Twenty Four

399 25 0
                                    

Borj POV

"Pinsan I like her, in fact, parang inlove na nga ako sa kanya. I can't get her out of my mind" - pag-amin ni Tom sa akin.

"Sino bang tinutukoy mo?" - pagmamaang-maangan ko. Sa dami-dami ba naman ng magugustuhan niya bakit naman si Roni pa.

"Hindi pa ba obvious? Syempre si Roni. May boyfriend na ba siya? Penge naman ng number niya."

"Naku pinsan baka matameme ka dun, kunwari lang malumanay yun pero parang liyon un kung magalit"

"Mukha nga siyang anghel na bumaba mula sa langit eh, isa pa mukhang may mabigat siyang pinagdadaanan eh, I saw her last night crying in the garden kaya nga nilapitan ko siya. At nung makita ko siya sa ganung sitwasyon lalo kong gustong mapalapit sa kanya."

Is it because of me kaya siya umiiyak? I broke her heart as I broke my heart too. Gustung-gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko din siya nung time na nagtapat siya sa akin. Gusto kong maglulundag sa tuwa ng kumpirmahin niya sa akin ang mga damdaming pinaramdam niya sa akin noon pero pano ko gagawin yun??? Hindi ko pwedeng iwan si Leslie, not now that she needs me more. Sabi ng doctor nagregenerate daw ang cancer cells sa katawan ni Leslie kaya kailangan niyang mag-undergo ulit ng treatment.

"Borj! Nakikinig ka ba?"

Nawala sa loob ko ang pag-uusap namin ni Tom. Nag-aalala ako kay Roni, ganun din kay Leslie.

"Ano na nga yung sinasabi mo pinsan?" - baling ko sa kanya.

"Sabi ko gusto ko ligawan si Roni, tulungan mo naman ako"

"Ligaw?! Ligaw agad? Sigurado ka ba pinsan? Kakikilala mo lang sa tao eh, kilalanin mo munang mabuti bago mo isipin kung manliligaw ka nga" - mukhang malakas ang tama ni Tom kay Roni, nagseselos ako kahit wala pa man pero wala ako sa posisyon para maramdaman ko yun. Hindi ba't parang nireject ko na din siya nung nagtapat siya sa akin ng sabihin kong girlfriend ko na si Leslie. Knowing Tom, he's a man of a good reputation at isa pa pinsan ko siya pero hindi ko yata kayang ako pa mismo ang gumawa ng paraan para magkalapit sila ni Roni pero how could I say no to him, isa siya sa mga taong sumuporta sa akin during my darkest days.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Sa Salcedos Residence..

"Good afternoon po Tito, Tita.." - bati ko.

"Si Tom po, pinsan ko"

"Ay oo he was already introduced to us by Kristine, oh anong sadya niyo?"

"Nagdala lang po kami ng merienda, nagluto po kasi si Mommy"

"Si Roni po?" - hindi na nakatiis na nagtanong si Tom.

"Ah sandali tawagin ko lang.. Roni... baba muna kayo dito ni Jelai.. nandito sila Borj" - tawag ni Tita Marithe.

Bumaba naman maya-maya si Roni at Jelai.

Roni's POV

"Sabi ko sayo sis, type ka ni Tom eh, tingnan mo kung makatingin sayo oh, hindi ka ba natutunaw diyan?" - bulong sa akin ni Jelai.

"Oh hi... upo kayo.. what brought you here?"

"Siya maiwan ko muna kayo, pakisabi kay Kristine salamat ha - at pumasok na sa kwarto sila Mommy.

"So ano sadya niyo?" - tanong ko.

"Ah kase... alam mo na, gusto lang kita kamustahin, okay ka na ba?"

"Teka Borj dun muna tayo kila Junjun, nandun din sila Yuan eh" - yaya ni Jelai kay Borj na ayaw pa sanang umalis pero wala ng nagawa dahil hinatak na siya ni Jelai.

Loko talaga 'tong si Jelai, iwanan daw ba kami ni Tom. Niyaya ko na lang siya sa garden para hindi naman masyadong private ang pag-uusap namin.

"Aaahhmm... so Roni how are you? Iniisip mo pa din ba siya?"

"Ha?" - pagtataka ko.

"Yung nagpaiyak sayo kagabi, iniisip mo pa din ba siya?"

Nagulat naman ako sa tanong ni Tom.

"Ah yun ba wala yun. Wag mo na isipin yun, nahihiya nga ako sayo eh kasi ang panget ng pagkakakilala natin"

"Alam mo Roni kung anuman ang pinagdadaanan mo sana hayaan mo akong tulungan kita" - he looked straight to my eyes at hinawakan niya ang kamay ko.

"Aaahhmm.. what do you mean?" - hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Roni.. I know I may sound too fast, pero kasi Roni I never had this feeling before, ako din nagugulat sa sarili ko pero the first time I saw you, dumaan ka sa harap ko and kahit may kausap ako sa fone, you caught my attention kaya sinundan kita. Sa ngayon, hindi ko pa masabing love pero sigurado ako na gusto kita... hindi naman kita minamadali pero sana bigyan mo ako ng chance na mas makilala ka pa.." - tuloy-tuloy na pagsasalita niya. Napalunok na lang ako sa pagkabigla. And I don't know what to say.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon