Borj's POV
Gaya ng inaasahan ko umiinom na si Jane bago pa ako dumating. Hindi ko na alam kung ano pang dapat gawin sa kanya. Pilit kong pinakalma ang sarili ko para maayos namin ang lahat.
"I want you to break up with her Borj! Yun lang ang paraan!" - eto lang ang sagot niya sa akin pagkatapos ng mahaba-haba kong litanya ng pakikiusap sa kanya.
"You know I can't Jane. You know how much I love Roni at ngayon lang kami nabigyan ng pagkakataon na magsama at maging masaya. Alam mo naman din ang mga pinagdaanan ko nung malayo ako sa kanya."
"Yun na nga Borj, ganun ka lang ba kabilis makalimot at magpatawad? Nakalimutan mo na ba kung paano ka niya basta-basta na lang tinapon over Basti?! Ako hindi ko nakakalimutan ang lahat ng yun Borj. And eversince, alam mo din naman ang tunay kong nararamdaman para sayo kaya nung panahon na nasasaktan ka, mas nasasaktan ako dahil wala akong magawa para sayo."
"You've been a good friend Jane, hindi mo ako iniwan nung panahon na kailangan ko ng kaibigan pero hanggang dun lang talaga ang kaya kong ibigay sayo. Nasaktan ako ni Roni, nasaktan ko din siya but that was already history. Masaya kami ngayon together. Why can't you just be happy for me Jane?"
"I'm sorry Borj.. sinubukan ko kaya ako lumayo pero hindi ko kaya Borj. Hindi ko matanggap. If you can't be mine lalong hindi ka mapupunta kay Roni. Mukhang wala ng kapupuntahan ang usapan na 'to, I must leave. Pag-isipan mong mabuti ang mga sinabi ko, I'm giving you one week, kung wala kang gagawin, let me do it for you Borj." - at nilayasan na niya ako.
Tinawagan ko si Tonsi pero cannot be reached, I called him via messenger, he's out of the country pala and in two days pa ang balik niya. Wala na akong ibang maisip pang lapitan kung hindi siya. Hindi ako pwedeng lumapit kay Jelai at Yuan, mahirap na, they have tendency to over react. Tonsi would be my best option.
Nakauwi na ako sa bahay. At dun tinuloy ang pag-inom. May mga messages and calls pala si Roni, naka-silent kasi ang phone ko kanina habang kausap si Jane, baka kasi bigla siyang matrigger if biglang tawagan ako ni Roni. Sabi nga pala niya ay may sasabihin siyang importante. Pakiramdam ko I have taken Roni for granted this past few days. I'm sorry Babe, hindi ko gustong gawin yun sayo. I was trapped by a wicked woman.
"Borj!" - tawag ni Lola.
"Bakit po La?"
"Nandito si Roni.."
Dali-dali akong bumaba ng marinig ko ang pangalan ng prinsesa ko. Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi.
"Are you drunk Babe?"
"Hindi naman Babe, nagpapaantok lang. Late na, bakit lumabas ka pa?"
"Hindi ka kasi sumasagot eh... Hmmmp.. Tingnan mo nakauwi ka na pala ng bahay, ni hindi mo man lang ako naalala.."
"I'm sorry Babe, I was about to call you kaya lang naunahan mo ako. Kauuwi ko lang din naman Babe, nagshower na din muna ako.."
Roni's POV
Borj acts different talaga lately. Like right now, pauwi pa lang siya after client meeting, tumatawag na siya.
"Baka naman iba na yang inaasikaso mo Babe ha.." - pagkuwa'y pagtatantsa ko sa magiging reaksiyon niya.
"Of course not Babe, you know I can't do that to you, Mahal na mahal kita Roni.. at ikaw lang ang babaeng pangarap kong makasama habang buhay.." - ramdam ko ang sinseridad sa mga sinabi niya kasabay ng mainit niyang yakap. Gayunpaman, bakit para akong kinakabahan. Hindi kaya dahil hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol kay Francis.
"Mahal na mahal din kita Babe kaya gusto ko sana maging honest sayo Babe, pero sana wag kang magalit."
"Ano ba yun Babe? Pinapakaba mo naman ako eh.. Bakit naman ako magagalit?"
"Promise me muna na hindi ka magagalit."
"Ang daya mo naman Babe, hindi ko alam kung ano ba yung sinasabi mo pero promise ko pakikinggan kita sa abot ng makakaya ko."
"Ganto kasi yun Babe.. remember nung nagvolunteer ako sa Rizal? Hindi ko ineexpect na may tao akong makakasama dun na hindi mo masyadong gusto." - matamang nakatingin sa akin si Borj, halatang naghihintay pa ng mga sasabihin ko kaya nagpatuloy ako.
"I was with Francis, Babe.." - bahagyang nagdilim ang mukha niya.
"Maybe he's stalking you, ano naman ang ginagawa niya dun?" - halata ang pagtitimpi sa boses ni Borj.
"Parents niya ung founder ng foundation Babe pero nito lang siya naging active sa foundation."
"Dahil nalaman niya na nagvvolunteer ka dun.. Iba talaga ang tama sayo ng lalakeng yun.." - pagmamaktol niya, unti-unti ng nagsasalubong ang kilay niya.
"Nilapitan ka ba niya?"
Hindi ko alam kung paano pa sasabihin sa kanya ang iba pang nangyari. Ramdam ko ang pagngingitngit sa kalooban niya.
"Roni tell me may dapat pa ba akong malaman?!"
Hindi ko kaya magsinungaling kay Borj. Kaya kahit na alam kong posibleng magalit siya ay sinabi ko pa rin ang totoo.
"See Roni? Tama ako ng kutob sa lalakeng yun. Don't tell me you believe him sa mga gawa-gawa niyang kwento?"
Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam if ano bang dapat na isagot ko sa tanong niya.
"So you really believe those lies?! I can't believe you!"
"Babe hindi naman sa ganun, he didn't cross the line pa naman behind our friendship. Why can't we just give him the benefit of the doubt besides niligtas niya ang buhay ko."
"Na ako ang naging dahilan kung bakit nalagay ka sa ganong sitwasyon."
Biglang humupa ang galit ni Borj, at napalitan ng pagsisisi, biglang bumagsak ang balikat ng maalala niya ang nangyari sa Laguna dahil sa sinabi ko.
"Babe come on." - at hinawakan ko siya sa baba at iniangat ang tingin niya sa akin.
"Tapos na yun, wala akong ibigsabihin dun. Walang may gusto ng mga nangyari. But please just trust me on this. Ikaw lang ang mahal ko Mr. Benjamin Jimenez at hindi na magbabago yun. You're my forever."
Pilit man ang mga ngiti sa kanyang labi dahil sa muling pagkaalala niya sa nakaraan, muli niya akong niyakap ng matagal at hinalikan sa noo.
"Mas mahal kita Ronalisa Salcedo, lagi mong tatandaan yan. I'll be loving you forever." - at yun na ang pinakamatamis na salitang narinig ko mula sa lalakeng labis kong minamahal.
At dahil nasabi ko na ang lahat sa kanya, nakahinga na din ako ng maluwag😌

BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...