Sixty Eight

1K 45 13
                                        

Borj's POV

Tingnan mo nga naman oh, sino bang mag-aakala na yung dating pangarap ko lang, eh misis ko na ngayon. Sobra ang pasasalamat ko kay Papa God dahil kahit ilang beses akong nawala, he leads me back to my girl. And because of that, mas lalo ko pa siyang minahal at mas lalo akong nakumbinse that Roni and I are meant for each other and for that I promise to take care of her for the rest of my life.

Roni's POV

Once upon a time there was me.. malungkot, nag-iisa at nanghihinayang dahil sa nawalang pag-ibig. Akala ko hindi ko na matatagpuang muli ang aking prinsipe na nilayo ng panahon at pagkakataon ngunit heto ako ngayon, nagpapasalamat ng labis-labis kay Papa God dahil sa kabila ng mga pagkakamali at pagkukulang ko, inihatid niyang muli ang nawalang pag-ibig ko.

Borj and I are happily married sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ng aming buhay-pag-ibig. Yung inakala kong imposible at pangarap na lang ay natupad na. Ngayon sabay na kaming patuloy na nangangarap at unti-unting inaabot ang mga yon.

This is indeed, our "happy ending".

Ngunit tunay ngang sa bawat pagtatapos ay isang panibagong simula.. isang bagong simula para kay Mr. and Mrs. Benjamin Jimenez at para sa aming magiging first baby.

__________________________________
-----------------------------------

- My Happy Ending -

- Salamat po sa lahat ng sumubaybay sa napakahaba kong story. Hindi ko din inexpect po na hahaba ng ganito. The story was made out of my desire na mabigyan ng happy ending ang StefCam loveteam. Sobrang disappointed po kasi ako sa mga nangyari. Sana po nagustuhan niyo ang story ko.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon