Ten

467 29 0
                                    

"So Roni baka you want to give me an update?" - isa pa tong si Tonsi.

"Update???, ano naman ang ia-update ko sayo? Wala namang ganap sa buhay ko aside from last week na magkakasama tayo"

"Yun nga eh, hindi tayo masyado nakapag-usap nun, alam ko naman kung na kanino atensyon mo sa buong bakasyon natin" - si Tonsi na may himig pagtatampo.

"Pasensya ka na Tonsi ha, last week was like a dream, you knew what I've been through pero sa totoo lang hindi ko pa din alam kung ano bang dapat kong maramdaman at kung nasaan na ba ako sa buhay ni Borj? O kung I still matter to him?, tingin mo ba mahal pa din ako ni Borj?" - sagot ko sa kanya. Si Tonsi lang naman ang nakakaalam ng lahat ng feelings ko.

"Honestly? Sa tingin ko naman mahal ka pa din ni Borj pero sa tingin ko din mas maingat na siya ngayon" - matapat na sagot ni Tonsi sa akin.

"Kasalanan ko naman din kasi, kaya siguro pinaparusahan ako ni Lord ngayon"  - malungkot kong tugon.

"Wala namang may kasalanan, wag mo sisihin ang sarili mo Roni, everything happens for a reason, I think naman hindi pa huli ang lahat para sa inyo ni Borj" - Tonsi.

"Eh anong dapat kong gawin Tonsi? Alam mo ba nung kinulong niyo kami sa room sa Siargao, sabi niya wag daw ako mag-alala at hindi na siya katulad ng dati, humingi siya ng sorry dahil minahal niya ako, sabi niya sana daw maging magkaibigan kami ulit' - pagtatapat ko kay Tonsi.

Pakiramdam ko naririnig ko ulit siya nung sinabi niya yun sa akin. Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko. Pinahiran ni Tonsi yun at inabot din niya ang panyo niya. Hinaplos niya ang likod ko.

"Don't be sad Roni, whatever happens nandito lang ako sa tabi mo, tska hindi ba maganda yun na willing siya na maging maayos kayong dalawa at maging magkaibigan, at least hindi ba nandito na siya ulit, mas may chance" - pag-alo sa akin ni Tonsi.

"Hindi na ako umaasa Tonsi at ayoko na din masaktan ko pa siya, I deserve all of these. Pero Tonsi salamat talaga, nandito ka lagi para makinig sa akin" - at niyakap ko siya ng biglang may pumasok sa shop.

"I'm sorry nakakaabala yata ako, I think I left my phone here" - my God si Borj! mabilis akong kumalas sa pagkakayakap ko kay Tonsi.

"A-ahm Borj, ah hindi naman may pinag-uusapan lang kami ni Tonsi. Wait lang ask ko ung staff namin if may naitabi sila" - dali-dali akong umalis.

Borj's POV

Ganto na ba sila ka-close? Kailangan magkayakap? Hindi ko maiwasan sumama ang mukha ko sa nakita ko. 

"Mali ang iniisip mo Borj, I'm just comforting Roni, may problema kasi siya eh" - napansin yata ni Tonsi na masama ang timpla ko.

"Wala naman akong iniisip pare, hindi lang siguro ako sanay na ganyan kayo ka-close. Tapos na yung chapter namin ni Roni, mga bata pa tayo nun. Teka,  Ano bang problema ni Roni? Baka makatulong ako." - bawi ko sa kanya.

"Siguro mas maganda kung ikaw na lang ang magtanong sa kanya, tutal ok naman na kayo di ba?" - Tonsi.

Bigla naman dumating si Roni..

"Ahmm... Borj eto ba yung phone mo? Sorry ha.. kanina pa dapat pala sasabihin ng crew namin kaya lang hindi lang daw nakasingit sa amin ni Tonsi" - Roni.

"Okay lang, no worries, mauna na din ako, bye" - at iniwan ko na sila.

Mali talaga 'tong nararamdaman ko, parang mamamatay na naman ako sa selos, nahalata kaya ni Tonsi, mukhang napasama ang tingin ko sa kanya kanina, hay! Benjamin Jimenez sablay ka na naman. Pero ano kaya ang problema ni Roni, mapula ang mata niya kanina parang katatapos umiyak.

Gabi na, nadaanan ko ang shop nila, papauwi pa lang si Roni. Why she stays there this late? Nasaan si Tonsi, bakit mag-isa lang niya? Nasaan ang ibang staff? Bakit siya pa ang nagsasarado? Bababain ko na sana siya pero bago ko pa mai-park ang sasakyan ko eh pasakay na siya sa kotse kaya I secretly followed her na lang hanggang sa masigurado kong makauwi siya ng safe.

Hindi pa din ako mapakali ng biglang tumawag si Mommy.

"Talaga ba Ma? Kailan naman ang flight mo?"

"Syempre surprise anak, I miss you so much, hindi na yata ako sanay ng wala ka sa tabi ko eh" - Mommy.

"Ma naman eh, baka may makarinig sayo, sabihin pa Mama's boy ako, pero Ma miss ko na din po kayo, I love you Ma..." - namimiss ko na din talaga si Mommy 5 years din kami magkasama sa Italy.

"I love you too son. Gugulatin na lang kita andyan na ako." - si Mommy.

"Alright Ma, kung anong gusto niyo. Ingat po kayo diyan."

"Ikaw din anak, bye."  - Si Mommy talaga andaming pakulo.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon