang teenager." - sermon ni Tonsi.
"Sandali lang bro, bumubwelo lang ako. Tuma-timing lang. Kailangan muna eh maayos ang sasabihin ko bago ko siya iapproach."
"Sige na nga bahala ka na diyan lover boy. Bilis-bilisan mo lang. Ginawa ko na lahat ng maitutulong ko sa inyong dalawa. Nasa inyo na yan."
"Yup pare salamat. Hindi ko na pakakawalan pa ang babaeng pinapangarap ko."
Roni's POV
Unti-unti ay nagpapaalam na ang mga bisita, halos kami na lang magbabarkada ang naiwan doon at pangilan-ngilang kapamilya nila Tonsi. After the wedding ay didiretso na sa flight nila ang newly wed para sa kanilang honeymoon. Muli ay binati namin sila.
"O paano mauna na kami?" - paalam ni Jelai at Junjun.
"Kami din Tonsi, Bea... Congrats ulit and best wishes.." - si Kuya.
"Sabay na ako sa inyo Jun at may kailangan pa daw puntahan sila Kuya."
"Sorry Roni ha.. may lakad din kami. May booking na kami sa Puerto Princesa, nagmamadali talaga kami." - sabi ni Jelai.
"On the way naman ah.." - katwiran ko pero tila hindi naman yun pinansin ni Jelai at dali-daling umalis.
"Kung alam ko lang may mga plano ang mga 'to sana nagdala na lang ako ng sariling sasakyan. Paano na ko uuwi nito ng nakaganto? Sigurado pagtitinginan ako ng mga tao." - bulong ko habang naghihimutok.
"Can I offer you a ride?" - narinig kong alok ng isang lalake. Paglingon ko hindi nga ako nagkamali... Si Borj..
"No thanks kaya ko namang umuwi mag-isa." - pagtanggi ko. Anong piling ng poging 'to ganun-ganun lang eh magiging ok na kami. Hmmmp...
"Roni I insist... Paano ka uuwi na ganyan ang suot mo? Baka isipin pa ng iba na runaway bride ka dahil sa ganda ng suot mo. Besides, mejo madilim na din, delikado para sa isang magandang babae ang magpakalat-kalat sa daan."
"Ok fine." - maiksing sagot ko. Inabot niya ang kamay niya para alalayan ako ngunit hindi ko yun tinanggap.
Binawi na lang niya yun at tsaka sinabing..
"Ok this way.. follow me."
Sa likod niya ay sumunod na lamang ako papunta sa kanyang sasakyan. Inalalayan niya ako sa pagsakay. Pag-upo ko pa lang sa passenger seat ay napansin ko na ang picture ko na nakadikit somewhere in front. Lihim akong kinilig pero pinaglabanan ko pa rin yun. Kunwari na lang ay hindi ko yun nakita.
Tahimik lang kami sa byahe hanggang sa makarating sa bahay.
"Roni can we talk?"
"Wala naman na tayong dapat pag-usapan."
"Roni please... Just this time. Bigay mo naman sa akin 'to."
Bakit ba hindi ko magawang tanggihan ang lalakeng 'to.
"Ok pero bukas na lang pwede? Just want to rest muna." - parang may sariling buhay ang bibig ko na nagsalita. Siguro dahil gusto ko na din maging maayos ang lahat, hindi ko naman maikakaila na wala kaming maayos na break-up ni Borj. For my peace of mind, tama lamang na mag-usap kami.

BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...