Roni's POV
The dinner went well. Nalinaw ko naman na sa kanya na ayokong paasahin siya dahil alam kong may nagmamay-aring iba sa puso ko at kahit na siguro tumanda akong dalaga, wala na ako iba pang mamahalin kung hindi si Borj.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Kararating lang namin sa bahay.
Nasa harap kami ng bahay ng hinawakan niya ang kamay ko.
"Roni... sure ka na ba?"
"Sure na?"
"Na ayaw mo ng maging bebe ko?" - tanong ulit ni Basti pero may halong biro naman ang tono niya.
"Bastiiii..." - at napatingin lang ako sa kanya.
"Okay Roni, alam ko naman kung sino ang laman niyang puso mo, pasalamat na lang din ako dahil kahit saglit lang naging tayo, naging parte ako ng buhay mo.. I love you Roni, baka magbago pa isip mo, just give me a call" - biro pa niya.
I smiled at him, nakakalungkot din, naging mabuti ding kaibigan sa akin si Basti, at tama siya naging bahagi siya ng buhay ko.
"Don't look at me that way, wag kang maawa sa akin, I'll be okay. Hindi ko din gugustuhin na magstay ka dahil sa awa pero pwede bang makarequest?" - si Basti na medyo sumeryoso.
"Ano yun?"
"Can I hug and kiss you for the last time?" - si Basti.
Tumango lang ako sa kanya. He hug me for a minute or two. He even say again that he loves me. He kissed me on my forehead.
"Thank you Basti for loving me." - I kissed him on the cheek, and finally bid goodbye.
Borj's POV
I saw them. Sa bawat pagpikit ko, parang nakikita ko ulit. He held his hand, they hugged each other, they kissed. Kung kailan buo na ang loob ko na ipaglaban kita sinagot na ako ng tadhana na isuko ka na dahil matagal mo na akong isinuko. Hawak ko ang isang bote ng beer, nakakailang bote na din ako. Pinagmamasdan ko ang telepono, gusto ko siyang tawagan pero minabuti kong tiisin na lang. Sa araw na dapat nagsasaya ako dahil sa achievement ko sa work, eto ako nagmumukmok.
Ang mga sumunod na araw at linggo, ibinuhos ko sa pagtatrabaho.
"What's with you Mr. Jimenez? Mag-OOT ka na naman, hindi naman kailangan, may bukas pa.." - puna sa akin ni Leslie.
"Sige na Les, mauna ka na, konti na lang to"
"Ayoko nga, I'll wait for you" - si Leslie.
"You don't have to"
"I insist Borj, wala naman din ako gagawin sa bahay"
"Okay sige, let's have dinner then" - I just smiled at her.
"Sure" - then she smiled back.
Naging mas malapit pa kami sa mga sumunod na araw, he helped me sa mga deadlines sa work at ganon din ako sa kanya. We always go out even on weekends dahilan para tuksuhin na kami sa opisina. Hindi na daw kami mapaghiwalay.
Magtatatlong buwan na buhat ng gabing yon at two months ago na din when I started courting Leslie pero kahit ganon lagi pa din nasa isip ko si Roni, sa twing madadaanan ko ang coffeeshop nila, binabagalan ko ang pagddrive baka sakali makita ko siya. Hanggang dun na lang siguro talaga kami at sa pangalawang pagkakataon, tinanggap ko na yun. Pinipilit kong ibuhos ang atensyon ko kay Leslie. Yesterday, sinagot na ako ni Leslie. Naglevel up na din ang pagtingin ko sa kanya. Hindi siya mahirap mahalin. Nung una ayaw niyang ligawan ko siya dahil alam niya yung feelings ko for Roni. Hindi ko yun tinago sa kanya at kahit ganoon tinanggap niya ako. Wala akong planong lokohin siya, hinding-hindi ko yun magagawa sa babaeng nagmahal sa akin sa kabila ng lahat.
Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Bakit mine? Is there something wrong?" - si Leslie na nagtaka bakit bigla ko na lang siyang niyakap.
"I'm just so thankful that you are mine. Salamat sa pagmamahal at tiwala mo" - at mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.
"I love you My Borj. You are my life." - at ginawaran niya ako ng isang halik.
Masaya ako dahil kami na ni Leslie. Madami na din kami pinagsamahan. Alam kong tama ako sa naging desisyon ko na kalimutan na kung anuman ang nararamdaman ko para kay Roni.
Magtatatlong buwan na din na hindi ako nagpaparamdam sa barkada. Kahit na abot-abot ang yaya sa akin sa ganto sa ganyan, abot-abot din ang dahilan ko.

BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...